EPILOGUE
Von’s POV
Nagkagulo ang lahat nang makita namin ang malakas na pagbangga ng kotse ni Road Master kay Winner Beater.
Sa lakas ng impact, tumaob ang kotse ni Winner Beater.
F*ck!
Bakit niya ginawa yun?
Hindi ba niya alam kung sino ang laman ng kotseng binangga niya?
Tss.
Madumi silang maglaro.
Agad akong umalis sa kinauupuan ko para pumunta sa mismong racing track.
Nilapitan ko agad yung kotse niya.
“Paris,” sinambit ko yung pangalan niya pero hindi niya ata ako naririnig.
May dugo na sa kanyang ulo at nawalan siya ng malay.
“Paris, wake up!” hinawakan ko yung mukha niya para magising siya pero ayaw talaga.
Napatingin ako sa gilid at nakita kong tumatagas na yung gas.
F*ck! kelangan naming makaalis agad dito, kung hindi parehas kaming sasabog kasabay ng kotse.
Ang hirap tanggalin ng naka-ipit na seat belt sa kanya pero binuhos ko ang lakas ko para matanggal ito.
At nung natanggal ko na ito, binuhat ko agad siya paalis sa kotse.
Hindi pa kami nakakalayo nang biglang sumabog yung kotse.
Napadapa pa kami at nagkaron ako ng konting galos sa braso pero pinagwalang bahala ko na lang ito.
Ang mahalaga ngayon ay madala ko siya sa ospital.
Buhat-buhat ko pa rin siya papasok sa emergency room ng pinakamalapit na ospital dito.
Agad naman kaming inasikaso ng mga nakabantay na nurse at inihiga siya sa kama.
Habang tinatakbo namin siya papunta sa operating room, hawak-hawak ko lang yung kamay niya.
“Paris, lumaban ka, hindi ka pwedeng mawala” paulit-ulit na bulong sa kanya.
Nung nakarating na kami sa labas ng operating room, hindi na nila ko pinahintulutan pa na sumama sa loob.
Palakad-lakad lang ako sa labas. Hindi ako mapakali. Kelangan niyang mabuhay.
Hanggang sa dumating na rin sa ospital yung mga kaibigan niya.
Napahinto silang apat at nagulat nang makita ako.
“VON?” –Sophie
“nasa loob na si Paris” mahinang sabi ko
Maya-maya lang ay lumabas na sa operating room yung doctor. Naglipatan kaming lahat sa kanya.
“nagkaron ng malaking tama sa ulo niya pero stable na ang condition niya ngayon. Ililipat na namin siya sa private room, teka, nasan ba ang mga magulang niya?”
Nagkatinginan kaming lima.
Sumagot si Trish “ahm, parating na po sila doc”
“ok. Basta ligtas na yung pasyente” –doctor
Tapos umalis na siya.
Paris’ POV
“ayan na, mukhang magigising na si Paris”
“wait nga lang, wag muna kayong maingay, mamaya hindi pa pala”
“ano ba! Gigising na yan”
BINABASA MO ANG
You Drive me Crazy [COMPLETED]
Teen FictionAno na ba mga nagawa mo just to achieve love? Be the dream girlfriend/boyfriend and have a perfect relationship? Iba- iba nga ba tayo ng perspectives and techniques when it comes to love? Hmmm.. Let's ask the opinions of the ballerina and the car ra...