Chapter 74: Wild Guess

3.5K 18 0
                                    

Chapter 74: Wild Guess

Alex POV

Ang dami naming pinagdaanan nitong mga nakalipas na araw.

Sa ngayon, magaling na rin ang sugat ni Nicolai, pwede na ulit siyang sumabak sa racing.

At speaking of racing, nabalitaan namin na magkakaron ulit sila ni Winner Beater.

Hindi talaga kami titigil hanggat hindi namin napapabagsak yang si Winner Beater.

Pero kakayanin ba namin siyang pabagsakin, kung alam namin na naging parte na ito ng mga buhay namin?

“ano dre, saan daw pumunta si Cathy?” –Gab

Nag-uusap nanaman kami ni Gab tungkol sa mga paghihinala namin kay Cathy at pati na rin kay Sophie.

Buti na lang at wala si Nicolai dito, ngayon na kasi ata siya ipakikilala ni Paris sa pamilya nito.

Yung dalawang mokong naman, ayun, busy sa paglalaro ng x-box.

Kaya kahit mag-usap kami walang makakarinig samin, dahil ang ingay nung dalawa eh.

“ang daming ngang palusot dre eh, hindi niya talaga masabi kung saan siya nagpunta nun” sagot ko kay Gab.

“hindi kaya?”

Napakamot ako sa ulo “dre, parang hindi ko kakayanin kung siya man si Winner Beater”

“ako rin eh, kung si Sophie din si Winner Beater hindi ko ma-eexplain kung ano ang mararamdaman ko”

“pero alam mo dre, may possibility na si Cathy si Winner Beater eh”

“pano mo naman nasabi yan?”

“eto makinig ka sakin, ikkwento ko kung bakit”

*flashback*

Niyaya ko si Cathy na manuod nun ng sine.

After namin manuod, hinatid ko na siya sa kanila.

Along the way, bigla na lang kaming nasiraan.

“what happened?” she asks me.

Lumabas ako ng kotse at nakita na na-flat yung isang gulong.

Nung tatawag na ako ng mekaniko, bigla siyang lumabas ng kotse at …

“na-flat lang pala eh, sige ako na ang mag-aayos!”

Nawala tuloy ako nun sa kinakausap ko dahil nagulat ako sa sinabi niya.

Mostly kasi sa mga naka-date ko nun, walang kainte-interes sa mga kotse. Pero si Cathy, kakaiba, siya pa mismo ang nag-insist na mag-ayos ng gulong ko.

“Cathy, you don’t have to do this, tumawag na ko ng mekaniko” hindi niya ko pinakinggan at kinuha niya yung tool box sa likod ng kotse at nagsimula na siyangmag-ayos nito.

Wala na akong nagawa kung hindi ang tingnan siya.

Pati yung paghawak niya sa spare tire halatang matagal na niya itong ginagawa.

At wala pang isang oras, tapos na niyang ayusin yung gulong ng sasakyan ko.

*end of flashback*

“ang mas ikinagulat ko dre, nung dinala ko siya sa auto service ng Mercedes benz, pati sila nagulat sa nagawa ni Cathy”

“bakit? Dahil nasira niya yung gulong?”

“hindi dre, mahirap daw ayusin yun!”

“tsk. Ang galing naman niya”

“oo nga eh, kaya hindi ko rin tuloy maiwasan na mapagkamalan siya”

“pero dre si Sophie may sign din eh”

“paano?”

“eto makinig ka”

*flashback*

The first time I met her, alam ko ng ubod siya ng arte.

Mataray, masungit at higit sa lahat napaka-arte.

Pero one time, mukhang nagbago siya at nawala ang kaartehan niya sa katawan.

Hinamon niya ko mag-car racing sa timezone.

“seryoso ka? Ako hahamunin mo jan? eh video game lang yan eh”

“hoy Gabriel! Wag mo kong mamalitiin ha, hindi porket car racer ka, wala na kong laban sayo”

“sus, sasayangin mo lang oras mo sakin, ako ng mananalo jan”

“let’s see”

Nagsimula na kaming maglaro.

Five straight games, pinataob niya ko.

“I told you kaya kitang talunin!”

“tss, kala mo naman formal racing talaga”

“hmp! Kaya rin kita talunin dun no, kahit si Nicolai kaya ko!”

“talaga?” no one can beat Nicolai. Tapos siya naglakas loob na talunin si Nicolai?

“oo!” proud pa na sabi niya.

*end of flashback*

“ano? Sinabi niya yun sayo?”

“oo dre, kaya daw niyang talunin si Nicolai. May isa pang sign dre,”

“ano?”

“magmomovie marathon dapat kami sa condo ko pero ayaw niya, pumayag na nga ko eh kahit mga romance yung panoorin namin pero ayaw niya, tapos hanggang sa nanuod kami ng NASCAR championship. At alam mo ba? Ang babagal daw nung mga racers na kasali”

“ano? She’s unbelievable. NASCAR minamaliit niya?”

“kaya nga yun ang nakakapagtaka. Mas magaling pa daw siya kesa sa kanila”

“dre iba na to” uminom ako ng whisky.

Pinagtagpi-tagpi na namin yung mga pangyayari and we came up with two guesses kung sino nga ba talaga si Winner Beater.

“walang dapat maka-alam na babae talaga si Winner Beater” sabi ko kay Gab.

“f*ck! babae si Winner Beater?!”

O__O Nicolai?

a/n: tama nga kaya ang hula nila Alex at Gab tungkol sa tunay na katauhan ni Winner Beater? abnagan sa last five chapters ng YDMC!!!!

You Drive me Crazy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon