045

156 6 2
                                    

"Sigurado ka bang ayaw mong magpahatid sa Tito Bry mo? Medyo madilim na rin kasi, delikado na umuwi ng mag-isa." Ani Mama nang ihatid nila 'ko ni Tito Bry palabas ng bahay nila. Ngumiti lamang ako sa kanya't umiling.

"Ayos lang ako, Ma. Mas delikado kung maiiwan kayo ni Tito Bry dito sa bahay ni baby Ai." Saad ko. Bago pa kami tuluyang makalabas ng gate nila ay muli kong dinampian ng halik si baby Ai sa noo at saka ko sya marahang hinaplos sa pisngi.

"Babalik ulit si Ate, okay? Lalaro ulit tayo.." Ngumiti lamang ito na parang may naintindihan sa sinabi ko. Ipinasa ni Mama si baby Ai kay Tito Bry at saka muling humarap sa'kin at binigyan ako nang mahigpit na yakap.

"Thank you, anak." Aniya na ikinangiti ko.

"Thank you rin, Ma." Tumango lamang sya at ngumiti rin sa'kin.

"Mag-iingat ka, Amanie." Pahabol na paalam ni Tito Bry. Tumalikod na 'ko at nag-umpisa nang maglakad palabas ng subdivision nila Mama. Ramdam ko pa rin titig nila sa likod ko ni Tito Bry ngunit hindi na 'ko nag-abala pang lingonin muli sila.

Pag labas ng subdivision ay tahimik akong nag-aantay sa jeep. Naalala ko na naman ang mga sinabi ni Mama. Nacu-curious ako kung sino iyong Grace na TOTGA ni Papa. May mga nabubuo na sa utak ko pero ayoko na munang tumalon sa konklusyon. Kailangan ko na muna makahanap pa ng iba't ibang impormasyon.

Nagulat ako sa mga nalaman ko kay Mama, pero sa tingin ko wala na 'kong enerhiya para magtanim ng panibagong sama ng loob o galit man lang mula sa kanya. Nakaraan na rin naman iyon, ramdam at alam kong pinagsisisihan nya na rin ang mga 'yon.

Ngayon, ang gusto ko naman makausap patungkol sa mga binanggit ni Mama ay si Papa at iyong Grace na 'yon. Hindi naman na ako bata para ipagsawalang bahala ang issue na meron ang pamilya ko ngayon. Kaya kahit na anong mangyari, gagawa't gagawa ako ng paraan para alamin kung ano iyong problema.

Hindi ko alam kung bakit takot na takot sila Papa at Kuya na manghimasok ako, wala naman akong gagawin na masama. Gusto ko lang tumulong at wala naman akong balak gumawa ng kahit na anong katangahan o kagagahan para lumala 'yung problema namin.

Paghinto ng jeep sa tapat ng subdivision namin ay maingat akong bumaba. Malamig na simoy agad ng hangin ang sumalubong sa'kin. Tahimik akong naglalakad nang makasalubong ko ang taong hindi ko inaasahang makita ngayon. Gaya ko ay napahinto rin sya sa paglakad. Bakit naman sa dami nang nakatira sa subdivision na 'to sya pa rin ang makakasalubong ko?

Bumuntong hininga na lamang ako't napailing at saka nagpatuloy sa paglakad. Lalampasan ko na sana sya nang maramdaman ko ang mainit nyang kamay sa braso ko.

"Amanie.." Rinig kong tawag nya. Mariin akong napapikit at saka dahan-dahan na humarap sa kanya na may walang ganang tingin.

"Kanina pa kita inaantay.." Ani Josh. Kita ko ang lungkot sa mata nya, pero nakaka konsensya rin pala ang marinig 'yon sa boses nya.

"Bakit?" Malamig na tugon ko. Kinuha nya ang dalawang kamay ko ngunit mabilis ko rin iyong binawi. Napayuko sya't napailing. Ano bang ginagawa mo, Josh? Mas nahihirapan ako sa ipinapakita nya sa'kin. Hindi naman dapat ganito.

"Let's talk." Sambit nyang muli. Nag-iwas lamang ako't napailing at saka muling tumalikod. Magpapatuloy na ulit sana ako sa paglakad nang magsalita syang muli.

"Hanggang kailan mo 'ko tatratuhin ng ganito, Amanie? Hanggang kailan? Mababaliw na 'ko kakaisip kung anong dapat kong gawin. Tulungan mo naman ako kasi hirap na hirap na 'ko dito."

Kung kanina ay purong lungkot lamang ang naririnig ko sa boses nya, ngayon ay may halong galit na. Galit? Teka, hindi ko alam. Hindi ko alam kung galit nga ba iyong naririnig ko o mas matinding lungkot lang na mas nakikita't naririnig ko sa kanya ngayon.

Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon