004

514 15 24
                                    

004

=================

Papunta 'ko ngayon sa may senior department. Doon ko daw puntahan si Marga, sa may tapat ng gate lang.

Hindi ko alam kung sinong hihiraman nya. Kailangan makuha na agad namin yung book kasi 8:45 na. 9:10 ang klase ko kay Ma'am Sanchez.

"Amanie!" Nakita ko agad sa harap si Marga na kumakaway sa akin. Tumakbo ako papalapit sa kanya.

"Tara na, Marga. Baka ma-late naman ako!" Wika ko.

"Hindi 'yan! Kukuhanin na lang natin yung book kasi nakausap ko na kagabi yung hihiraman natin." Tumango lang ako ng sabihin ni Marga iyon.

Umakyat kami sa 2nd floor at di ko maiwasan mapatingin sa may locker room ng boys at maalala ang nangyari kahapon. Hindi ko pa pala naku-kwento kay Marga 'yon.

Huminto kami sa may tapat ng room 208 at may kinausap agad na babae doon si Marga.

"Nandyan na ba si Joshua?" Nanlaki ang mata ko ng itanong iyon ni Marga sa isang babaeng lumabas. The fok?


"Nandyan na. Bakit?" Sagot naman nito.

"Patawag naman, paki sabi nandito na yung nanghi-hiram ng libro nya." Wika ni Marga. Tumango iyong babae at bumalik rin sa loob.

Tinapik ko agad si Marga sa balikat nya.

"Sinong Joshua hihiraman mo?" Kinakabahang tanong ko.

"Si Franco. Chinat ko kasi sya about dyan kagabi. Pumayag naman." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Shit. Shemay. Siomai. Siopao. Suman. Bakit naman sa dami ng estudyante sa senior department si Josh pa ang naisipan nyang hiraman?!

"Marga! Ang daming senior student, bakit sa kanya pa?!" Halos mataranta na 'ko habang sinasabi ko iyon.

"Sya lang kilala ko eh. Hehe, sorry naman." Nag-peace sign pa sya kaya umirap na lang ako. Bwiset. Paano kapag nakita nya ako ang nanghi-hiram? Edi babawiin nya 'yon? Syempre, oo. Kung ano-ano sinabi ko sa kanya kahapon eh. Aish.

H'wag na lang kaya ako manghiram? Mag cut na lang ako sa subject ni Ma'am Sanchez? Shet, 'di pwede!

Jusko, Lord. Send help po. My freakin dignity.

Tumalikod ako ng makita kong papalapit na si Josh. Wooh, stay calm. Stay calm, Amanie. Wag ka kabahan sa hambog na 'yan.

Oh shet, my precious pride.

"Here's the book. Pakibalik na lang bukas." Halos ma-estatwa ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko sa likod ang boses ni Josh.

"Oo, salamat. Nga pala, si Amanie. Sya yung nanghi-hiram nito. Nakita mo na sya kahapon diba?" Napapikit ako ng mariin ng sabihin iyon ni Marga. My ghad, kailangan mong humarap, Amanie!

Huminga muna ako ng malalim bago humarap sa kanila. Seryosong mukha agad ni Josh ang bumungad sa akin. Nakatitig lamang sya sa akin na parang hindi sya nagulat na ako ang nang-hiram.

Easy, self. Oks lang, kalma. Iisipin ko na lang utang na loob nya 'to sa akin pagkatapos ng mga sinabi nya sa'kin kahapon. Ha.

Umiwas ako ng tingin at kunwari na lang na kinuha agad ang libro kay Marga at tinignan ang wrist watch ko.

"9:00 na! Tara na, Marga. Baka ma-late ako!" Sambit ko ng makita ko ang oras.

"Hala, oo nga! Sige Josh, una na kami ah? Salamat!" Ani Marga.

Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon