Chapter 58: Non-sense

3.8K 20 1
                                    

Chapter 58: Non-sense

Nicholos the third calling ...

O_-

Kapa ng cellphone

-_O

Hawak na ang cellphone, tiningnan kung sino yung tumatawag ...

O__O

Mallows ko!! Napangiti ako dun sa bago niyang name sa phone book ko.

Slide agad sabay sagot

“good morning” naunahan niya ko sa pagsasalita. Husky pa yung boses niya. ano ba yan pati yung bagong gising niya na boses kinakikiligan ko pa. ^///^

“good morning mallows!!!!” masiglang bati ko naman sa kanya. Energetic eh. haha.

“tss”  hay nako naka-kunot pa noo niyan for sure

“ang aga aga naka-kunot yung noo mo” akala mo talaga nakikita ko eh. haha.

Narinig kong tumawa siya “gusto ko lang marinig boses mo. bye na”

“ha? Wait! Wag mo muna ibababa” kainis naman.

“wag kang sumimangot jan, hahaha”

Parang nakikita lang talaga namin yung isa’t-isa eh. haha. Oo nakasimangot nga ako ngayon. Kasi naman siya eh!

“sige na, sa school na lang tayo magkita” bakit ba nagmamadali siya? Ayaw na ba niya ko maka-usap?

“oo na!” ako na yung naunang nagbaba. Bahala siya. Uunahan ko na lang siya sa school!

Naligo agad ako, nagbihis, kumain at go! Alis na agad.

Pagdating ko sa school, dumiretso ako sa may quadrangle.

Yes! Naunahan ko siya. Mwahahaha.

“ate Paris!!!!”

>__>

 “ELI!!!!!”

Tumakbo ako palapit sa kanya at ganun din siya.

Niyakap ko agad siya. Halos mabuhat ko na nga eh. payat lang naman kasi tong si Eli.

So ako pala mataba kaya nabubuhat ko siya?

Joke lang pala. Magkayakap lang kami. Na-miss ko to eh.

“sobrang na-miss kita ate” sabi niya. magkayakap pa rin kami

“ako din! San ka ba nagpupupunta at hindi ka man lang nagsasabi sa akin?”

“nagbakasyon lang ako, ate”

“bakasyon? Saan?”

“sa hong kong”

Kinurot ko yung pisngi niya “bakit hindi mo ko sinama?”

Ngumiti lang siya. Niyakap ko lang ulit siya.

“ate ...”

“oh bakit?” bumitaw na ko sa kanya. Pagkalingon ko nakatayo na si Nicolai sa harapan namin. Naka-kunot yung noo niya.

Ngumiti ako sa kanya. Haha. Gusto ko yung itsura niya kapag ganyan siya eh.

“hi mallows ko! Naunahan kita!”

“tss” lalo pang kumunot yung noo niya.

Nilapitan ko siya. “alam mo mas lalo kitang nagugustuhan kapag ganyan yung itsura mo!” naalis yung pagkakunot ng noo niya tapos tumingin siya sa malayo.

“bakit magkayakap kayo? Kapatid lang ba talaga turing mo sa kanya?” sa malayo pa rin siya nakatingin.

Tiningnan ko si Eli. Natawa siya sa sinabi ni the third.

Binalik ko yung tingin ko sa kanya. Nahuli ko siyang nakatingin sakin sabay lipat sa malayo.

“teka nga, hmm, nagseselos ba yung mallows ko?”

“ako? Magseselos? Sa kanya? *tiningnan si Eli* ha ... haha”

“ewan ko sayo! Tara na Eli, pasok na tayo” inakbayan ko si Eli at nagsimula na kaming maglakad.

Hinabol niya kami at hinawakan niya yung kamay ko.

“oh?” tinaasan ko siya ng isang kilay.

“papasok na rin ako” he slid his hands into mine.

Pinagtitinginan kami ng mga tao. Lahat ng madaanan namin naka-ngiti lang samin.

“sige ate dito na lang ako, nandun yung mga classmates ko eh. sa kanila na lang ako sasabay” tinuro niya yung mga classmates niya

“ehhh, gusto ko ako yung maghahatid sayo sa classroom mo” ayaw ko pa rin siya bitawan

“hindi mo ba narinig yung sinabi niya? dun na lang daw siya sasama sa mga classmates niya” si the third na mismo yung nagtanggal ng kamay ko sa balikat ni Eli. Psh.

Parang batang tumakbo si Eli palapit dun sa mga classmates niya.

Huminto siya saglit para magpa-alam “bye ate! Bye kuya!” with matching wave.

“ingat ka!!!” sigaw ko. Ngumiti siya. Sabay wave ulit. Ganun din kaming dalawa.

Inakbayan na ko ni mallows hanggang sa makarating kami sa room.

“dre, may emergency meeting daw sabi ni babe” salubong samin ni Alex pagkapasok na pagkapasok naming dalawa sa room.

Kinuha ni mallows yung phone niya sa bulsa.

“tara na!” una ng lumabas si Alex. Sumunod sila Gab.

“oh? Bakit hindi ka pa sumunod sa kanila?” tanong ko. Busy lang siya sa pagtetext.

Humarap siya sakin “sasama ka samin”

“huh?”

“let’s go” he grabbed my hand.

**Kings of Speed Headquarters

“BABE!” sabay sabay na sigaw nila Alex dun sa girl na nag-aayos ng sports car.

Siya na kaya si babe?

Humarap siya samin. Medyo boyish yung aura niya pero no wonder, she’s effin’ hot and sexy. Lumapit na siya samin.

“hi kings!” she gave a one-by-one peck on their cheeks.

Tumingin siya sakin “and you are?” kinabahan naman ako sa mga tingin niya. parang may iba eh.

“my girlfriend, babe” Nicolai said to her.

She looked partly shocked “oh, so you’re the---”

“INSPIRATION” gab, Michael, migs and Alex said in chorus

Ngumiti siya and she pulled out her hands to give me a handshake.

“nice meeting you, Paris ... am I right?” nakipag-shake hands na din ako sa kanya.

I nod. Bakit ganun? Parang ang akward naman ng feeling sa pagitan naming dalawa.

Parang lang naman. Baka ako lang yung may ibang nafe-feel. Ayoko na bigyan ng meaning to.

Pumasok na sila sa loob. Nagpaiwan na lang ako sa labas.

You Drive me Crazy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon