026

336 10 19
                                    

Nilapag na namin ang mga pagkain na dala namin sa lamesa pagdating namin sa cottage namin.

"Ang ganda! Kitang-kita yung Laguna bay!" Ani Princess atsaka nilabas ang phone nya at nagpicture-picture. Sumunod ako sa kanya at ganon din ang ginawa.

"Blogger?" Tanong ni Yael paglapit nya sa tabi ko. Ngumiti ako at umiling. Tinuro ko si Princess atsaka ako tumango.

"Stalk mo sa IG, feed goals 'yan." Bulong ko atsaka sya kinindatan. Umiling lang sya sakin atsaka umalis sa tabi ko.

"Magpalit na tayo tas ligo na. Ang init. Sasabay na lang ako kay Josh at Yael magpalit." Ani Papa at kinuha sa bag ang damit nya. Kinuha na din namin ang mga damit namin sa kanya-kanya naming bag.

"Princess at Amanie, sabay-sabay na lang tayo." Sabi naman ni Tita Carol kaya tumango kami. Umalis na si Papa, Yael at Josh. Hindi kami pwedeng umalis dito pare-pareho dahil walang bantay sa cottage. Mahirap na.

Pagkaraan ng ilang minuto na pag-aantay namin sa kanila ay bumalik na ulit sila. Naka-swim trunk silang tatlo at sando. 

"Sasamahan ko na kayo, aantayin ko na lang kayo sa labas ng CR. Wala 'kong tiwala sa itsura ng mga lalake dito, mga naninipol satuwing may dadaan na babae. Josh at Yael, mag-bantay kayo dito." Ani Papa at sumunod samin. Naiiling na tumawa si Tita Carol.

Pagkapasok namin sa CR ng girls ay pumasok na kami sa kanya-kanyang cubicle. Magka-pareho lang kami ni Princess na naka-rashguard at cycling shorts, long-sleeve nga lang sa kanya at pa t-shirt naman ang sa akin. Kulay pink ang sa kanya at kulay blue naman ang sa akin. Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na din ako. Lumabas na din si Tita Carol at Princess.

"Pababantayan ko nga kayo doon sa dalawang lalaki.." Ani Tita Carol habang tinititigan kaming dalawa ni Princess. Tumawa lang si Cess at ako naman ay ngumiti lang. Nakakailang kaya 'yon. Sana lang hindi totohanin ni Tita Carol ang sinabi nya.

Lumabas na din kami ng banyo at gaya ng inaasahan namin, nandon nga si Papa at nag-aantay samin sa labas. Kumunot ang noo nya ng makita kaming tatlo.

"Ang iikli ng shorts nyo.." Aniya. Magsa-salita na sana ako ng maunahan ako ni Cess.

"Isa ka pa, Tito. Short nga po, maikli talaga." Aniya. Nilapitan sya ni Tita Carol at tinapik sa balikat.

"Swimming 'to, Amer." Sambit nito atsaka ulit kami nagpatuloy sa paglalakad. Pagdating namin sa cottage ay naabutan namin na may kausap na dalawang babae si Yael at Josh. Hindi nila kami napansin na dumating dahil nakatalikod sila samin at nasa labas sila ng cottage.

"I'm Jan, and you are?" Sambit ng babaeng  katapat ni Yael at inilahad ang kamay. Tinanggap iyon ni Yael at sinabi din ang pangalan nya. Si Josh naman at ang babaeng kausap nya ay nagtatawanan na.

"Gusto nyo sumama samin ng kaibigan ko? Sama-sama na lang tayo.." Wika nito sabay sabit ng kamay nya sa braso ni Josh. 

"I'm sorry Ysabel, may kasama na kasi kami. Family." Sagot ni Josh at tinanggal ang kamay ng babae sa braso nya. Nag-iwas ako ng tingin at dumiretso na lamang sa cottage. 

"Ang harot." Bulong ni Princess habang nilalagay sa bag nya ang damit na hinubad nya kanina. 

"Yael at Josh.." Rinig kong pagtawag sa kanila ni Tita Carol. Tinago ko na din ang damit ko sa bag atsaka nilabas naman ang tuwalya.

"Wag kayong hihiwalay kay Amanie at Princess.." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Tita Carol kaya naman agad ko silang nilingon.

"Hindi na po Tita, ayos lang po kung kaming dalawa lang po ni Cess. Sanay na naman po kami." Sambit ko. Lumapit sakin si Princess at inakbayan ako.

Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon