Chapter 52: Who The Hell Is Winner Beater
Alex POV
“dre, ano sa tingin mo? Gwapo kayo si Winner Beater?” binasag ni Migs yung katahimikan sa loob ng room kung saan kami nag-iistay ngayon.
“ewan ko! Baka masapak ko pa yun pag nakita ko yun eh” pasigaw na sabi ko sa kanya
Lumapit sakin si Gab “easy ka lang dre, hindi dapat tayo magpahalata na kabado tayo sa pagdating ni Winner Beater”
“sinong kabado?” napatingin kaming lahat sa pintuan, pumasok si babe sa loob suot ang isang all black fited suit. Nakalabas yung cleavage niya.
Nga-nga kaming lahat sa kanya eh. ang sexy niya ngayon! *__*
“oh? Bakit ganyan kayo makatingin sakin? sino nga pala yung kabado huh?” kanya-kanya kaming umiwas ng tingin sa kanya.
Si Gab kinuha yung ipad niya, si Michael kunyare may kausap sa phone, ako naman humarap kay Migs at aba ang loko pasimple pa din tumitingin sa cleavage ni babe.
Kumuha ako ng dyaryo, ni-roll yun at hinampas siya sa ulo.
“aray! Dre masakit!” hinimas-himas niya yung ulo niya
“hindi niyo pa sinasagot yung tanong ko, sino yung kabado?” lumapit pa samin si babe
“ah ... wala yun babe ... dib a Gab?” siniko ko si Gab
“ah ... o-o” nauutal-utal na sagot ni Gab
Muling nabasag ang katahimikan sa loob ng kwarto nang biglang lumagapok yung pintuan.
*BLAAAGGGG*
Galit na pumasok si Nicolai sa loob ng kwarto.
Nagkatinginan muna kaming lima nila babe kung sino yung mag-aapproach sa kanya.
Walang gustong lumapit dahil baka sapakin kami ni Nicolai kapag tinanong namin kung bakit siya galit.
“ui dre, ikaw na yung lumapit, di ba close kayo niyan?” tinulak ako nila Michael palapit sa kanya
“ui gag* hindi kami close!” sinamantala nila yung height at weight ko. Palibhasa ako yung pinakamapayat at maliit samin kaya kayang kaya nila kong pagtulakan
Anong sasabihin ko sa kanya? Mas lalo akong kinabahan eh, hindi ko pa nakikita si Winner beater niyan ah.
“dre, okay ka lang?” yun na lang yung nasabi ko sa kanya
“tss, mukha ba kong okay?” lalo pang nagsalubong yung mga kilay niya
Humarap ako kanila Migs at nakita silang tumatawa ng mahina. Pahiya ako dun ah. isa-isa ko silang pinaghahampas ng dyaryo sa ulo.
“enough guys, kelangan na daw tayo dun sa labas” kinuha sakin ni babe yung dyaryo.
Paglabas namin ng kwarto ang dami na agad naka-abang na press.
Buti na lang may security. Yung mga flash ng camera kabilat kanan tapos tanong pa sila ng tanong.
Pagdating namin sa entrance ng conference room, nakasabay naming pumasok siila Born rascal kasama yung mga weaklings niyang racers.
Ang kampante ng itsura nila huh. Tss. Palibhasa may pantapat na sila samin eh.
Nagkatapatan sila ni babe, napatingin din si gag* dun sa cleavage ni babe.
Nakaka-distract naman kasi yung boobs ni babe eh. hindi kaya sinadya niya na ganyan yung suot niya ngayon?
Pina-una kaming pinapasok ni Born rascal sa loob.
Habang papasok kami, lahat ng mga weaklings nakangiti samin na parang nang-aasar.
Kampante talaga oh. Tingnan nalang natin sa race.
Teka, lima lang sila ah, nasan na si Winner Beater?
Umupo na kami dun sa pahabang table.
Isa-isa ng nagtanong yung mga press. Si babe lahat yung sumagot.
“my question is for Born Rascal, where is Winner Beater?”-press
“hahahaha” tawa ng tawa si gag*
“do you wanna see Winner Beater huh?” mayabang na tanong niya dun sa press
“wait lang Born Rascal, uhm, any message for the Kings of Speed racers before you introduce your Ultimate bet to overwin the number one racers in the Philippines?”
Humarap siya samin “just put your best foot forward and let the game begin!”
Pagkatapos niyang sabihin yun namatay yung mga ilaw sa loob ng conference room at nagkaron ng spot light sa may pintuan.
Napatingin kaming lahat dun sa saradong pintuan.
“ladies and gentlemen, i’d like all of you to meet the ultimate pride of the Road Killers, .... let’s welcome ... Winner Beater”
Tumugtog yung intro ng eye of the tiger sabay sa pagbukas ng mga pintuan.
Sh*t eto na, makikita na rin namin si Winner Beater.
Pero nasan na siya?
Wala naming Winner Beater na pumasok sa loob ng conference room.
“HAHAHAHAHAHA” bumalik yung tingin naming lahat kay Born Rascal na malakas na tumatawa.
Nagsalita si babe gamit yung mic niya “are you in drugs Born Rascal?” tss. Ang weird niya kasi o hindi kaya tuluyan na siyang nabaliw?
“HAHAHAHAHAHAHA” lalo pang lumakas yung pagtawa niya
Eh gag* pala siya eh. baka wala naman talagang Winner Beater. pauso niya lang siguro yun para mapansin sila.
“i’m not that fool babe, see you sa race” binigyan pa niya ng nakakadiring flying kiss si babe bago sila lumabas ng conference room.
Hinabol sila ng tanong ng mga press.
Napatingin ako kay Nicolai na kanina pa hawak hawak yung phone niya.
Ganun pa rin yung itsura niya, BV pa rin.
Hindi ko na siguro siya dapat tanungin pa, baka mapahiya ulit ako eh at tsaka mukhang alam ko na kung bakit siya nagkakaganyan.
Tsk. Love nga naman oh.
Balik nga tayo sa eksena dito, the big question is ...
F*CK! WHO THE HELL IS WINER BEATER?
BINABASA MO ANG
You Drive me Crazy [COMPLETED]
Fiksi RemajaAno na ba mga nagawa mo just to achieve love? Be the dream girlfriend/boyfriend and have a perfect relationship? Iba- iba nga ba tayo ng perspectives and techniques when it comes to love? Hmmm.. Let's ask the opinions of the ballerina and the car ra...