012
=================
"Ano bang balak mo sa birthday mo, Amanie? Uuwi daw mamaya ang dalawang Kuya mo para kasama mo sila bukas sa pag ce-celebrate." Ani Papa habang kumakain.
Saglit ko lamang syang dinapuan nang tingin at muling pumokus sa ginagawa ko.
"Ganon pa rin po. Magsisimba at maghahanda ng sapat lang para sa atin nila Kuya." Sagot ko naman at patuloy pa din nagche-check ng mga test papers.
"Ayoko ng ganon, ibahin naman natin." Ngumuso ako sa sinabi ni Papa.
Hindi naman ako naghahangad ng magarbong celebration or maraming handa. Okay na 'ko sa simpleng handaan lang kasama ang pamilya at ilang mga kaibigan ko.
Noong huling birthday ko, hindi ko ine-expect na may makukuha akong regalo. Puro books pa, karamihan galing sa mga kaibigan ko. Doon pa lang, solve na 'ko.
Kung okay nga lang, yung pang-handa ko sana ibibili ko na lang ng books. Ang kaso, ayaw naman ni Papa lalo na nung dalawa kong Kuya. Gusto nila mag-handa ako dahil ako ang unica hija.
"17 ka na, dapat medyo gandahan naman na natin. Alam kong alam ng mama mo na birthday mo bukas at gusto ka nyang makitang masaya sa birthday mo." Napatigil ako at napatingin kay Papa. Ngumiti ako ng pilit.
Masaya na si Mama sa bagong pamilya nya. Sigurado akong wala na 'yong pakialam sa amin. At mas okay na 'ko sa ganon.
"Sige po, Pa. Papasok na 'ko." Tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko, ni hindi pinansin ang mga sinabi ni Papa.
Nasa school na 'ko. Nasa hallway pa lang ako sobrang init na, paano pa kaya kapag nasa room na 'ko? Kulob na 'yon, sobrang init lalo.
Sumalubong agad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Yael sa tapat ng room namin. Kinakausap sya ng mga kaklase kong babae pero sya, mukhang bagot na bagot na.
Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nila. Sabay-sabay nila 'kong nilingon at bigla na lamang lumapit sakin si Yael.
"Kanina pa kita inaantay, nakakabagot dito sa inyo.." Bulong nya sa akin na ikinatawa ko naman.
"Sino ba naman kasi nagsabi sayong antayin mo 'ko?" Mapang-asar na tanong ko sa kanya. Nilapag ko ang bag ko sa table ko at binalikan ulit sya.
"Samahan mo 'ko, may ibibigay lang ako kay kuya Josh." Aniya. Marinig ko pa lang ang pangalan ni Josh, para ng manghihina ang mga tuhod ko. Bigla ko tuloy naalala nanaman yung lakad naming dalawa. Psh.
Tumango lang ako at sumunod sa kanya.
"Nabanggit sakin ni Kuya Josh na nabastos ka daw nung namasyal kayo ah? Ayos na ba yung kamay mo?" Hinawakan nya ang kamay ko na ikinagitla ko naman.

BINABASA MO ANG
Memory Of Us
RomanceWho would have guessed that one eventful message would bring together two completely different people? It all began with a bitter first impressions. Tease one another, annoy each other, unending banter, sweet laughs, big dreams, and gentle love. But...