Chapter 37: Shocking truth

4.2K 19 0
                                    

Chapter 37: Shocking truth

Spane's POV

"saan ka galing?"

O__O "kuya?"

tss. ilang gabi na rin na ganitong oras yung uwi niya ah. saan kaya nagpupunta to?

"hindi mo pa sinasagot yung tanong ko. saan ka galing?"

"kuya, bakit gising ka pa? late na ah"

"PARIS!" ang kulit! akala niya siguro mapapa-ikot niya ko sa mga sinasabi niya

"galing ako kanila Sophie ... kuya"

"sigurado ka?"

"opo ... kuya"

ni-loud speaker ko yung phone ko at hinarap sa kanya

[Par! sorry ... sabi ko naman sayo eh umuwi ka agad!]

"Sophie! kuya ... panong?"

"Sophie, thanks for answering my call" I turned off my phone "now, san ka galing?"

yumuko siya "sa ospital po kuya"

"ospital? anong ginagawa mo dun? may sakit ka ba? bakit hindi ka nagsasabi kung san ka nagpupunta? at ginamit mo pa na excuse yung kaibigan mo akala mo siguro hindi ko malalaman na nagsisinungaling ka lang ah"

Brotherly sermon lang yan. Concern kasi talaga ko sa kanya. late na kasi eh hindi na to uwi ng isang babae

"may sakit kasi yung mom ng friend ko kuya binisita ko lang"

"sinong friend yan ha? bakit kelangan gabihin ka pa ng uwi?"

"kuya naman! ang dami mong tanong eh. may kasabay naman akong umuwi kaya okay na ko" umalis na siya sa harapan ko at umakyat na sa taas

"Paris! hindi pa ko tapos sayo! bumalik ka dito" hindi na niya ko pinakinggan.

sa mga kinikilos niya these past few days alam kong may tinatago siya.

kelangan kong malaman yun.

Trish' POV

Phone rings ...

Spane calling ...

late na ah ... bakit tumatawag pa din siya sakin?

"yes Spane?"

[trish! san ka?] huh? ganitong oras malamang nasa kwarto na ko. hindi naman sila nagyaya gumimick eh pwera na lang kung gusto ako makasama ni Spane ngayong gabi. HAHA. ^///^

"dito ko sa bahay ... bakit?"

[alam mo ba kung nasan si Von?] bakit sakin niya hinahanap si Von? never ko naman naging ka-fling yun. oo, pinagnasaan ko siya dati pero kay Paris na siya eh

"bakit mo naman natanong? anong meron?"

[basta. sabihin mo na lang kung nasan siya ngayon. please?]

OMG! ang sweet ng pagkakasabi ni Spane ng 'please' sige na nga sasabihin ko na kung nasan siya ngayon. Sorry na lang kay Paris! hindi ko matiis yung kuya niya

"ang alam ko nasa St.Luke's siya ngayon eh. na-ospital kasi yung mom niya"

[ah siya pala yung 'friend' na sinasabi ni Paris ... sige Trish salamat sa info]

There’s a sudden change in Spane's tone from sweet to basta ... iba eh parang may mali

"wait Spane!"

Ohmygosh! ang daldal ko kasi bakit nasabi ko sa kanya kung nasan si Von! gahd! at mukhang alam na niya na 'break' na sila Paris at Von. nako patay na!

I need to call Paris. kelangan niyang malaman na alam na ng kuya niya ang lahat

calling Paris ...

ano ba yan! nag-emote pa ata tong si Paris! ayaw sagutin yung tawag ko eh

ang daldal ko sh^t! lagot ako kanila Sophie nito ... -__-

Paris! pick-up your phone please baka mahuli ka na ...

[oh Trish?]

sa wakas sinagot niya din! "Paris! kelangan mong pumunta dun sa ospital!"

[bakit? anong nangyari?]

"si Spane papunta na dun. mukhang galit siya Par alam na ata niya yung totoo"

[what? bakit mo sinabi sa kanya?]

"sorry talaga Par. kelangan na nating umalis magkita na lang tayo dun sa ospital"

end call ...

ano ba tong pinasok mo Patricia!!!! mapapahamak talaga si Von. yari siya kay Spane

tumakbo ako palabas ng kwarto ko at dumiretso agad sa kotse. Wala ng palit palit ng damit. Bahala na kung isipin ng mga makakakita sakin mamaya na weirdo ako.

kelangan naming maunahan si Spane kung hindi walang ligtas si Von sa mga kamay niya. iba magalit si Spane eh lalo na kapag ‘lovelife’ ni Paris na yung pinag-uusapan

dapat kong malaman kung nasan na si Spane ngayon

calling Spane ...

he's not answering his phone. Baka may????

[call me later Trish may tatapusin lang ako]

"wait Spane! wag mong ..."

end call

binaba niya agad. mukhang alam ko na kung nasan siya ngayon ... sa parking lot ng hospital

"i'm sorry Paris!" magkasabay lang kaming nakarating sa hospital

"wala na yun Trish. san daw si kuya?"

"sa parking lot tara na hindi pa siguro tayo huli" hinila ko na yung kamay niya at tumakbo na kami papunta sa parking lot

**parking lot

mukhang nahuli na kami ng dating ... ang tahimik na eh at wala na kami nakitang tao puro mga naka-park na kotse na lang

malamang nasa parking lot kami. duh? magulat ka kung tao ang naka-park dito at hindi kotse. ano ka ba naman Patricia!!! Epekto yan ng kadaldalan mo eh!

"oh my god Trish mukhang nahuli na tayo ng dating. wala na sila dito"

"oo nga Par eh. sorry talaga dahil sa kadaldalan ko ..." bumitaw si Par sa pagkakahawak ko sa kanya at tumakbo malapit dun sa may fire exit

lumuhod siya sa sahig na parang may pinulot

"Trish ..." pinakita niya sakin yung hawak niya

she continued "alam kong kay Von to"

"gosh Par, may dugo yung hanky" tinuro ko kung sang part

O__O

napatakip kami bigla sa bibig namin

a/n: ano kayang meron at bakit may dugo ang hanky ni Von? ano kayang nangyari sa kanya? may ginawa nga ba sa kanya si Spane? iwan ko muna sa inyo yung mga tanong na yan! :D

You Drive me Crazy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon