023

364 14 28
                                    

023

×××××××××

"So, sya pala 'yung Josh? Yung tumulong sakin tumayo?" Nag-iwas ako sa tingin sakin ni Princess sa salamin ng itanong nya bigla 'yon.

"Aba, magaling kang pumili ah." Aniya na ikinairap ko. Sino nagsabing pinili ko si Josh? Duh.

"Hindi ko sya pinili." Saad ko habang tinititigan ang itsura ko sa tapat ng salamin. Kasalukuyan akong inaayusan sa mukha ni Princess, graduation na kasi mamaya. Nagpe-prepare na kami.

Tinaasan nya 'ko ng kilay pero agad ding ngumiti at umiling.

"Ang tanga ko. Oo nga pala, hindi mo sya pinili. Sya pala talaga ang itinitibok ng puso mo." Bulong nya na narinig ko naman. Kitang-kita sa salamin ang biglang pagpula ng pisngi ko kaya naman humalakhak ang pinsan kong gaga.

"Kinikilig ka na nyan?" Natatawang tanong nya na sinagot ko lang ng irap. Bwiset.

Nang matapos na 'kong ayusan ni Princess ay tumayo na din ako at iniwan ang pwestong iyon. Sinuot ko na ang uniform ko at nag-sapatos na din. Pagkatapos magbihis ay muli akong bumalik sa harap ng salamin at tinitigan ang sarili. Nakakahiyang isipin na nag-ayos ako, nag-make up pero wala man lang akong nakuhang award. Nakakadismaya. Nakakahiya. Kung kailan moving-up, atsaka pa ako walang nakuha.

Nakakahiya tuloy kay Papa at lalo na doon sa dalawa kong Kuya. I know they're expecting na may makukuha ulit ako, ang kaso... wala. Nakakahiya talaga. Tapos ang lakas pa ng loob ko mag-ayos ng ganito. Kung bakit ba naman kasi nagpakeme-keme ako e, kung kailang ga-graduate. Stupid, Amanie. Hays. Tas ngayon nahihiya ka. Tsk.

"'Di mo pa din tanggap?" Tanong ni Princess pag-sulpot nya sa likod ko. Nakabihis na din sya at kasalukuyan ng naglalagay ng hikaw sa tenga nya.

Ngumiti ako ng pilit atsaka naupo sa kama ko. Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko.

"Nakakahiya kasi.." Bulong ko. Ngumuso ako atsaka bumuntong hininga.

Hindi naman sa pagma-mayabang pero simula kasi noong mag-umpisa ako sa pag-aaral, palagi akong kasama sa mga estudyanteng naka-katanggap ng award. Hanggang grade 9, pero ngayong grade 10 ako at ga-graduate? Wala. Kahit isa. 88 lang ang average ko, ang pasok na average sa mga makakakuha ng award ay 90+ ang average.

Nakakahiya kay Papa at dun sa dalawa kong Kuya. Alam ko namang nage-expect sila e, at alam ko din na na-disappoint sila nung nalaman nila na hindi ako kasama sa mga makakakuha ng awards. Ayaw lang nilang sabihin pero ang totoo... disappointed sila. Maski naman ako.

Nakakainis lang na kasalanan ko pa. Hays. Bakit kasi nagchill-chill ka pa, Amanie? Ayan tuloy.

"Alam mo kasi insan, hindi naman porket sa umpisa nasa taas ka, hindi ka na pwedeng mapunta sa baba. I mean, sige, let's say na may kasalanan ka pero ano ka ba, isang beses lang naman! 'Di naman 'yon sobrang kawalan sa buhay mo. Maybe yes, may na-disappoint ka, pero 'di naman nila 'yon ibi-big deal ng sobra! Like, haler? Isang beses ka palang 'di nakakakuha ng award, pwede ka pa bumawi sa iba 'no. Wag ka ngang nega, hindi din naman nagalit ang papa mo at dalawang Kuya. Ni-congrats ka pa din! Be content na lang kasi, Amanie. And accept the fact na hindi ka palaging nasa taas. Because that's how life works. Masyadong mapaglaro." SONA. SONA ang ginawa ng pinsan kong 'to.

Pero joke lang. Tama naman kasi lahat ng sinabi nya, pero syempre, nakakahiya pa din diba?

"Prove more and enjoy more." Saad ko at pinilit na ngumiti. Kumunot ang noo nya.

Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon