048

61 3 0
                                    

048

==============



Wala akong natanggap na kahit na anong reply mula kay Josh. Pagkasabi ko kay Yael na sabihin kay Josh na kailangan ko sya kausapin ay ginawa nya rin naman. But through text. Wala si Josh sa bahay nila pag-uwi ni Yael.

So, I texted him myself. Pero hanggang ngayon kahit sa akin ay wala syang reply. Ang sabi naman ni Yael ay walang iniwan na kahit na anong note si Josh sa kanya. Maski ang mama ni Yael and pati na si Tita Grace ay hindi alam na umalis pala siya.

Ayoko mag-alala ng sobra dahil paniguradong nagpapahinga lang si Josh. Nakakapagtaka lang na hindi sya nag sabi sa kahit na sinong malapit sa kanya. Kahit na sa Mama nya.

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ng biglang mag ring ang phone ko. Agad kong dinampot 'yon sa pag-aakalang si Josh ang tumatawag, pero bumagsak ang pag-asa ko nang makita ko ang pangalan ni Yael.

"Yael?" Sambit ko pag sagot ko ng tawag nya. Kagabi pa namin pinag-uusapan si Josh at pareho namin iniisip kung saan ba sya maaaring pumunta o magtago. 

"Narinig ko nag-uusap si Tita Grace and Mama about kuya Josh." Ani Yael sa kabilang linya. Agad kong naramdaman ang karera sa dibdib ko ng marinig iyon. Diyos ko, wala naman sanang nangyaring kung ano sa kanya.

"And? Tumawag na ba si Josh? Uuwi na ba sya? Is he okay?" Hindi mapigilan ng kamay ko ang manginig sa kaba ng itanong ko kay Yael 'yon. Narinig ko ang pag buntong hininga nya sa kabilang linya at doon pa lang ay alam ko na agad na may mali.

"Yael?"

"Alam ni Tita Grace kung nasaan si Kuya Josh, babs. And nagpaalam si Kuya Josh sa kanya na aalis na muna sya and babalik after a week? Tita Grace said Kuya Josh talked like he was miserably fucked up, so she let him." 

Hindi na napigilan ng luha kong bumuhos ng marinig iyon kay Yael. Miserably fucked up? I have no one to blame but myself. I putted him on that situation. Kung hindi ako naging makitid at sinubukan ko syang pakinggan, hindi sana aabot sa ganito. Kung inisip ko rin sana ang nararamdaman nya at hindi ang sarili ko lang, hindi ko sya masasaktan.

"Hey, babs? Are you crying?" I tried to hold my cry, pero mas lalo lang yata lumakas ang mga iyon. Hindi ko mapigilan. Nilalamon ako ng konsensya at pag-aalala kay Josh. Kasalanan ko 'to.

"Hey, hey, babs. Listen to me. Stop crying, he's okay. Babalik din sya after a week and makakapag-usap na ulit kayo. He just needed a time to rest." Yael's words are useless. I feel shit because of what I've done.



"Yael, I—I'll talk to you later. I'm sorry." Hindi ko na sya inantay pang sumagot at in-end call ko na agad. Inis kong hinilamos ang mukha ko at sinubukan kong pigilan ang mga luha ko sa pagtulo. Bumukas ang pinto ng kwarto at agad akong lumingon doon.

Nang makita ni Cess ang sitwasyon ko ay agad syang lumapit sa akin. "Ano nangyari?" Anya ngunit niyakap ko lamang sya.

Agad kong kinwento ang lahat ng nalaman ko kay Cess. Tahimik lamang sya na nakikinig hanggang sa natapos ako. Inabutan nya ako ng tissue box at agad ko naman 'yong tinanggap.

"Let him go for awhile, Amanie. You're not gonna lose him, nagpapahinga lang sya. Pagbalik nya panigurado malalaman nyang inaantay mo sya and I'm sure ikaw agad ang unang pupuntahan nya. And please, stop blaming yourself. Wala kang kasalanan, what you did was normal. At least that's what I thought. Sa inyong dalawa, nasa side mo ang komplikadong problema. Hindi mo kasalanan na naipit ka at ginusto mong tumulong."

Hindi ko lang maintindihan kung bakit sya aalis ng hindi man lang muna ako kinakausap. I know for the past few weeks we had a lot of misunderstanding, but damn I still care for him. A lot.

Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon