Chapter 49: Playing hard to get

4.2K 22 0
                                    

Chapter 49: Playing hard to get

Von’s POV

“Paris!” tumakbo ako palapit sa kanya. Mag-isa lang kasi siyang naka-upo dun sa may bench.

Lumingon siya sakin. “oh Von” sa tono ng pagsasalita niya mukhang ang lalim ng iniisip niya.

“bakit mag-isa ka lang dito? Iniwan ka ba nila?”

She shook her head. “hindi. Gusto ko lang mapag-isa”

Hmm, that gave me a great idea. “tara, coffee tayo”

“sure. Pero ...” tumingin siya sa wrist watch niya

Hindi ata siya sigurado sa offer ko. Kahit saglit lang Paris gusto lang kita makasama at ma-solo.

“pwede sa ibang coffee shop nalang tayo? Yung medyo malayo dito sa school. Three hours naman break ko eh”

Ayos! Three hours break tapos sa medyo malayong coffee shop pa? Mukhang nasa mood siya na makasama ako ah.

Dinala ko siya dito sa Starbucks sa High Street. Malayo na to sa school kaya siguro naman okay na kami dito.

Nag-order na ko ng brewed coffee at oreo cheesecake.

Nilapag ko na sa table namin sa labas yung food namin.

“thanks ^___^” yan na siguro yung pinaka-magandang smile na nakita ko mula sa kanya simula kahapon.

Masaya lang siguro siya dahil kasama niya ko. HAHA.

Hindi ko na sasayangin pa yung pagkakataon na to para sabihin sa kanya yung nararamdaman ko.

“ah Paris ...” nakatingin lang siya sa phone niya “may sasabihin sana ako sayo”

“uhm, tungkol san?” nilapag niya sa table yung phone niya at humarap na siya sakin

“about us” kinuha niya ulit yung phone niya sa table

“uhm, what about us?” tumingin na ulit siya sakin

“kasi ... ah ... I want to---”

*I am the best*

“wait, excuse me lang ah” tumayo siya sa at naglakad konti palayo dun sa table namin

Lintik. Sino ba kasi yang kausap niya at ang laking istorbo yung ginawa samin! Naputol pa tuloy yung sasabihin ko. Kainis.

Kumuha ako ng sigarilyo sa bulsa ko at sinindihan yun.

Naglakad na siya pabalik sa table namin at naka-titig lang siya sakin.

Naisip kong itigil muna yung paninigarilyo. Alam ko kasing ayaw niya na naninigarilyo ako.

“sorry. Alam ko namang ayaw mo kong nakikitang naninigarilyo” umupo na siya

“no. It’s okay. Ano na nga pala ulit yung sasabihin mo?” f*ck! Hindi na yan yung Paris na kilala ko. Nag-iba na nga ata talaga siya. Kung kami pa siguro malamang tinapon na niya yung mga sigarilyo ko sa basurahan

“gusto ko sanang---”

*I am the best*

Hindi niya pinansin yung tumatawag sa phone niya

“sorry. Ang kulit kasi nitong tumatawag sakin eh. ano nga ulit yun?”

“hindi sige, sagutin mo na lang muna”

“hindi okay lang yan hayaan mo siyang mag-antay” hayaan siyang mag-antay? Sino?

“sagutin mo na. Baka importante yun”

You Drive me Crazy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon