Chapter 16.5: Revenge
a/n:mag-start na po ako mag-dedicate ng mga chapters syempre una sa mga fans then sa mga naglagay sa rl nila. comment lang kayo sa chapter para dun ko idedicate sa inyo yung chapter na yun. gets? yun lang. ^____^
Naalimpungatan ako bigla. Pagkatingin ko sa paligid wala na ko sa living room nasa loob na ko ng kwarto ….. niya???
Paano ako nakapunta dito eh hindi naman ako nag-iisleep walking?
Tumingin ako sa watch ko 12:30 a.m na. Tumayo na ko sa kama niya at dahan-dahang pumunta sa pintuan. Pagkabukas ko ng pintuan bigla na lang siyang …
*achooo*
Lumingon ako and I saw that he was chilling. Lumapit agad ako sa kanya and I touched his forehead and neck.
Aww ang init! Nilalagnat siya. Sh*t! this is all my fault. What to do??
Lumabas ako ng kwarto niya at kumuha ng bowl sa kitchen at nilagyan yun ng tubig at ice.
I need towel. Naghanap ako sa mga drawer sa kitchen pero wala akong nakita. Kung saan saan na ko naghanap. Waaa natataranta na ko. Nu ba nangyayare sakin? Sa kwarto. Tama sa kwarto ko makikita yung towel.
Pumasok na ko sa loob ng kwarto. He’s chilling pa din. Lalo akong natataranta eh. Inopen ko yung closet niya at kumuha dun ng towel and shirt.
Nilubog ko agad yung towel dun sa bowl and I patted his forehead. Pinunasan ko na din yung neck and arms niya.
Nung medyo nahimasmasan na siya panasandal ko siya sa head board ng kama at tinanggal ko yung shirt niya.
“nu bang ginagawa mo?!!” nagulat ako kasi bigla siyang nagsalita.
“obvious ba? Papalitan ko yung shirt mo pawis na pawis ka kaya!” may sakit na nga siya eh pero suplado pa din!
After ko siya suotan ng bagong shirt hininaan ko yung aircon then pumasok ako sa cr para kumuha ng gamot sa medicine cabinet.
“inumin mo muna to.” Inalalayan ko siya habang iniinom niya yung gamot at tubig.
Kinuhaan ko na din siya ng temp. 39° pa din kaya pinunasan ko ulit siya ng cold water para mabawasan yung init.
Umupo ako sa tabi niya at umidlip muna.
Nagising ako ng mga 3:00 a.m. I patted his forehead. Ang init pa din niya. Lumabas muna ko ng kwarto.
Inopen ko yung ipad ko then I searched something about him.
Meron siyang sariling fan site. Mga 1M + na yung members. *___* I opened it then hinanap ko yung favorites. May nakita akong food so yun yung pinindot ko.
Mahilig siya sa : pumpkin soup- yuck! Nakakaumay kaya yun!, crab, pizza and pasta …..
While browsinghis fan site may nakita akong isang comment ng fan niya it says there na: “he loves to drink milk tea! I spotted him sometimes drinking milk tea here @ …..”
Pagkabasa ko nun nilapag ko yung ipad sa sofa at pumunta ako sa kitchen.
I opened the cabinet and saw a box of tea. Kumuha ako ng isang tea bag then I soaked it on hot water. After 30 minutes tinapon ko na yung tea bag then kumuha ako ng milk sa ref niya at nilagay yun sa cup.
Kumuha ako ng post-it sa bag ko then I wrote “sana hindi ka na gumaling! ^_____^v” dinikit ko yun sa cup ng milk tea then pumasok ako sa room niya at nilapag yun sa table na katabi ng kama niya.
“sorry talaga ha, dahil sakin kaya ka nagkasakit. Aalagaan naman kita eh basta magpagaling ka lang” syempre hindi ko yan literal na sinabi sa kanya sa isip ko lang yan while I stared at him. He’s still sleeping.
BINABASA MO ANG
You Drive me Crazy [COMPLETED]
Genç KurguAno na ba mga nagawa mo just to achieve love? Be the dream girlfriend/boyfriend and have a perfect relationship? Iba- iba nga ba tayo ng perspectives and techniques when it comes to love? Hmmm.. Let's ask the opinions of the ballerina and the car ra...