Tahimik akong nakatunganga sa kisame ng kwarto ko ng biglang may kumatok. Agad akong napaupo at mabilis na inayos ang sarili ko.
"Pasok po.." Sambit ko. Pag bukas ng pinto ay iniluwa nito si Papa. Ngumiti sya sa'kin kaya naman alanganin din akong napaganti ng ngiti sa kanya. Anong meron?
"Wala ka bang balak sabihin sa'kin? O wala ka man lang bang balak magpaalam sa'kin?" Sunod-sunod na tanong nya na ikinakunot ng noo ko.
"Ang alin, 'Pa?" Kuryosong tanong ko. Saglit syang natawa sa itsura ko atsaka naupo sa tabi ko.
"Yung tungkol sa pagdating ng mama ni Josh, 'di ba niyayaya ka nyang sumama sa pag sundo?" Ilang beses akong napakurap sa sinabi ni Papa. Alam nya?
"Ipinagpaalam ka na sa akin ni Josh, ikaw na lang ang inaantay ko." Aniya kaya naman mas lalo akong nabigla.
Hinuha ko lang naman na 'baka' sinabi ni Josh, hindi ko akalain na sasabihin nya pala talaga. Sana sinabi nya man lang sa'kin, nakakabigla na kay Papa ko pa nalaman. At nakakahiya dahil kay Josh pa ni Papa nalaman at hindi sa akin na anak nya.
Hindi ko gustong ilihim kay Papa, pero ng yayain kasi ako ni Josh sa pag sundo sa mama nya, inaamin kong nagda-dalawang isip ako kung sasama ako o hindi. Kaya pinili kong 'wag muna sabihin sa kanya, dahil bukod sa baka magulat si Papa kung magpapaalam ako, natatakot akong sumama. Tinanggihan ko din naman si Josh ng sabihin nya sa'kin iyon.
Napaiwas ako ng tingin kay Papa at napayuko. Huminga ako ng malalim bago tuluyang nagsalita.
"Pumayag ka ba, 'Pa?" Tanong ko sa kanya.
"Kung magpapaalam ka naman sa'kin ng maayos, syempre papayagan kita." Sambit nito na naging dahilan para lingunin ko sya. Gano'n ba kalaki ang tiwala sa'kin ni Papa para maging maluwag ng ganito?
"Hindi ko pa po sinasabi sa inyo kasi tinanggihan ko sya." Sagot ko naman. Kumunot ang noo nya at hinarap ako.
"Bakit? Papayagan naman kita, inaantay lang kita magpaalam." Saad nya habang nakatingin sa'kin. Mapakla akong napangiti.
"Pa, nakakatampo ka na. Masyado ka na nagiging maluwag sa'kin, baka naman kapag may humingi sa'kin sayo, ipamigay mo na lang ako bigla?" Birong tanong ko. Sinamaan nya 'ko ng tingin kaya natawa 'ko, at ng ikulong nya 'ko sa mga bisig nya ay muli akong natahimik.
"Hindi kita ibibigay basta-basta kahit kanino, kailangan muna nilang dumaan sa'kin bago ka nila tuluyang makuha. Kahit na si Josh? Kailangan nya muna malagpasan mga hamon ko bago ka nya makuha." Ani Papa na ikinagulat ko.
"Papa naman!" Sigaw ko na ikinatawa nya.
"Biro lang, eto naman. Ang akin lang naman, ayokong maging sobrang higpit sa'yo. Gusto ko lang na maging masaya ka sa mga bagay na gusto mong gawin. Pero syempre, may limitasyon." Anito. Napangiti ako at muling niyakap si Papa.
Ang akala ko noon ng iwan kami ni Mama, mahihirapan sa'min si Papa nila Kuya. Ang akala ko noon ng iwan kami ni Mama, malulungkot at magbabago sa maling paraan si Papa. Pero lahat ng mga 'yon, akala lang pala talaga.
Pinatunayan ni Papa na kahit na wala si Mama, nandyan sya para itaguyod kami magka-kapatid. Nandyan sya kahit na anong mangyari, nandyan sya para mag-silbing nanay din namin, at nandyan pa din kahit na anong mangyari.
He's not a perfect Father, he makes mistakes sometimes, he can't always give what we want and what we need, but for me, that's okay. Kahit na ganon ang nangyayari minsan, kailanman hindi nya ipinaramdam sa'min na hindi sya karapat dapat na maging ama. He's the best and I'm proud to say that he's my Father.
"Sumama ka na, sigurado akong magugustuhan ka ng Mama nya. Ang Amanie ko pa ba? Maganda, masipag, mabait, masunurin, matalino, at magalang. Lahat-lahat na! All in one, imposibleng hindi ka magugustuhan no'n!" Muli akong natawa sa sinabi ni Papa. Kahit kailan talaga. Napailing na lang ako at nag thumbs up sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/95299012-288-k251310.jpg)
BINABASA MO ANG
Memory Of Us
RomanceWho would have guessed that one eventful message would bring together two completely different people? It all began with a bitter first impressions. Tease one another, annoy each other, unending banter, sweet laughs, big dreams, and gentle love. But...