Chapter 63: Revelation
Masquerade yung theme ng birthday ng dad ni Nicolai and yet kahit ganito yung theme may touch pa rin siya ng Chinese culture.
Sa labas palang ng hotel meron ng mga Chinese balloons kaya alam mo pa rin na Chinese yung may birthday.
I wore a gold evening tube dress matched with a black sequined blazer.
Yung mask ko naman color black siya then may gold lining. Partner talaga siya sa suot kong damit ngayon.
Nicolai placed his hands on my waist.
He’s so hot tonight. He’s wearing a silver suit that perfectly matched his body.
“hi hija, you looked gorgeous tonight!” bati sakin ni tita pagkakita niya samin. Naka-red naman siya na dress. Nasa likuran niya yung dad ni Nicolai.
“dad, this is Paris, my girlfriend” sabi ni Nicolai sa daddy niya pagkalapit samin.
“happy birthday po” bati ko
We shake hands “which family were you from?”
“Chen, she’s a Galvez” Nicolai’s mom answered
Napa-iling yung daddy niya “she’s not a Chinese how come---”
“hi tito Chen! Happy birthday po!” napalingon kaming lahat kay Fei.
“thank you Fei. Where’s your mom and dad?”
Before she answered ngumiti muna siya sakin “hi” bati niya “ah tito hindi po sila makakapunta ngayon”
“tss” narinig kong sabi ni Nicolai. Nilayo na niya ko dun at pumasok na kami sa loob.
Nandun na sila Alex, kasama nila si ultrababe.
Lumapit silang lahat samin.
Nagkailangan kaming magpansinan ni ultarbabe.
“hi guys!” singit ni Fei. Nandito na rin siya sa loob.
“Nicolai, sino siya?” tanong agad ni Ultrababe
“ah babe si Fei, Fei si babe” nag-beso agad silang dalawa pagtapos siyang ipakilala ni Nicolai sa kanya tapos nagkwentuhan na agad sila.
Iba yung pakikitungo sa kanya ni ultrababe compare sakin. mukhang mas magkakasundo pa sila ni Fei kesa sakin.
Umalis muna ako dun para kumuha ng drink.
May huminto sa harapan ko na isang guest. Nagkatinginan kami pero bago pa siya tumalikod, may naalala ako sa mga mata na iyon.
Imposible. Paano naman siya makakapasok dito?
Susundan ko sana siya para tanungin nang biglang namatay ang mga ilaw sa loob ng hotel.
Spot light lang ang naka-ilaw kay Mr.Sy nasa stage siya at may hawak na mic.
“thank you for all who come here. it’s a special day for me dahil may ipakikilala ako sa inyo na isang importanteng tao sa buhay ko”
Bigla akong kinilabutan sa sinabi ng daddy ni Nicolai.
“I would like all of you to meet my son ...” may isa pang spotlight na naka-ilaw dun sa isang tao na nasa stage.
Siya ... siya yung nakita ko kanina ah ... anong???
“VON”
O___O
My mouth drops open. Von? Magkapatid sila?
Nagkatinginan ang mga tao. Lahat ay nagulat sa big revelation na naganap.
“F*CK! WHAT THE HELL WAS THIS?!”
Si Nicolai yun ah. bumukas na yung mga ilaw. Galit na galit yung expression niya.
Nagsimula nang magwala si Nicolai. Binato niya yung mga upuan at binasag yung mga plato at baso na nasa table.
Tumakbo ako para pigilan siya. Ayaw niya magpa-awat dahil kahit sila Alex ay hindi siya ma-control.
Lumapit na rin si tita pero wala pa ring nangyari. Patuloy lang siya sa pagwawala.
“F*CK!!!!” huling sigaw niya at lumabas na siya. Sumunod kaming lahat sa kanya.
“Nicolai!” hindi niya ko pinakikinggan. Patuloy lang siya sa pagalakad.
“Nicolai!”
Humarap na siya sakin “What?!”
“Si Von...” hinila niya yung braso ko at hinawakan yun ng sobrang higpit.
Galit na galit pa lalo yung itsura niya “bakit kung magsalita parang may alam ka na sa mga nangyari? Tell me matagal mo na bang alam to?”
“OO!” sigaw ni Von sa likod. Lumapit siya samin “bitawan mo siya. Nasasaktan si Paris”
Binitawan ako ni Nicolai. Muntikan pa kong madapa sa lakas ng pagtulak niya sakin palapit kay Von.
“Nicolai, wala akong alam dito” nagsimula nang tumulo yung mga luha ko. Hindi niya pinakinggan ang paliwanag ko.
Sinubukan ko siyang lapitan muli pero paglingon ko hawak na ni Fei yung mukha niya.
Medyo kalmado na yung itsura ni Nicolai. Ibang iba sa itsura niya kanina.
At niyakap siya ni Nicolai. Lalo pang bumuhos yung mga luha ko nang makita ko ang ginagawa nila.
Si Fei may nagawa para pigilan yung galit ni Nicolai samantalang ako wala.
Inisip pa ni Nicolai na may alam ko sa mga nangyari. Hindi ko alam kung bakit niya yun nasabi sakin dahil isa rin ako sa mga nagulat sa nangyari kanina.
T___T
BINABASA MO ANG
You Drive me Crazy [COMPLETED]
Teen FictionAno na ba mga nagawa mo just to achieve love? Be the dream girlfriend/boyfriend and have a perfect relationship? Iba- iba nga ba tayo ng perspectives and techniques when it comes to love? Hmmm.. Let's ask the opinions of the ballerina and the car ra...