034

285 10 22
                                    

"Kamusta panliligaw ni Josh kay Amanie?" Natigilan ako sa paglalakad pababa ng marinig ko ang tanong ni Papa kay Cess. Dali-dali akong pumanik ulit sa taas at tahimik na nakinig sa usapan nila.

"Ang haba ng hair ng unica hija mo, Tito. Grabe manligaw si Josh!" Napangiti ako sa sagot ni Cess. Gaga talaga. Nawala din ang ngiti sa labi ko ng marinig ko ang pagbuntong hininga ni Papa.

"Sa tingin mo Tito, alam na nung mama ni Josh na─ ouch! Tito naman! Kakain naman ako, sinalpak mo agad sa bunganga ko 'yung pandesal!" Ani Cess.

"Ang ingay mo kasi. Mamaya nyan marinig ka ni Amanie." Kumunot ang noo ko. May hindi ba 'ko nalalaman? Bakit parang may nililihim sa'kin si Papa at Cess?

"Tulog pa naman 'yon, Tito. Pero sa tingin mo? Alam nya na?" Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi ni Cess. Anong alam na? Nino?

"Hindi ko alam. At natatakot ako sa pwedeng maging reaction nya kapag nalaman nya na." Rinig kong sagot ni Papa. Agad akong bumalik sa kwarto at mabilis na naupo sa kama. Sinong pinag-uusapan nila? Anong meron sa mama ni Josh? Sinong kinatatakutan ni Papa? May nililihim sila sa'kin.

"Amanie, gumisi─" Seryoso kong nilingon si Cess ng marinig ko ang boses nya. Halatang nagulat sya na gising na 'ko kaya napatigil sya sa pagsa-salita.

"K-Kanina ka pa gising?" Tanong nya. Tinitigan ko sya ng mabuti sa mga mata nya pero gulat pa din itong nakatingin sa'kin. Ngumiti ako ng pilit.

"Medyo kanina pa. Bakit?" Sambit ko. Ngumiti din sya ng pilit atsaka umiling.

"W-Wala naman. May pagkain na, baba ka na lang." Aniya at lalabas na sana ng tawagin ko sya.

"Princess," Dahan-dahan syang lumingon sa'kin at binigyan ako ng 'ano-yon' look.

"Hindi ka naman naglilihim sa'kin, diba?" Nakangiting tanong ko. Tumitig sya sa'kin ng seryoso bago sumagot.

"Hindi.." Aniya. Ngumiti sya ng malapad atsaka nagpatuloy.

"At kung maglihim man ako, para sa ikabu-buti mo 'yon." Sumeryoso ang mukha ko at magsa-salita na sana ulit ng lumabas na sya ng kwarto.

Damn.

****

Kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa kama. Maga-alas nuebe na ng gabi pero 'yung narinig kong usapan nila Papa at Cess pa din kaninang umaga ang nasa isip ko. Nababahala ako, naglilihim sila sa'kin at may kinatatakutan si Papa.

Gusto kong magtanong pero natatakot ako. Natigil ako sa pag-iisip ng maramdaman kong mag-vibrate ang phone ko sa ilalim ng unan ko. Agad kong kinuha 'yon.

Joshua Franco sent you a message

Napangiti ako agad ng makita ang pangalan ni Josh sa screen ng phone ko.

8:52 PM

Josh: Hey

Josh: Why are you still awake?

8:53 PM

Amanie: How did you know?

8:54 PM

Josh: You're on the online list.

Josh: So, bakit nga? Can't sleep?

8:55 PM

Amanie: Uhum. May iniisip lang, matutulog na din ako mamaya.

8:56 PM

Amanie: Ikaw? Bakit gising ka pa?

8:57 PM

Josh: Can't sleep too.

8:58 PM

Josh: Anong iniisip mo?

8:59 PM

Amanie: Random things.

9:00 PM

Josh: Like?

Napatitig ako sa huling reply ni Josh. May alam kaya sya sa pinag-uusapan kanina ni Papa at Cess? Kahit gusto kong itanong sa kanya, mas pinili ko na lang na 'wag itanong. Paano kung wala syang alam do'n? Edi pareho lang kaming macu-curious. At kung alam nya naman na, OP ako!

9:03 PM

Amanie: Uh, you?

9:04 PM

Josh: Uh, bagay ako?

9:05 PM

Amanie: Nope, bagay tayo ;)

Hindi ko napigilang mapangiti sa reply ko. Gahd, kailan ka pa natutong bumanat, Amanie? Nakakahiya ka!

9:07 PM

Josh: ....

Hindi ko napigilang matawa sa reply nyang dots. Biglang gumalaw si Cess na natutulog na sa tabi ko.

"Gabing-gabi na nagha-harutan pa!" Aniya at tinalikuran ako sabay talukbong ng kumot. Napangiti na lang ako at 'di na sya pinansin.

9:09  PM

Amanie: Speechless, babyboy? 

9:10 PM

Josh: Teka, magpa-paka hard to get muna 'ko.

9:11 PM

Amanie: Ang kapal mo ha

9:12 PM

Josh: Hahahahahaha cute, babygirl <3

9:13 PM

Amanie: Babyboy, may tanong ako.

9:14 PM

Josh: Yes, babygirl?

Shit. I almost drop my phone ng ma-realize ko kung ano ang naitawag ko sa kanya. Argh, nasanay na 'ko sa baby thingy na 'yan! Pushak. Para na tuloy kaming mag-jowa! Kinalma ko na lang ang sarili ko. 'Wag mo nang ulitin, Amanie. 

9:16 PM

Amanie: About your lovelife before. Is it okay? 

9:17 PM

Josh: My lovelife before? 

9:18 PM

Amanie: Nvrmnd. Kalimutan mo na lang.

9:19 PM

Josh: No.It's okay. You can ask anything you wanna know about my lovelife before. 

9:20 PM

Amanie: Sure?

9:21 PM

Josh: I trust you.

9:22 PM

Amanie: Meron pa ba bukod kay Mitch? I mean, you know..

9:23 PM

Josh: Kung nagkaroon bukod sa kanya?

9:24 PM

Amanie: Yes

9:25 PM

Josh: Meron, si Stephanie. Indenial ako no'n sa feelings ko kay Mitch, kaya tinuon ko atensyon ko sa iba.

9:26 PM

Amanie: Minahal mo ba?

Ilang minuto ang lumipas, ni-seen lang ni Josh ang message ko. Hindi ko na lang pinansin dahil nararamdaman ko na ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko.

Dinilat ko ng konti ang mata ko ng biglang lumbas ang dot dot na umaalon; senyales na nagta-type. Hanggang sa tumunog muli ang notification ko, pero hindi ko na 'to nabuksan pa dahil nilamon na 'ko ng antok. Zzzzz

===========

A/n: Lameeeee :3 Good luck sa mga papasok na sa monday! Enjoy your first day po hehe :> 13 pa us.



Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon