037

323 8 37
                                    

"Good morning, Ms. President!" Bungad na bati sa'kin ng kaklase kong lalake na si Jade. Ngumiti sya sa'kin at saka kumaway.

"Good morning, Jade.  Aga mo ah?" Sambit ko sa kanya. Natawa sya at saka napakamot sa ulo nya.

"Nakakaantok sa bahay e, tsaka inaantay kita. May itatanong kasi sana 'ko." Aniya. Tumango ako at inantay muli ang sasabihin nya.

"Pwedeng-- pwedeng sabay tayo mag-lunch?" Tanong nya sabay yumuko. Agad na namula ang tenga't leeg nya kaya naman natawa 'ko.

"Oo naman, pero may kasabay pa tayo. Ayos lang ba sa'yo?" Agad syang nag-angat ng tingin sa'kin, ngumiti at nagbigay ng sunod-sunod na tango.

"Aryt. Sige, may gagawin muna 'ko."

Dalawang linggo na ang nakakalipas simula ng mag-umpisa na ang klase. Grade 11 na 'ko at ang napili kong strand na pasukan ay ABM. Sa dalawang linggo na 'yon, masasabi kong sobrang dami ng nangyari. At isa na do'n ay ang naging President ako ng klase namin ngayong taon.

Halos kalahate ng mga kaklase ko ngayon ay kaklase ko or schoolmate ko noong nasa junior high ako. Sila ang mga nag-nominate sa'kin bilang president, wala pa 'kong karanasan sa pagiging president ng klase, to be honest. Tinanggap ko, dahil bukod sa nakakahiyang tumanggi, gusto kong maranasan ang pagiging president.

Naging mas sobrang close naman kami nila Josh at Yael simula ng mag-pasukan na. Nasa iisang school na lang kasi kami, pareho ng oras ang pasok at uwian kaya palagi na kaming tatlo sabay. Naging okay naman si Yael simula ng umalis si Cess, ganon pa din sya; makulit at mapang-asar kapag kasama nya kami ng pinsan nyang si Josh. Pero may time pa din na bigla syang tatahimik at sasabihin na nami-miss nya si Cess at ang asaran nila.

Wala pa 'kong balita kay Cess simula ng umalis na sya dito sa bahay, pakiramdam ko sobrang busy nya na kahit first sem pa lang. College na kasi. Nag-iiwan naman ako ng messages sa kanya sa chat, tinext ko din sya pero ang tanging reply nya lang ay, "babasahin ko 'yon kapag medyo di na 'ko busy."  Aware siguro sya na hindi sobrang importante.

"Pres! Kailan kami magu-umpisang maningil ng 2 pesos for class fund?" Tanong ni Eko, treasurer ng klase.

"Bukas, 2 pesos lang naman 'yon, wala ng aangal." Sambit ko kaya tumango sya atsaka umalis na.

Lunch break. Nasa labas na ang ibang kaklase ko, kanya-kanyang hanapan na sila ng lugar kung saan kakain.

"Amanie, nasa labas na 'yung manliligaw mong gwapo kasama 'yung pinsan nya ding gwapo, inaantay ka." Ani Joy pagkalapit nya sa'kin. Kasalukuyan kong inaayos ang mga papel namin sa quiz kanina kaya hindi agad ako makalabas, sa akin kasi inihabilin ito ng adviser namin bago sya mag dismissed.

"Sige, lalabas na lang ako. Tapusin ko lang 'to." Simpleng sagot ko. Ang akala ko ay aalis na sya, pero napatigil ako sa ginagawa ko ng mapansin kong nakatayo pa din sya sa harapan ko at nakatitig sa'kin.

"Bakit?" Natatawang tanong ko sa kanya.

"Kailan mo sasagutin 'yang manliligaw mo? Bakit parang ang tagal mong magpa-ligaw? 'Yung totoo, pinapaasa mo lang ba sya?" Nawala ang ngiti sa labi ko ng batuhan nya 'ko ng sunod-sunod na tanong patungkol kay Josh at sa panliligaw nito sa'kin.

Tumikhim ako kunwari atsaka nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Hindi naman nagma-madali si Josh, gano'n din ako. At hindi ko sya pinapaasa 'no, kinikilala lang namin mabuti ang isa't-isa." Sagot ko sa mga tanong nya kanina. Kumunot ang noo nya at agad na namewang sa harap ko.

Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon