021
××××××××××
"Pa, aalis na po ako!" Sigaw ko kay Papa na nasa banyo at naliligo.
"Amanie, sandali.." Pagtawag sakin ni Papa na ikinahinto 'ko. Nilingon ko sya at seryoso syang nakatingin sakin. Tapos na pala syang maligo.
"Mag-usap nga muna tayo sandali." Aniya na ikinakaba ko. Seryoso si Papa, malamang importante 'tong pag-uusapan namin. Kinakabahan akong lumapit sa kanya.
"A-Ano po 'yon?" Kinakabahang tanong ko. Huminga sya ng malalim bago nag salita.
"Nanliligaw ba sayo si Josh?" Tanong ni Papa na ikinanganga ko. Seryoso pa din syang nakatingin sakin, samantalang ako ay ramdam na ramdam ang pag-iinit ng mukha ko.
"P-Pa! Hindi po!" Pagtanggi ko, dahil 'yon naman ang totoo.
"Si Yael yata nanliligaw sa kanya, Tito." Pag-singit ni Princess sa usapan. Pinanlakihan ko sya ng mata pero tinawanan nya lang ako.
"Hindi po, Pa. Wala pong nanliligaw sakin." Saad ko at muli ng tumayo at isinakbit ang bag ko.
"Sus. Ayaw pa kasing umam---" Sinalpakan ko agad ng pandesal sa bunganga si Princess kaya naman hindi nya naituloy ang dapat na sasahihin nya.
"Gutom ka lang, manahimik ka." Wika ko atsaka sya inirapan.
"Alis na po ako, Pa. Ingat!" Saad ko atsaka sila tinalikuran at lumabas. Bumungad agad sakin si Josh at Yael sa tapat ng gate. Tahimik lamang sila at parehong nakayuko.
Naramdaman yata nila ang presensya ko kaya naman tumunghay sila. Sabay silang tumayo. Lumapit ako sa kanila ng nakakunot ang noo.
"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko sa kanila pareho.
"Sabay naman talaga tayong pumasok." Ani Yael.
"Sasabay ako sa inyo pumasok." Sabi naman ni Josh. Nagkatinginan kaming tatlo kaya naman napakamot ako sa ulo ko.
"Ah, ganon ba? Hehe. S-Sige, tara na!" Nahihiyang sabi ko atsaka naunang mag-lakad sa kanilang dalawa. Bakit parang ang awkward?
*****
Pagdating namin ng school ay ilang mga pares ng mata agad ang sumalubong samin. Sa hallway pa lang ay marami ng nakatingin saming tatlo; halata din na pinagbu-bulungan nila kami.
Naiilang ako. Nakakaramdam na 'ko ng hiya pero itong dalawang kasama ko, parang wala lang sa kanila. Medyo yumuyuko na lamang ako at iniiwasan ang mga tingin ng iba.
Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko na madadaanan namin ang pwesto ni Marga at ng mga kaibigan nya. Huminto din si Yael at Josh atsaka nila 'ko nagtatakang tinignan.
"Bakit ka huminto, Babs?" Tanong ni Yael. Lumingon ako kay Josh atsaka muling tinignan ang pwesto ni Marga. Masama syang nakatingin sa akin.
Sinundan ni Josh ang tinitignan ko atsaka muling tumingin sakin.
"You're safe, Amanie. Don't mind her." Seryosong saad nya sa akin. Tumango na lamang ako at bumaling kay Yael atsaka ko sya nginitian.
Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad at ng matapat kami sa pwesto ni Marga at ng mga kaibigan nya, ganon na lamang ang pagkagulat ko ng bigla nya 'kong mahigpit na hiniwakan sa braso.
Hindi agad ako nakapag-react at nagulat din si Josh at Yael sa ginawa nya.
"Marga!" Sigaw ni Yael at pilit na tinatanggal ang kamay nitong nakahawak sakin, pero mas lalo lang hinigpitan ni Marga.
"Malandi ka talaga e, 'no?" Aniya na ikinagulat ko. Magsa-salita na sana ako ng bigla 'kong hatakin ng malakas ni Josh sa kabilang kamay at itinago sa likod nya. Nabitawan ako ni Marga at gulat syang napatingin kay Josh.
![](https://img.wattpad.com/cover/95299012-288-k251310.jpg)
BINABASA MO ANG
Memory Of Us
RomanceWho would have guessed that one eventful message would bring together two completely different people? It all began with a bitter first impressions. Tease one another, annoy each other, unending banter, sweet laughs, big dreams, and gentle love. But...