Tulala 'kong nakatingin sa TV, nanonood ako pero yung utak ko wala sa pinapanood ko. Bukas na yung uwi ng mama ni Josh, bukas ng hapon. Hindi ko pa nga nasasabi kay Papa na ipapakilala ako ni Josh sa mama nya dahil napa-pangunahan ako ng takot. Tho, wala namang nakakatakot at masama kung ipapakilala ako.
"Amanie, kanina pa nagri-ring 'tong cellphone mo, wala ka bang balak sagutin?" Napatingala ako ng makita kong nasa tapat ko na si Papa habang hawak-hawak ang cellphone kong nagri-ring nga. Napatayo ako at agad nya sa'kin inabot 'yon.
"P-Pasensya na po, may iniisip lang." Sambit ko at agad na binigyan ng pansin ang cellphone kong kanina pa nagri-ring. Si Josh yung tumatawag.
Nag excuse agad ako kay Papa at dali-dali akong pumunta sa kwarto ko para doon maka-usap si Josh.
"Hello, Josh?" Sagot ko. Ilang segundong katahimikan bago sya tuluyang nag salita.
"I can feel that you're nervous." Aniya. I shut my mouth and sighed. Who wouldn't? Even though I'm not Josh's girlfriend, I still find it jittery.
"I'm sorry, I just can't. . help it." Narinig ko ang pag buntong hininga nya sa kabilang linya. I don't know if I'm being OA or what, pero nakaka-kaba kasi talaga. Uuwi ang mama nya at ipapakilala nya 'ko, pakiramdam ko kailangan kong limitahan lahat ng galaw at mga gagawin ko. Ayoko namang ayawan ako ng mama nya kapag may maling nakita sa'kin.
"Mawawala din 'to maya-maya. Nasa'n ka? Bakit parang ang ingay dyan?" Pag-iiba ko ng topic namin. Baka kasi madamay si Josh sa nararamdaman kong kaba, ayokong mangyari 'yon. Sya na nga lang nakakapag palakas ng loob ko, idadamay ko pa sa takot na nararamdaman ko. Kailangan ko din siguro tulungan yung sarili kong mag-isip ng positive thoughts, hindi pwedeng si Josh lang. Ang sabi nya naman mabait ang mama nyo, at naniniwala ako do'n.
"Nagpa-gupit ako ng buhok, pauwi na din. Naisipan kong tawagan ka, may ginagawa ka ba ngayon?" Sagot nya. Tumayo ako sa pagkaka upo ko sa kama ko at dumungaw sa bintana para tignan ang panahon sa labas. Hindi maaraw, hindi makulimlim, pero malakas ang hangin.
"Uh, wala naman. May gagawin ka ba pag-uwi mo sa inyo? I mean, homework or anything?" Tanong ko.
"Wala din naman. Matutulog at makikipag-usap lang siguro sa'yo mag-damag." Aniya. Natahimik ako at agad na naramdaman ang pag-iinit ng mukha ko.
"A-Ah. P-Pwede ka ngayon? Gala tayo." Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa biglang pag-utal ko. Kalmado ko lang sana syang aayain sa pagga-gala, pero dahil sa sinabi nya, nautal ako. Jeez, Amanie.
"Sure. Ite-text ko na lang si Yael para masabi nya kay Tita, diretso na 'ko agad dyan sa inyo." Mabilis na sagot nya na ikinangiti ko. Ang bilis um-oo.
"Sige. Maliligo na 'ko, text mo na lang ako kapag malapit ka na." Sambit ko. Narinig ko ang mahinang pag-tawa nya sa kabilang linya na ipinagtaka ko.
"A'right. See you later, baby girl."
***
[Josh: I'm here.]
Pagka-basa ko ng text ni Josh ay muling namuo ang kaba sa dibdib ko. Huminga ako ng malalim atsaka muling ni-double check ang suot ko sa tapat ng salamin. Pagkatapos kong masigurado na maayos na ang suot ko ay bumaba na din ako.
Pagkababa ko ay naabutan kong magkatapat sa mesa si Papa at Josh, seryoso lamang silang nakatitig sa isa't-isa pero agad din na lumipad ang tingin sa'kin ni Josh. Naramdaman nya na siguro ang presensya ko. Ngumiti ako ng pilit.
Lumapit agad ako sa kanila. Tumayo si Papa at ngumiti sa'kin.
"Aalis muna po kami, Pa." Sabi ko kay Papa. Ngumiti sya sa'kin at tumango.
BINABASA MO ANG
Memory Of Us
RomanceWho would have guessed that one eventful message would bring together two completely different people? It all began with a bitter first impressions. Tease one another, annoy each other, unending banter, sweet laughs, big dreams, and gentle love. But...