Chapter 68: Tricky Game

3.7K 18 3
                                    

Chapter 68: Tricky Game

Von’s POV

“good mood ka ata ngayon?” ang laki kasi ng ngiti ni Rascal. Kelan lang nung galit galit siya dahil umayaw na si Winner Beater sa kasunduan nila.

“bumalik na siya” *evil grin*

“ano?! Pumayag na ulit si Winner Beater sa kontrata niyo?”

“yup! And I will grab this opportunity para muling pahiyain ang mga Kings. hahaha” he get his phone from his pocket tapos may tinawagan siya.

[“hi babe. Pumapayag na ko sa inaalok mong rematch”]

REMATCH??? Nasisiraan na ba si Rascal? Ganun na lang ba kadali na pagbigyan niya ang mga Kings sa alok nilang rematch?

“sigurado ka ba jan sa desisyon mo? Paano kung matalo tayo?”

“hindi tayo matatalo Von, nasa atin ang alas! The key to our second victory! hahaha”

“at paano ka naman nakakasigurado na ipapanalo ulit yan ni Winner Beater?”

“you better watch the game tomorrow nang makita mo kung gaano kalakas ang panlaban natin. Sasayangin lang ng mga Kings na yun yung oras nila. Dahil hinding-hindi nila matatalo si Winner Beater” *evil laugh*

I see. Kelangan ko nga talagang manuod ng laban bukas.

**Rematch

“oh? Bakit niyo ko hinaharangan? Member din ako ng Road Killers hindi niyo ba ko kilala ha?” hindi ako pinakinggan ng mga gwardiya.

Lumabas si Rascal sa paddock. Tinawag ko siya.

“Rascal!”

“bawal kang pumasok sa loob paddock”

“bakit?” dahil ba nasa loob na si Winner Beater? bakit ba hindi ko siya pwedeng makita? Sino ba talaga siya?

“basta. Bumalik ka na dun sa kung saan ka man naka-upo!”

Wala rin akong nagawa. Umupo na ko sa audience at nagsimula na ang laban.

Sa una, medyo nahuhuli si Winner Beater.

Anak ng! eto ba yung sinasabi ni Rascal na alas? Pa-key key to second victory pa siya eh ang layo kaya ng agwat nila ni Road Master. Tss.

Pero nagkamali ako, nag-overtake si Winner Beater kay Road Master.

That’s right! Talunin mo yang Road Master na yan!

All the crowds were cheering in favour of Winner Beater.

Until

.

.

.

.

.

F^ck! this can’t be happening! Bakit siya nagpatalo?

Halatang binagalan niya yung takbo niya para maunahan siya ni Road Master.

Nagulat ang mga tao sa naging resulta.

Road Master wins.

“P*TANG^NA!!!!!” nagwala na si Rascal sa loob ng paddock! “WINNER BEATER GINAGALIT MO TALAGA AKO!!!!!!” nagtalsikan yung mga equipments namin sa labas.

Akala ko nasa loob ng paddock si Winner Beater pero wala naman palang kasama si Rascal sa loob.

Ang kahapon na masayang Rascal, ibang-iba na ngayon. Nanggagalaiti na siya galit dahil sa ginawang pagpapatalo ni Winner Beater.

Alex POV

“dre, sigurado ka bang dito ang diretso ni Winner Beater pagkatapos ng race?” ang lakas ng boses ni Gab baka may makarinig pa samin dito eh.

“oo! Wag ka ngang maingay jan! dapat pala si Michael na lang yung sinama ko”

Nagtatago kami ngayon sa parking lot kung saan inaantay namin ang pagdating ni Winner Beater.

“dre, panalo daw si Nicolai!”

“talaga?!”

“oo. Kakatext lang ni babe”

Ayos! Unti-unti nang nag-work ang mga plano namin.

Sabay sa pagkapanalo ni Nicolai ang pagtuklas namin sa totoong katauhan ni Winner Beater.

Halatang may tinatago silang sikreto ng Rascal na yun dahil bantay sarado ang paddock nila kanina.

Buti na lang at may naisip na paraan si babe kung paano namin matutuklasan ang sikreto nila.

Nakunan kasi sa cctv ang pagpunta dito ni Winner Beater pagkatapos ng laban nila ni Nicolai nun.

Yun nga lang ayaw ibigay samin yung copy ng video dahil strictly confidential daw.

Utos lang ni Rascal yun para hindi sila mabuko.

Ano na nga ba talaga ang sikreto sa likod ni Winner Beater?

“dre, may naririnig na kong naglalakad” nagtago agad kami ni Gab.

Maliit man yung butas na pinagsisilipan namin, okay na to kesa namang masira pa yung mga plano namin.

May naglakad na papunta dun sa puting Ferrari. Naka-racing gear pa siya.

Paakyat yung tingin namin.

Naka-helmet pa siya.

Pero ang mas nakakagulat sa lahat ay mayroon siyang mahabang buhok.

Teka, si Winner Beater ba talaga yung nakikita namin?

Medyo brown at naka-kulot pa yung dulo ng mga buhok niya.

Sumakay na siya sa loob ng kotse nang hindi man lang hinuhubad yung suot niyang helmet.

Agad siyang umalis sa parking lot. May sumunod na isang black sedan sa kanya.

Wag mong sabihing

.

.

.

.

.

Babae si Winner Beater?

a/n: nasa gilid yung vid ni Winner Beater. anong masasabi niyo sa tunay na katauhan ni Winner Beater? HAHAHA. =)))

You Drive me Crazy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon