Chapter 57: Thirdy
Paris’ POV
Waaaahhhh. I had this eerie nightmare last night.
Yung mukha nanaman ng lalaking naka-away ni Nicolai dun sa wake ni tita yung nasa panaginip ko.
Kami ba talaga ang destined para sa isa’t-isa?
No way!!!!! Okay na ko sa Mallows ko.
And speaking of mallows, ipapakilala na daw niya ako sa mommy niya.
Shocks, kinakabahan ako ng bongga!
Mas mataas pa dun sa kaba na naramdaman ko kahapon. -__-
Anyways, I should get myself ready na. Kelangan maging maganda ako kapag na-meet ko na yung mom niya.
Haha. Excited ako na kinakabahan.
“Franz, are you okay?” huminto kami sa paglalakad. humarap siya sakin.
Huminga ako ng malalim “kinakabahan ako”
Ngumiti lang siya “si mommy lang to okay?”
“kaya nga kinakabahan ako eh kasi mommy mo yung ma-memeet ko” napansin niya siguro na ang lamig ng mga kamay ko
Ngumiti ulit siya then he gently brush my hair back behind my ear.
“nandito na pala siya eh, wait lang, ma!” lumapit siya dun sa babae na I think nasa late thirties palang.
Matangkad, sexy, maganda, at mukha pang bata. Model-like yung itsura.
yun ba talaga yung mommy niya?
nung papalapit na sila sakin, may bigla akong naalala.
Parang nakita ko na yung mom niya somewhere.
“ma, this is Franz, my girlfriend” he quickly introduced me to his mother
Niyakap agad ako ng mommy niya “you’re so pretty! At last I finally met you!” she released me and holds both of my hands
Nag-smile ako sa kanya “thank you po tita”
She smiled back “alam mo bang ang dami ng naka-kwento nitong si thirdy sakin about sayo”
Huh? Ano? Thirdy daw?
“ehem ehem, ah ma, I think we should better go to the restaurant na, gutom na ako eh” napatingin kami sa kanya. Nauna na siyang maglakad.
Nasa tapat ko si tita then si mallows naman sa tabi ko. We placed our orders na rin.
“you know what hija, you looked so familiar to me, have we met before?”
Gosh! Napansin din ni tita yun? San nga ba talaga kami nag-kita?
“i’m not so sure tita, pero parang po” what an answer Paris! Isipin mo na kung saan mo siya nakita.
Sa mall? Nagkasabay siguro kami sa isang boutique habang bumibili ako ng damit?
School? Pumunta siya nung family day namin? Next sem pa yung family day eh.
Kelan at saan ba kasi? Basta alam ko nakita ko na talaga siya.
“aha! Ikaw yung nag-offer ng tulong sakin nung nasira yung car ko” OMG oo nga.
Ang cool naman ni tita. Naiilang tuloy ako.
“isn’t it a coincidence third? Same girl lang pala yung pinagkkwentuhan natin!”
What? So, pinag-kkwentuhan pala nila ako. Waaah. Nakakahiya. -__-
“hindi kasi matahimik si mommy nun, tapos ako yung kinukulit niya na yun na lang daw yung girlfriend ko, eh siya nga hindi alam kung sino yun eh ako pa kaya?” makulit na banat ni Nicolai.
BINABASA MO ANG
You Drive me Crazy [COMPLETED]
Teen FictionAno na ba mga nagawa mo just to achieve love? Be the dream girlfriend/boyfriend and have a perfect relationship? Iba- iba nga ba tayo ng perspectives and techniques when it comes to love? Hmmm.. Let's ask the opinions of the ballerina and the car ra...