Chapter 29: Epal lang!!!

4.6K 27 8
                                    

a/n: I’m finally back!!!! HAHA. Di ko na ulit i-oon-hold to. Promise! Ang dami lang kaseng gumugulo sa isip ko eh tsaka yung utak ko napunta lahat dun sa isang story ko. Wahaha kaya napag-iwanan ko yung YDMC. Pero ngayon, okay na ang lahat. Magcoconcentrate muna ko dito. Lapit na kasi pasukan eh busy-busyhan nanaman kami niyan sa school. Kaya kelangan nating mag-catch up!  =)))

 

 

nga pala, if you have extra time pakibasa po yung story ni MietteSolange's (Love Precaution)

 

 

hindi ako satisfied sa ud ko ngayon pero sana ma-satisfy kayo. Hihi. Anyways, yan yung picture ng real migas or should I say ang (herceynaine) haha. Kung mapapansin niyo kulang kami ng isa. Nag-resign na kase siya di ba? (si ‘deuce’ a.k.a. ms.utility) bwahaha. Ang totoo niyan di namin siya kasama nun. Kay BES kasi siya sumama eh ai hindi pala may DATE pala siya nun ayan tuloy wala siyang picture. Haha. Yun lang. Enjoy reading! ^_____^

 

 

 

Chapter 29: Epal lang!

 

 

 

“last meeting, nabanggit ko na sa inyo na magkakaron tayo ng immersion sa bundok for one week. Ang title ng activity natin ay SURVIVAL ADVENTURE”

Parang survivor lang huh. Iniba lang ng term.

“instead na sa isla ay sa bundok kayo titira. Diskarte niyo na kung paano kayo tatagal dun for one week. Kayo ang bahala sa inyong mga dadalhing pagkain dahil yun lang ang hindi kasama sa ipo-provide ng school. Tip lang class, ready to eat foods ang mga dapat niyong dalhin dahil nga sa bundok yun so konti lang ang resources”

Tamang-tama sa title ng activity. So kelangan din naming maka-survive sa mga kakainin naming pagkain. Puro junk foods kaya yun. Hello?! Puno ng calories yun. Tsk.

Anyways, matagal na din ako hindi nakakain ng mga junk foods. MORTAL SIN kasi yun sa ballet eh pati na sa monster mom ko kaya okay lang kahit puro ganun yung kakainin namin sa bundok. Haha.

“Par, punta tayo sa supermarket after class?” –Sophie

“okay ^___^” hehe. First time naming mag-gogrocery together.

“class, we will have our groupings, ten members each group with two leaders. By pairs ang tatawagin kong names. It means, yun yung ka-partner niyo sa pag-arrange ng inyong magiging tent kapag nasa area na tayo. Okay let’s start the grouping … blah blah blah” ang dami na niyang sinabi na mga names. Naku sana lang talaga hindi ang mga BB ang maging ka-group ko. War lang ang mangyayari samin dun.

You Drive me Crazy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon