009
===================
Uwian na. Nakita ko si Marga kasama si Chloe at ang iba pang mga kaibigan nito. Matabang akong napangiti.
'Yan naman ang gusto nya, wala kong karapatan na kwestyunin sya.
Naglalakad ako mag-isa pauwi ng makita ko si Yael sa may kwek-kwekan. Nakangiti akong lumapit doon.
Nagulat sya sa presensya ko kaya naman nginitian ko lamang sya.
"Manong, 20 pesos po na kwek-kwek." Sabi ko sa tindero atsaka inabot ang 20 pesos ko at kumuha ng sampung kwek-kwek.
"May kasama ka? Dami nyan ah." Aniya na ikinatawa ko naman.
"May kasama? Wala no. Tsaka anong madami 'to? Ang konti nga eh." Sambit ko atsaka nag-umpisang kainin ang kwek-kwek.
Nakaharap sya sa akin at titig na titig lamang sya sa paraan ng pagkain ko.
"Yael, alam kong maganda ako. Pero please naman, wag mo 'kong titigan. Nakakaramdam pa din naman ako ng pagkaiilang no." Biro ko na ikinatawa nya naman. Ang gaan ng loob ko sa lalaking 'to.
Hindi kagaya sa pinsan nyang si Josh. Aish. Bakit ko ba laging naisisingit ang hambog na iyon.
"Mukha kang baboy kumain. Umaangat yung ilong mo sa tuwing ngumunguya ka. Hahahaha!" Naramdaman ko ang biglang pag-init ng pisngi ko nang sabihin iyon ni Yael.
"Aba, bastos ka ah!" Wika ko sa kanya ngunit humalakhak lang sya. Inirapan ko sya atsaka tinalikuran.
"Oh teka, baboy, saan ka pupunta?" Aniya. Hindi ko sya pinansin at patuloy pa din sa pagalalakad.
"Oy baboy, saan ka pupunta?" Tanong nyang muli. Huminto ako at hinarap sya.
"Kapag hindi mo ako tinigilan sa pagtawag ng baboy na 'yan, wag ka ng umasa na makakausap mo pa 'ko. Ihu-hu u na talaga kita!" Sigaw ko sa kanya. Ngumuso sya na ikinagulat ko.
"Cute naman ang baboy, cute ka din. Bakit ayaw mo?" Napatigil ako sa sinabi nya. Sinabi nya bang cute ako? Marupok ako, ano ba!
Nag-iwas ako nang tingin sa kanya.
"Wag kang ngumuso, nagmu-mukha kang aso." Sambit ko atsaka muling naglakad.
"Grabe ka naman, baboy nga lang ako sayo tas ikaw naman aso." Sumimangot sya na ikinatawa ko.
"Kapag ako tinawag mo pa ng baboy, tatawagin din kitang aso. Subukan mo lang talaga, Yael Lorenzo." Banta ko sa kanya. Humalakhak ako ng mas sumimangot sya.
"Yael.." Natigil ako sa pagtawa ng biglang dumating si Josh.
"Kuya Josh, tapos ka na sa inutos sayo nung prof mo?" Tanong ni Yael na sinagot nya lang nang tango.
Nagkatinginan kami ni Josh ngunit binawi ko agad ang tingin ko.
This is awkward.
"Aalis na 'ko Yael, bukas na lang. Bye." Sambit ko at maglalakad na sana paalis ng may biglang sabihin si Josh.
"Sasabay na kami sayo, Amanie." Wika nya na ikinagulat ko. No. Hindi pwede. Hindi na pwede! Ayokong madumihan ulit yung pangalan ko at masabihan na naman akong malandi!

BINABASA MO ANG
Memory Of Us
RomanceWho would have guessed that one eventful message would bring together two completely different people? It all began with a bitter first impressions. Tease one another, annoy each other, unending banter, sweet laughs, big dreams, and gentle love. But...