002
=================
"Ni-chat ka para lang magpa-like ng project? Hahahaha! First at last chat nya na sayo 'yon fren!" Ani Marga habang tumatawa. Inirapan ko na lamang sya at ipinagpatuloy ang pagsusulat ko ng essay.
"Shut up, Marga. Malay mo mag-chat ulit sakin iyon pero hindi na nagpapa-like." Wika ko. Malay mo naman mag chat ulit sa'kin tapos this time pipilitin nya 'ko na balikan sya. Malay nyo naman!
Ay, 'di pala kami mag ex.
"Di na nagpapa-like, magpapa-react na 'yon sayo. Hi, pwedeng paki-pusuan ng profile picture ko? Comment ka na din. Thanks." Aniya sabay halakhak. Hindi ko alam pero natawa din ako sa sinabi ni Marga.
"Heh, mukha namang hindi ganon si Josh!" Pagde-depensa ko. Pero kung totoo 'yon, ang kapal naman ng mukha nya! Nahiya kapal ng kalyo ko sa paa. Peste s'ya. Gwapong-gwapo lang sa sarili ang peg? Ew.
Hayop na Marga 'to, tamang pande-demonyo na naman ang gaga.
"Pero seryoso, fren. Baka huling chat nya na talaga sayo 'yon? Sobrang misteryoso kasi talaga ni Josh. Hindi sya friendly at ang alam ko, isang babae pa lang ang nagustuhan nyan. Childhood best friend nya pa. Kaya kahit mahaba pilik mata mo, maputi ka, maganda mata mo, matangkad ka, maganda buhok mo, o sabihin na nating maganda ka at nakaka- attract, hindi sya magka-kagusto sayo. Unless!"
Tinaasan ko sya ng kilay at inaantay ang sunod nyang sasabihin.
"Ganda ko pala sa paningin mo, shet. Easy lang, baka matibo ka sa'kin, 'di tayo talo kung sakali." Sambit ko na sinuklian nya lamang ng irap.
"Kapag matalino ka, may possibility na magkagusto s'ya sayo lalo na kapag nasa highest rank ko. Nung ni-stalk ko kasi sya dati, nalaman ko na attractive s'ya sa mga babaeng matalino! Nacha-challenge daw sya sa mga ganoon. Sapiosexual ang daddy mo. Ugh!" Ani Marga sabay tirik ng mata nya.
Punyeta ang baboy.
Nagkibit-balikat ako sa kanya at muling ibinalik ang atensyon ko sa pagsusulat.
"Wala naman akong sinabing gusto kong magustuhan nya 'ko. Ang gusto ko lang, makilala sya ng lubos. Kasi gaya nga nang sabi mo, napaka misteryoso nyang tao. At kung ikaw nacu-curious sa pagkatao nya, ano pa 'ko diba?" Walang lingon na saad ko sa kanya. Kasi totoo naman. Nakakapagtaka kaya kung bakit s'ya ganoon.
"Sus! Ako curious sa kanya kasi chismosa ako, eh ikaw? Curious ka sa kanya kasi ano? Crush mo s'ya no?" Ramdam ko ang biglang pag-init ng pisngi ko ng sabihin iyon ni Marga.
"Hindi ko sya crush! Nacu-curious lang din ako, no!" Sambit ko.
"Weh? Weh? Sus, palusot! Don't me, Amanie Jocson. Kilala na kita kaya don't me." Sinamaan ko nang tingin si Marga nang sabihin nya iyon.
"Hindi ko nga sya crush. Bahala ka nga dyan!" Tumayo ako at binitbit lahat ng gamit ko at saka s'ya tinalikuran.
"Amanie!" Sigaw nya. Hinarap ko sya at binelatan lang. Sakto namang pag-harap ko ay may tumama sa aking matigas.
Matigas...?
Wait, anong matigas 'to? Omg?
Tumingala ako at isang lalaking naka-salamin na may dibdib na matigas pala ang nabangga ko.
Wait.... dibdib lang 'yung matigas na 'yon?
"Omg. Hi, Joshua!" Nagulat ako sa biglaang presensya ni Marga sa tabi ko. Nanlaki ang mata ko ng ma-realize ko kung sino ang nabangga ko. Si Josh!?
Tinapunan nya lamang nang tingin si Marga at saka sya sa akin bumaling.
"Miss, uso tumingin sa daan."
Kung pwede lang siguro malaglag ang panga ko, malamang kanina pa 'to nalaglag dahil sa sinabi nya.
Luh, ba't ka galit?!
"I... uh.. uhm.." Pashnea, ngayon pa talaga nautal, self!?
"Nagmamadali kasi sya, pag pasensyahan mo na." Ani Marga.
Malamig nya lamang kaming tinapunan nang tingin at saka tuluyan nya na kaming nilagpasan.
Hinila ako muli ni Marga sa inuupuan namin kanina. Tulala akong umupo at tinignan ang dinaanan ni Josh kanina.
"Told yah, he's rude. Harsh. Tsk tsk." Wika ni Marga na ikinalingon ko naman.
Tinitigan ko sya hanggang sa ma-realize ko na ang nangyari.
"Gagi, pinaglihi ba 'yon sa sama ng loob?" Wala sa sarili kong tanong. Nag-cross arm sya sa harap ko at tinaasan ako ng kilay.
"Tanga, halos nakatitig ka lang sa kanya kanina. Ano, gwapong-gwapo lang?" Inis kong hinawi ang buhok ko.
"Duh, syempre hindi! Hindi lang ako nakasagot agad kasi ang tigas..."
"Ang tigas?! Ano bang tumama sa'yo? 'Di ba dibdib at hindi yung bet—" Bago pa lumabas sa bunganga ni Marga ang nakakadiring salitang 'yon ay sinalpak ko na agad sa bunganga nya ang papel na nilukot ko kanina.
"Oo nga, yung dibdib! Ba't ang weird nang pagka tigas non?!" Sambit ko.
Napailing na lang sya at tinignan ako na parang nandidiri sa akin. Gaga 'to, ah.
"Ma-curious ka na lang sa pagkatao nya, please lang. Sagwa mo maging manyak." Aniya atsaka ako tinalikuran.
What? Anong manyak doon, e, kasalanan ko bang nakaka bother yung tigas ng ano, dibdib nya!
Pero grabe, nag-uumpisa pa lang ang araw nakasimangot na agad s'ya! Pa'no s'ya nagiging gwapo sa ganoon? Ang unfair talaga ng mundo!
---------------------------
Vote. Comment. Share.
BINABASA MO ANG
Memory Of Us
RomanceWho would have guessed that one eventful message would bring together two completely different people? It all began with a bitter first impressions. Tease one another, annoy each other, unending banter, sweet laughs, big dreams, and gentle love. But...