001

1.3K 23 29
                                    

 001 

===============


Joshua Franco sent you a message


Joshua Franco? Sino 'to? 


Nilapag ko ang hawak kong coke float at hindi pinansin ang message nya sa'kin. Stalk muna bago reply. Hah.


Napakunot ang noo ko nang makita ko ang profile nya sa facebook. Kilala ko 'to, ah. I mean, namu-mukhaan ko s'ya. S'ya 'yung isa sa mga matatalino sa Senior Department eh.


Friends pala kami sa fb? 'Di ko maalala na in-accept ko s'ya or ako nag add sa kanya.

Nvm, wtvr.


Pinindot ko ang albums nya at tinignan ang mga pictures nya. Kalkal mode, baka may jeje pics na pwede ipang blackmail, e. MWAHAHAHA. Charn't.


 Hindi naman gano'n karami. Ano ba 'yan. Yung iba puro picture nya kasama family nya. Tapos yung solo nya naman, dalawa lang. Picture nya nung graduation nya nung junior high school at wow, ang dami nyang medals and certificate! Mapapa sana all ka na lang talaga.


Tapos yung sariling selfie nya naman, tatlo lang. Yung isa nasa kotse sya, yung pangalawa nasa mabundok na lugar sya at naks, candid kuha nya dito! At yung last, naka yuko sya at nakasuot ng sando at sombrero. Wow, ang laki... ng biceps. Ehem.


Hot, shet. Pwede nya na palitan ang araw.


Joshua Franco sent you a message


Ay, nakakadalawang message na sya. Ganto pala feeling kapag kinukulit ka ng lalaki, hays. I'm sorry, Josh. But, I'm done with you.


Joke. Hehe


 Binuksan ko na ang messages nya at binasa.


Josh: Hi. Pwedeng paki-like ng videong 'to? Project lang kasi. Hope you don't mind.

Josh: Pero ayos lang kung ayaw mong i-like. Thanks in advance.


Ay put— 

Ini-stalk ko sya tas ito lang pala message nya!? Akala ko naman nagandahan sakin kaya ako ni-chat. Nagpa-palike lang pala! Seriously, uso pa pala 'to? 

Hay nako.


Pinanood ko muna ang video. Music video lang pala. Eh bakit wala sya sa video na 'to? Agad akong nag tipa ng ire-reply ko sa kanya.


Me: Wala ka naman sa video, bakit mo pinapa-like sakin 'yan?


Agad nyang ni-seen ang message ko na ikinagulat ko. Ay wow, abangers ka babe? 


Josh: Ako ang nag edit at video sa mga classmates ko kaya hindi mo talaga 'ko makikita dyan.


Edi ikaw na talented at matlino. Sana all talaga. Gash, Lord, makasalanan po ba ako sa past life ko? 


Me: K. Na-like ko na.


Josh: Thanks.


Ni-seen ko na lang sya pagkatapos nya magpa-salamat. Sayang talaga, kala ko pa naman kung ano yung chinat nya. Nagpa-palike lang pala.


Medyo misteryoso ang dating sa'kin ng lalaking 'to. Iilang kaibigan nya lang ang  laging nakikita kong kasama nya kapag nakikita ko sya minsan, bihira nya pang kasama ang mga 'yon. Madalas din syang nakatambay sa library at basa lang nang basa, heartthrob din sya ng school namin. Parang walang araw ata na walang nagco-confess sa kanya sa Facebook na may kasamang stolen picture nya.


Sana all talaga, Franco. 


Pero ang balita ko rude 'tong Joshua na 'to. Harsh daw magsalita. Pero bakit parang hindi naman? 


Siguro sinisiraan nila sya kasi matalino. Gwapo din at sikat. 


Hays. Mga tao nga naman, hahamakin ang lahat, may masirang tao lamang. Tsk.

Pero I wonder, ano kaya talagang ugali meron ang lalaking 'to? He's so freakin' mysterious.


-----------------

Vote. Comment. Share.

Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon