Chapter 72: Death Trap
Von’s POV
“Von, mabuti pa siguro na putulin na natin yung connection natin sa isa’t-isa” seryosong bungad sakin ni Paris pagkadating niya dito sa tagpuan namin.
Akala ko hindi na siya darating, matapos yung mga nangyari nun sa hospital, alam kong hindi pa sila okay, tingnan mo nga oh, kung ano-anong lumalabas sa bibig niya.
Syempre, hindi ako papayag na putulin yung connection namin. Ngayon pa ba na mukhang nagkakalabuan na sila? Tss. Asa!
Pasensya na lang sa kapatid ko at nasa akin ngayon yung ‘girlfriend’ niya.
Mas matagal naman kaming nagkasama ni Paris kumpara sa kanilang dalawa. Kaya alam ko kung ano man yung nararamdaman ni Paris.
“Paris, alam kong nasasabi mo lang yan dahil sa sitwasyon niyo ngayon ni Nicolai”
“hindi Von, mali na tong ginagawa natin eh, ayokong saktan si Nicolai” ano bang ginagawa naming masama?
I just texted her na pumunta siya dito sa moa dahil gusto ko siyang makita. Ayun lang yun, masama ba yun?
“teka Paris, wala naman tayong ginagawang masama ah”
“meron Von, nagseselos si Nicolai sating dalawa”
Kasalanan ko ba kung mas malakas ang dating ko kesa sa magaling kong kapatid? Tss. Katwiran ni Paris baluktot.
“at ikaw, hindi ka nagseselos dun sa Fei? Buntis siya Paris, wala ka bang balak alamin kung sino ang ama ng dinadala niya?”
“anong ibig mong sabihin? May boyfriend si Fei, at siya ang ama ng ipinagbubuntis niya”
“sigurado ka?”
“ano bang gusto mong palabasin? Na si Nicolai ang ama?”
“posible. Hindi ba nakita mo silang magkasama nun sa condo ni Nicolai after ng b-day ni papa Chen? Malamang, hindi lang yun isang beses na nagsama silang dalawa dun sa condo ni Nicolai”
BINABASA MO ANG
You Drive me Crazy [COMPLETED]
Teen FictionAno na ba mga nagawa mo just to achieve love? Be the dream girlfriend/boyfriend and have a perfect relationship? Iba- iba nga ba tayo ng perspectives and techniques when it comes to love? Hmmm.. Let's ask the opinions of the ballerina and the car ra...