a/n: please watch my charot na video bago niyo basahin. Sareeh kung walang sound effects! Tinamad ako maglagay eh. haha. At sorry kung ganyang yung effect niya. it’s for Winner Beater’s sake. Hindi ko pa pwedeng ilantad ang kanyang identity! Sana magustuhan niyo! =))))
Chapter 60: Match Point
Third Person’s POV
Everyone’s excited for this much awaited battle between the unbeatable car racer and the beater.
Busy na rin ang lahat sa paghahanda. Sinisigurado nila na walang magiging aberya ang kanilang mga ilalaban.
Nicolai was under pressure when he saw his dad together with her mom in the audience seat.
He wanted to impress his dad by winning the game.
Lalo pa tuloy siyang hindi mapalagay nung nakita niya na wala pa rin sa audience seat si Paris. Samantalang ang mga kaibigan nito ay todo cheer na sa Kings of Speed.
Dumilim bigla ang paningin niya. may tumakip kasi sa mga mata niya.
Hinawakan niya ang mga kamay ng tumakip sa kanyang mga mata.
“akala ko hindi ka na darating” sabi niya sabay bitaw sa mga kamay nito at humarap siya.
“pwede ba yun? Ako kaya yung number one fan mo!”
Niyakap niya agad ang nag-iisang babae na nagpapasaya at nagbibigay sa kanya ng lakas para lumaban.
Hindi kasi biro ang makakalaban niya. ito lang naman kasi ang kaisa-isang nakatalo sa kanya sa drag racing.
At ngayon narito rin siya sa formal racing para muling talunin ang unbeatable pagdating sa larangang ito.
Si Winner Beater.
Binigyan niya ng isang matamis na halik sa labi si Paris at sinabihan na ito na umupo na sa tabi ng mga kaibigan nito dahil maya-maya lamang ay magsisimula na ang laban.
Naging kampante na siya nung nakita niya si Paris sa tabi ng mga kaibigan nito.
Kinausap muna siya ni ultrababe para bigyan ng konting payo at naghanda na siyang sumakay sa kanyang kotse.
“Welcome racing fanatics!!!!!” panimulang bati ng announcer. Nagsigawan na ang mga tao.
“today, we will witness the much awaited battle between Road Master and Winner Beater” lalo pang lumakas yung sigawan ng crowd.
Hindi na rin magkamayaw sa pagwawagayway ng mga banner ang amigas. Pati ang mommy ni Nicolai ay todo cheer na rin sa kanyang anak.
*broom ... broom ....*
The green flag was waved.
Si Road Master ang nangunguna sa unang lap. Mukhang nahirapan pa si Winner Beater na masundan ito.
Makalipas ang limang laps .... si Road Master pa rin ang nangunguna ....
“Looks like the beater won’t beat the Road Master. No wonder he is the unbeatable! But.
.
.
.
.
Winner beater
.
.
.
.
.”
Naungusan na ni Winner Beater si Road Master.
Final lap na. Dito na magkakasubukan ang dalawang magaling na racers.
Dikit ang laban. Kapag nauuna si Winner Beater ay siya namang habol sa kanya si Road Master at ganun din. Palitan lang sila ng unahan.
Kanya-kanya ng sigaw ang mga audience sa kanilang pambato.
The checkered flag was waved.
WINNER BEATER WINS!
*boog*
Tinapon ni Nicolai yung suot niyang helmet sa sobrang inis sa kanyang pagkatalo.
Inawat naman siya ng kanyang mga kaibigan na nainis rin dahil sa kanilang pagkatalo.
Lahat ng mga taga-Kings of Speed ay nadismaya sa naging resulta ng laban.
Pumasok sa loob ng paddock si papa Chen para kausapin si Nicolai.
“you’re such a disappointment! Nasayang lang ang oras ko sa walang kwenta mong laro!” dinuro pa siya nito bago ito umalis.
Yumuko nalang si Nicolai, pinipigilan ang kanyang galit. Namumuo na ang kanyang galit sa kanyang mga kamay.
Nahuli na ng dating ang kanyang mommy, pipigilan pa sana nito si papa Chen ngunit pagdating niya sa paddock ay umalis na ito.
Nagkatinginan lang sila ni Nicolai at sinundan na agad nito si papa Chen.
Pagtingin naman niya sa gilid ay nakita niya ang tumatawang si Born Rascal.
Susugurin na sana niya ito nang pigilan siya ng kanyang mga kaibigan.
Sunod naman na dumating ang humahangos na si Paris. Nagdalawang isip muna ito bago lumapit sa kanya.
Hindi niya alam ang gagawin. Natatakot siyang lapitan at hawakan ito dahil mukha ng papatay ng tao si Nicolai.
Inintindi na lamang nito ang pinagdadaanan ng kanyang boyfriend.
![](https://img.wattpad.com/cover/926719-288-k386693.jpg)
BINABASA MO ANG
You Drive me Crazy [COMPLETED]
Teen FictionAno na ba mga nagawa mo just to achieve love? Be the dream girlfriend/boyfriend and have a perfect relationship? Iba- iba nga ba tayo ng perspectives and techniques when it comes to love? Hmmm.. Let's ask the opinions of the ballerina and the car ra...