Chapter 75: Taste of Own Medicine

3.6K 20 1
                                    

Chapter 75: Taste of Own Medicine

Third Person’s POV

Galit na galit ang naging reaksyon ni Nicolai sa nalaman niya.

Sino ba naman ang matutuwa kapag nalaman mo na babae pala ang nakatalo sa iyo?

Hindi lang isang beses kung hindi marami na.

Kaya naman hindi maganda ang mood nito ngayon.

Salubong nanaman ang mga kilay niya habang naglalakad siya papunta sa locker room.

Lahat ng mga estudyanteng makasalubong niya ay sila na mismo ang kusang umii-ilag para magbigay ng daan sa kanya.

Padabog niyang binuksan ang kanyang locker.

Kumuha lang siya ng isang libro at padabog din itong isinara.

Lalong kumunot ang noo niya nang makita niya si Erin na naka-abang sa kanya.

Naka-upo ito sa wheel chair, namumutla at mukhang nanghihina. Kasama nito ang kanyang mga kaibigan.

Hindi siya pinansin ni Nicolai at dumiretso lang ito sa paglakad.

“Nicolai, wait!” tinawag siya ni Erin ngunit hindi niya nilingon ito.

“Nicolai, let me explain”

Huminto si Nicolai sa paglakad at humarap sa kanya.

“ano pa ang dapat mong i-explain?”

“lahat Nicolai! Lumalala na ang sakit ko. Kailangan kita! Kaya please balikan mo na ako”

“ano bang pinagsasasabi mo?”

“please Nicolai! Nagmamakaawa ako sayo, balikan mo na ulit ako please” bumaba ito sa kanyang wheel chair at lumuhod sa harapan ni Nicolai

“tumayo ka jan!”

“no! hindi ako tatayo hanggat hindi ka pumapayag na bumalik sa akin” niyakap nito ang mga binti ni Nicolai

“Erin!”

“hindi, please Nicolai, lahat ng gusto mo gagawin ko bumalik ka lang sakin” patuloy ito sa pagmama-kaawa kay Nicolai sinamahan pa niya ito ng pag-iyak.

**

Sa kabilang banda naman ay papunta na rin sa locker room ang Amigas. Kasama nila si Eli.

Napahinto sila sa paglakad nang makita nila si Erin na naka-luhod pa rin sa harapan ni Nicolai.

“please Nicolai!” paulit ulit na sambit nito.

Tutulungan na dapat siyang tumayo ni Nicolai nang biglang tumakbo si Eli palapit sa kanila.

“ate tama na!” sigaw nito habang tumatakbo sa kanila.

“Eli wag kang maki-alam dito!” sagot sa kanya ni Erin.

“ate? Magkapatid sila?” sabay sabay na nasabi nila Cathy, Trish, Elise at Sophie. Si Paris ay nakatingin lamang sa kanila.

Nagulat silang lima dahil hindi nila akalin na magkapatid pala ang dalawa.

“ang layo naman ng ugali ni Eli kesa kay Erin!” dagdag pa ni Trish.

“ate itigil mo na ito! Wag ka ng magpanggap!” pilit niyang inilalayo ito kay Nicolai.

“hindi ako nagpapanggap! Totoong may sakit ako!” gumagapang pa rin ito pabalik kay Nicolai.

Hinila siya ni Eli “ate naman! Wag mo na silang lokohin”

Tumulong na rin ang mga kaibigan ni Erin sa paglalayo kay Eli.

Para silang mga bata na nag-aagawan sa isa’t-isa hanggang sa humandusay na si Erin sa sahig.

Nagkatinginan ang lahat. Biglang nawalan ng malay si Erin sa gtina ng paghihilahan nila.

Pati si Paris ay lumapit na rin sa kanila.

“wag niyo siyang lalapitan! Umaarte lang yan. Ate please tigilan mo na to” sabi ni Eli

Nagpumilit ang isang kaibigan ni Erin at lumapit ito sa kanya sabay sabi ng “gosh! Walang heartbeat si Erin”

Nabigla ang lahat at agad itong dinala sa clinic.

A/N: LAST FIVE CHAPTERS NA!!!! ano kaya ba pa? sa next update ko maglalabas na ko ng video kung ano ang mangyayari sa mga susunod na chapters! Ine-edit ko palang siya.

Then nga pala, may tribute ako dun sa mga walang sawang sumusuporta dito sa YDMC. Nag-print screen ako nung mga active readers ng story ko then ilalagay ko siya sa video na mapapanuod niyo sa ACKNOWLEDGEMENT part. :D

kung bet niyong mapasama, then go VOTE and COMMENT! May chance pa dahil meron pang limang chappy plus epilogue para makasama kayo sa acknowledgement ko. =))))))

You Drive me Crazy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon