A/N: please watch the video na nasa gilid! Sana magustuhan niyo! Pinaghirapan ko yan! Mwahahaha. :D
Chapter 76: Stupidity
Alex POV
F*ck! ngayon na nga talaga yung laban nila Nicolai at Winner Beater.
Ganito talaga kabilis? Eh ang alam ko next week pa dapat eh.
Bad trip naman! Mainit pa kaya ulo nun. Baka hindi siya makapag-concentrate! Tss. Kainis!
Nang-aasar talaga tong si Born Rascal eh.
*puk!*
“ARAY! ANO BA?!” may sumapak ng napakalakas sa ulo ko at paglingon ko si babe pala. Ang sama ng tingin niya sakin.
She crossed her arms “anong bilin ko sayo? Hindi ba sabi ko na wag na wag mong babangitin na babae si Winner Beater? pero anong nangyari? Nalaman agad ni Nicolai!”
Yumuko ako. Nakakatakot siya. Daig pa niya si mommy kung sermunan ako. Hindi pa siya sumisigaw niyan ha. Pero deep inside, gusto na kong suntukin niyan.
“sorry na babe, di ko naman kase akalain na…”
*puk!*
ARAY! Sinapak niya ulit ako.
“you’re so stupid Alex! I hate you!” tapos lumabas na siya ng room.
Sumunod ako. Nandun na sa labas si Nicolai. Kararating niya lang. sinalubong siya ni babe.
Tinapik lang niya ang kamay nito at dire-diretsong pumasok sa loob ng room.
Akmang sasapakin ulit ako ni babe nung madaanan niya ko upang sundan sa loob si Nicolai.
Umiwas na ko. Agad kong tinakip yung mga kamay ko sa ulo.
Ang sakit niya kaya manapak. Baka matuluyan na ko sa pangatlo niya.
Buti na lang at hindi niya tinuloy.
**
Ilang minuto na lang at magsisimula na ang laban nilang dalawa.
Iba ito sa mga nauna nilang laro dahil silang dalawa lang ang maglalaban.
Ang lalabas, kung sino ang manalo ngayon, may isang point para sa pinaka-championship.
F*ck! eto nanaman ako, kinakabahan sa magiging laro ni Nicolai.
Ano kayang mangyayari ngayong alam na niya na babae si Winner Beater?
Gagalingan niya kaya para matalo ito?
O magpapadala siya sa galit niya?
Haist! Kelangan niyang galingan dahil hindi dapat siya matalo lang ng isang babaeng gaya ni Winner Beater!
Umingay na yung mga tao sa loob ng New Hampshire Race Track.
Naka-park na kasi sa pole yung kotse nilang dalawa.
Wala kami sa audience seat nila Gab, nandito kami sa paddock ng Kings Of Speed.
The green flag was waved.
Halos sabay na nagsimula ang dalawa.
F*ck Nicolai! Galingan mo please!
Sa unang lap, waang pinagkalayo ang dalawa. Dikit yung laban eh, pero nung nasa pangalawang lap na, medyo bumagal si Winner Beater.
Teka, wag mong sabihing nangangalawang na siya?
Tss. Imposible.
Takot lang niya kay rascal kapag natalo siya.
Tingnan mo nga oh, mukhang unti-unti nang nagagalit si Rascal sa napapanuod niya.
“oh right! Ayan si Nicolai, hindi papatalo sa babae!” sigaw ni Migs na halatang pinariringgan sila Rascal na nasa tabi lang namin.
Agad namang tinakpan nila Michael yung bibig ni Migs.
Walang hiya! Ang daldal talaga nito kahit kelan!
Nagdaan na ang ilang laps at talaga namang nauuna na si Nicolai.
Ano bang nangyayari at hindi na ganun ka-close yung laban nila?
Nagpapatalo ba talaga si Winner Beater?
Baka naman technique niya lang ito para lituhin si Nicolai.
“tss, halatang nagpapatalo si Winner Beater dre,” bulong sakin ni Gab.
“t^ng*ina! Kaya nga eh, ang weird ng laro niya ngayon!”
At sa kalagitnaan ng paglalaban nila ay bigla na lang hininto ni Nicolai ang kotse niya para haranagn si Winner Beater.
Nagulat ang lahat ng audience at pati na rin kami.
P*ta! Anong nakain nitong si Nicolai at huminto pa?!
Eto na eh,malapit na kaming manalo.
At talagang inantay niya pa na huminto si Winner Beater ah.
Nung magkatapatan na yung kotse nila, bumaba na lang si Nicolai sa kotse niya at pinagsisipa yung gulong ng kotse ni Winner Beater.
Pinipilit pa nitong buksan yung kotse ni Winner Beater.
Tumakbo na gad kami palapit sa kanya para awatin ito.
“you f*cking bitch!” paulit ulit na sigaw nito habang patuloy sa pagsipa sa gulong.
“Nicolai tama na!” sabi ko naman habang inilalayo na siya.
Nagpupumilit pa rin itong bumalik.
“F*CK that bitch! Halatang nagpapatalo siya! Inaasar talaga ako nito eh! LUMABAS KA JAN! HARAPIN MO KO!” kinatok katok pa nito yung pinto ng kotse.
“Dre, tama na! hayaan mo na siya, madumi sila maglaro!”
Padabog na pumiglas si Nicolai sa pagkakahawak namin sa kanya at umalis na siya sa race track.
BINABASA MO ANG
You Drive me Crazy [COMPLETED]
Teen FictionAno na ba mga nagawa mo just to achieve love? Be the dream girlfriend/boyfriend and have a perfect relationship? Iba- iba nga ba tayo ng perspectives and techniques when it comes to love? Hmmm.. Let's ask the opinions of the ballerina and the car ra...