008

460 15 22
                                    

008

=================


"Pa, papasok na po ako." Wika ko pagkatapos kong mag-ayos para sa pag pasok ko. Itinigil nya ang paglilinis ng motor nya at saka tumingin sa akin. Ang aga-aga paglilinis agad ang ginagawa nya.


"Kumain ka na ba?" Tanong nya. Ngumiti ako at saka tumango. 


"Osige, mag-iingat ka, Amanie." Aniya atsaka ako dinampian ng halik sa noo na sinuklian ko naman ng yakap.


Lumabas na ako ng bahay at malamig na simoy agad ng hangin ang dumampi sa balat ko. 5:30 pa lang kasi ng umaga kaya ganito kalamig.


Sumakay na agad ako sa sakayan ng jeep kung saan madadaanan din ang school na pinapasukan ko. Isa sa mga advantage nang pag byahe ng umaga ay hindi siksikan. Plus, 'di ka babaho dahil hindi siksikan at mainit.


"Para po!" Sigaw ko at agad naman na huminto ang jeep.  Halos sampung minuto lang naman ang layo ng school sa subdivision namin. Pwede na rin lakarin. 

Naibigay ko na ang bayad ko kaya naman bumaba na ako pagkarating sa tapat ng school namin. Tumawid ako atsaka dire-diretsong pumasok ng school. Kumunot ang noo ko nang mapansin ko ang mga pusong pula at mga bulaklak na nagkakalat sa hallway.


Malayo pa ang February 14 pero may pakulo ng mga ganito ang school namin.


Nagkakalat na din ang mga couple na naglalampungan sa hallway. Wala akong ibang ginawa kundi ang umirap sa tuwing nakikita sila. Umay.


Mga magsa-sawa din naman sila sa isa't-isa. Psh. Hashtag, hindi ako bitter. Just sayin'.


Pumasok na ako ng room ko at kakaunti pa lang ang mga kaklase kong nandito. Medyo maaga pa kasi kaya wala pa ang iba. 6:30 pa ang umpisa ng klase namin. Nilapag ko ang bag ko sa upuan ko at saka lumabas ulit. Kailangan kong pumunta sa library at mang-hiram ng libro para sa history class namin mamaya.


Maingat at tahimik akong pumasok ng library. Ayokong makagawa ng kahit anong ingay, mahirap na, matandang dalaga na masungit pa naman ang nag-babantay dito. Tas single pa, so ingat-ingat talaga.



Pumunta agad ako sa history section at hinanap ang librong gagamitin ko mamaya. Nang makita ko na ito ay kukuhanin ko na sana ng may kamay din na nagtangka na kuhanin iyon. Shet, sana 'di 'to multo.


Tumingala ako par makita kung kaninong kamay iyon at halos pigilan ko ang paghinga ko nang makitang si Josh iyon.


Tinapik ko ang kamay nya at agad na kinuha iyon. "Nauna ko, maghanap ka na lang ng iba." Sabi ko sa kanya at tatalikuran na sana sya nang hawakan nya 'ko sa braso.


"Ngayon nyo ba kailangan 'yan?" Tanong nya. Umirap ako at saka sya sinagot.


"Mamaya pa naman, pero kailangan ko na kuhanin ngayon dahil baka maunahan pa 'ko ng iba. Gaya mo." Bored na sagot ko. Kumamot sya sa ulo nya at inangat ang notebook na hawak nya.

Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon