Chapter 42: Back to School

4.2K 25 0
                                    

A/N: WAAAHHHHH. BV yung concert ng BIGBANG! Akala ko wala ng may mas eexcited pa sakin nung nalaman ko na mag-coconcert sila dito, yun pala meron ... yung TICKET! Sobrang excited gusto agad magpa-benta! Grrrr. >___< October pa yung concert  pero next next week na yung ticket selling! Kainis! Tinamad na tuloy ako manuod. :( ngayon na nga lang ako naging K-POP fan eh tapos ganito pa? Kung dati ang ‘corny’ ng tingin ko sa mga k-pop fans, tapos ngayon isa na rin pala ko sa mga tinatawag kong ‘corny’ noon. Akalain mo yun? Tapos ganito pa?! Hay nako nakaka-inis! BV talaga! :/ amp. Na-stress talaga ko jan kagabi! Tch. >3<

Anyways, here’s my update na! Kalimutan muna natin yung concert na yan! Pasensya na sa pambungad kong a/n wala lang talaga ko malabasan ng inis sa balitang yan eh. Haha. ^^v

Chapter 42: Back to School

“WE MISS YOU PARIS!” –mga migas ko

Aww, ang sweet naman talaga ng mga friends ko. Nag-effort pa sila na abangan ako sa parking lot para lang salubungin ako. ^___^

“thank you migas!” tapos nag-group hug kami.

“nakakalakad ka na ba ng maayos Par?” –Sophie

Naglakad na kami papapunta sa room.

“uhm ... medyo.” Buti na lang talaga at allowed kami mag-civilian ngayon kung hindi ewan ko na lang kung anong itsura ko kapag naka-slippers ako habang suot ko yung uniform namin nang dahil lang sa bandage na nakalagay pa rin sa paa ko.

“well at least naka-pasok na si Par ngayon” –Cathy

“yeah. Dapat last week pa ko papasok. OA lang talaga si mommy” –me

“hayaan muna yun. Basta ang mahalaga kasama ka na namin ngayon. Ai siya nga pala Par, kanino nga ba talaga galing yung flowers na pinadala sayo nun?” hay nako naman Trish! Bakit i-nopen mo pa yung topic na yan! >3<

Inakbayan ako ni Cathy “oo nga! Ikaw ha masyado ka ng nagiging malihim samin ah”

“ui hindi naman” binilisan ko agad yung lakad ko para maunahan sila. Bawal kasi ko tumakbo eh. Amp!

Pumasok na agad ako ng room.

“PARIS!”

“oh A.... lex ...” lumapit agad sakin si Alex at niyakap ako ng mahigpit.

“na-miss kita!”

“hehe ako din ^__^”

*BLAAGGG*

O__O

Binagsak ni Nicolai yung hawak niyang notebook at lumabas siya ng room.

Anong arte yun? Aga-aga ang BV niya agad! Pumasok na rin sa loob ng room sila Sophie.

Bumalik na si Alex sa upuan niya tapos sila Gab and Michael tumango lang sakin at si Migs naman nag-flying kiss pa.

Haha. Loko talaga yun.

Umupo na rin ako sa upuan ko.

“oh anyare dun kay Nicolai? Magkasalubong yung kilay niya nung nakasalubong namin eh” –Sophie

“ewan ko sa kanya. Palagi namang ganun yung kilay nun eh” sagot ko

“di ren. Baka nagselos?” hala siya. Okay lang si Elise?

“huh? Nagselos? Kanino?” –Trish

“edi kay Alex! Nakita ko kayang magkayakap sila ni Paris kanina nung pumasok ako. Ang bagal niyo kasing maglakad eh yan tuloy di niyo nakita!” –Elise

You Drive me Crazy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon