Chapter 73: Bitter-Sweet Incident

3.6K 19 1
                                    

Chapter 73: Bitter-Sweet Incident

Pagkatapos kong makarinig ng isang malakas na putok ng baril, dumating na ang mga pulis.

Kasama nito sila Alex.

“Paris!” niyakap ko agad si Alex. Dun na muling bumuhos ang mga luha ko.

“si Nicolai naiwan sa loob” sabi ko sa kanya.

“dre, si Nicolai may tama ng baril” humahangos na sabi ni Migs.

Nakita ko na lang na nilalabas na sa abandonadong factory si Nicolai.

Nakahiga siya sa kama tulak-tulak ng mga rescuers.

Hinawakan pa niya yung kamay ko at tsaka siya nawalan ng malay.

Agad siyang isinakay sa ambulansya at itinakbo sa ospital.

Magdamag ako sa labas ng operating room. Hindi pa rin kasi tapos tanggalin yung bala ng baril sa katawan ni Nicolai.

“Paris, umuwi ka kaya muna sa inyo, kami na ang bahala dito”

“ayoko munang umuwi hanggat hindi ko nalalaman kung ano na yung lagay niya” nahirapan akong huminga kaya dinala agad ako ni Alex sa emergency room para tingnan kung meron ba akong mga sugat sa katawan.

Inadmit na rin ako sa hospital. Umatake nanaman kasi yung asthma ko.

Hindi pa rin ako mapalagay kaya bumalik ako sa labas ng operating room.

Pagdating ko dun, nakita ko na sila tita na naka-upo sa labas, kasama niya si Fei.

“hija” niyakap ako ni tita.

Niyakap ko rin siya at sabay kaming umiyak.

“kamusta na po si Nicolai?” pinunasan ko yung luha ko

“wala pa ring balita hija, mabuti na lang at ligtas ka” hinaplos niya yung buhok ko.

“Fei ….” Tinarayan niya ko.

“you should be the one in there! Nagaagaw buhay ngayon si Nicolai nang dahil sayo! Alam mo simula nung dumating ka sa buhay niya, puro kamalasan na ang dala mo! Malas ka!” tinutulak na niya ko “malas ka!” inawat siya nila Alex.

Lumabas na yung doctor.

“natanggal na yung bala sa kanang balikat niya, sa ngayon, stable na po ang condition niya,” umalis na yung doctor.

**One Week Later

Nasa hospital pa rin si Nicolai, nagpapagaling ng sugat niya.

Pagdating ko sa labas ng kwarto niya, nag-iiyakan sa labas sila Sophie.

Kinabahan ako bigla at nagsimula na ring tumulo yung mga luha ko.

“Par!” niyakap nila ako.

“anong nangyari?”

“si Nicolai….”

Pumasok agad ako sa loob.

Pagpasok ko, tahimik sa loob at nakayuko lang sila Alex.

Naka-pikit si Nicolai sa kama at mukhang hindi na humihinga.

“Paris, wag kang mabibigla pero Nicolai just---” hindi ko na inantay yung sinabi pa ni Alex sakin. tumakbo agad ako palapit dun sa kama at niyakap si Nicolai.

Tuloy tuloy na yung pag-agos ng luha ko.

“ang daya mo! Bakit iniwan mo na ako?!” paulit-ulit na sabi ko.

Hanggang sa tumawa si Migs na siya namang ikinagulat ko.

Binatukan siya ni Michael “panira ka talaga! Eto na eh, nag-iiyakan na lahat”

What?! Another set-up? >3<

Pagtingin ko kay Nicolai, aba! Naka-ngiti na siya ng tagumpay.

“mas nakaka-iyak pala kapag live yung drama” banat ni Alex at nagtawanan silang lahat.

Pinunasan ko yung luha ko at pinaghahampas si Nicolai.

“aray! Yung sugat ko. awww”

“hala! Sorry mallows ko!”

“nice one mallows!” –Sophie

“ayiee! Ang sweet naman ng tawagan! Kasing sweet ng mallows”-Gab

Binato ng unan ni Nicolai si Gab.

Muling nabalot ng saya yung kwarto niya.

**School

Wala pa ring balita kung sino yung mga suspect sa pagkidnap sakin at sa pagbaril kay Nicolai.

Nahirapan din yung mga pulis dahil ayaw magsalita nung mga nahuli nila at nakatakas din yung boss nila.

Anyhow, dahil sa nangyari, nagkaron ako ng instant body guards. Pero nasa labas lang sila.

Ayokong pati dito susundan nila ko. Nakakasakal kaya yun.

But, I know, it’s for my own safety. Yeah right mom! Opinion niya yan! So I have to respect it nalang.

“ano ba! May pagkain ka di ba? bakit pagkain ko yung inaagaw mo?” hay nako palibhasa magaling na yung sugat niya kaya naagaw na agad niya ng ganun ganun lang yung Tupperware ko kahit na naka-arm rest pa yung braso niya.

“ayoko niyan! Gusto ko yung baon mo!”

“bakit ba?! Akin to eh!” naagaw na niya ng tuluyan yung baunan ko. Inexchange niya yung mga pagkain namin.

“palit tayo” sinimulan na niyang kainin yung baon ko.

Hmp! No choice. Nagpalit na kami. Hindi na rin ako masyadong sanay sa mga pagkain dito sa cafeteria. Simula kasi nung na-ospital ako, pinagbabaon na ko ni mommy.

“ang sarap! Baby, sinong nagluto nito?” halos maubos na niya yung baon ko.

“baby ka jan! mallows tawagan natin!” kinurot ko yung cheeks niya “si mommy”

Sumingit si Trish samin “speaking of tita, napakilala mo na ba siya sa kanila?”

Sh*t! oo nga pala! Palagi na lang kasi na-popostponed yung dinner sa bahay dahil busy silang lahat kaya hindi ko pa rin napapakilala si mallows kanila daddy.

“bukas!” sagot ko kay Trish.

Nabilaukan ata si mallows sa sinabi ko.

“okay ka lang? dahan dahan lang kasi” pina-inom ko siya ng tubig.

“baby, bakit bukas agad?”

“stop calling me baby! Basta bukas pupunta ka sa bahay!”

“ganito sitwasyon ko, ipapakilala mo ko kanila kuya, mommy at daddy?”

Hala. Tawagin na din daw bang kuya, mommy at daddy sila?

“tita at tito okay? Hindi pa kita asawa para tawagin mo sila ng ganyan!”

“don’t worry malapit na rin yun” he kissed my cheeks.

“ayiee! Ang sweet naman dito! Nakaka-inggit! Sige guys ha, alis muna ako” –Cathy

Anong meron at nagmadaling umalis si Cathy? May next class pa kaya kami.

Tapos parang may something sa tinginan nila Alex at Gab.

I had no idea kung ano man yung iniisip nila behind their minds, pero ang strange lang ng naging tinginan nila nung biglang umalis si Cathy.

a/n: pic ni Nicolai sa gilid. :D 

You Drive me Crazy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon