Dedicated to MrhyllCaliwan thank you kambs! Enjoy reading. ❤
======
"So, how did you met my son, Amanie?" Bahagya akong naubo ng biglang mag-open ng topic ang mama ni Josh sa kalagitnaan ng hapunan namin. Natawa sa'kin si Josh kaya naman mabilis nya 'kong inabutan ng isang basong tubig at marahang hinaplos ang likod ko.
"She's my stalker, Ma. Nahuli ko syang naglalagay ng chocolate sa locker ko." Naibaba ko agad ang basong iniinuman ko ng isagot iyon ni Josh. Nawala sa isip ko na katapat namin ang mama nya kaya naman agad ko syang nasapok sa balikat nya.
Agad syang napasapo do'n at natatawa akong tinignan. "What? That's how we met." Natawa ang mama nya kaya naman muli ko syang sinapok.
"Ouch. You hit like a man." Anito kaya mas natawa ang mama nya. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mukha hanggang leeg ko dahil sa mga pinagsasabi ni Josh. My god, I hate him! He's teasing me in front of her mother!
"That's how we met, yes, but I'm not your stalker! Pinilit lang ako ng stalker mong nerd na ilagay 'yon sa locker mo, at wala na 'kong nagawa dahil hawak ko na." I said while glaring at him. Tumawa lamang sya at uminom ng tubig habang nakatitig pa din sa akin.
"Josh had a stalker? That's.. weird." Sambit ng mama ni Josh kaya ako naman ang natawa. Agad na lumukot ang mukha ni Josh at nag-iwas ng tingin sa'kin.
"What I mean is, how come he had a stalker if he is a quiet type guy?" Nawala ang ngiti ko at napakunot sa tanong ng mama ni Josh. Bakit parang gulat na gulat sya sa nalaman nya?
"You changed a lot, son. That's great." Anito at nakangiting naiiling na nakatingin kay Josh. Kunot noo kong tinignan si Josh at nagkibit balikat lamang sya sa'kin.
Pagkatapos namin kumain sa hindi kilalang restaurant ay napagpasyahan na din naming umuwi. Kung pagod kami ni Josh, alam namin pareho na mas pagod ang mama nya. Paniguradong may jetlag pa sya.
"Saan ka ba nakatira, Amanie? Ihahatid ka na namin, sigurado akong nag-aalala na sa'yo ang parents mo." Tanong sa'kin ng mama ni Josh habang naglalakad kami pabalik sa sasakyan. Sasagot na sana ako ng unahan ako ni Josh.
"Iisang subdivision lang tayo, 'Ma. Mauuna lang ang bahay nila bago sa atin. " Tugon ni Josh. Gulat na ekspresyon agad ang gumuhit sa mukha ni Tita Grace dahil sa sagot ng anak nya. Tumingin sya sa'kin sabay lipat kay Josh at sabay kaming binigyan ng nakakalokong ngiti.
"Feelin' lucky, Son?" Mapanuksong tanong nito kay Josh bago tuluyang pumasok sa van. Pinasunod ako ni Josh ngunit bago ako tuluyang makapasok ay bumulong sya sa'kin.
"My mom doesn't know that I'm destined to be yours." Aniya sabay kindat sa'kin. Bahagya syang natawa ng makita ang gulat na itsura ko dahil sa sinabi nya.
****
"Don't forget to thank her parents, Josh." Sambit ni Tita Grace ng nasa tapat na kami ng bahay ko. Tumango si Josh at naunang bumaba sa van kesa sa akin.
"Amanie, thank you for coming with my son. I really do appreciated it. And it was nice meeting you by the way." Aniya na sinuklian ko agad ng ngiti. Bakit hindi ganito kabait si Josh ng unang beses kami magkakilala? Kabaligtaran nya mama nya noon. Haha kidding.
"Same here, Tita. Thank you din po do'n sa libreng pakain nyo." Tugon ko na ikinatawa nya naman. Niyakap namin ang isa't-isa tanda ng pasasalamat.
"Take care, Amanie. Thank you again." Aniya pagkalabas ko ng van. Tumango ako sa kanya atsaka nya isinara ang van.
Nilapitan ko si Josh na abala sa pagsilip sa bahay.
"Huy," Sambit ko. Kunot noo nya 'kong nilingon at itinuro ang bahay ko.
"Tulog na papa mo?" Kuryosong tanong nya. Sinulyapan ko ang bahay namin na patay na ang lahat ng ilaw at muli syang tinignan.
"Baka, patay na lahat ng ilaw eh. Tsaka sasapit na ang 12 am, baka nakatulog na si Papa sa kakaantay." Sagot ko. Napakamot sya sa batok nya at muling kumunot ang noo.
"Nagla-lock papa mo?" Tanong nyang muli na sinagot ko lang ng tango.
"Paano ka papasok?" Tuluyan na 'kong natawa sa sunod na tanong nya kaya naman tuluyan na din syang napasimangot.
"Duplicate," natatawang sagot ko. Nag 'tss' lamang sya kaya kinagat ko na ang labi ko para magpigil.
"Aryt. Aantayin kita makapasok bago kami umalis." Ani Josh kaya naman tumango na lamang ako. Tatalikod na sana ako ng hilahin nya 'ko sa braso ko't ikinulong sa mga bisig nya.
Agad kong nilingon ang van dahil baka nakatingin ang mama ni Josh pero hindi ko makita ang loob nito dahil tinted ang salamin.
"J-Josh.." Nauutal na tawag ko. Mas diniinan nya ang yakap nya na naging dahilan para mariin akong mapapikit. God, I love his smell. I love the way he hugged me. It feels so comfortable.
"Thank you." Bulong nya na ikinangiti ko. Niyakap ko sya pabalik at tinapik ang balikat nya.
"Baby girl.." Bulong nya.
"Hmm?"
"Kailan mo 'ko sasagutin?" Agad akong napabitaw ng yakap dahil sa tanong nya. Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya kaya napahalakhak sya.
"I was just kidding, Amanie." Natatawang saad nya kaya inirapan ko sya.
"Nag-aantay na mama mo, uwi na." Sambit ko sa kanya. Namulsa sya at saglit na sinulyapan ang van.
"Last question," Aniya. Tinaas ko ang kaliwang kilay ko sa kanya.
"What is it?"
"May pangha-hawakan ba 'ko?" Seryosong sambit nya. Agad akong napangiti. May endearment na nga kami, 'di ba? I mean, I know, hindi 'yon sapat para panghawakan nya. But come on, para na nga kaming mag bf/gf sa turingan namin.
... Or ako lang naga-assume? Wtf
"I'm sleepy already. Good night, Josh. Thank you and take care." Nakangiting saad ko. Magsa-salita na sana sya ng tumalikod na 'ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.
"Good night, Amanie." Narinig kong huling sambit nya ng maisara ko ang pinto ng bahay.
Agad akong pumanik at dumiretso sa kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone ko at agad na nag tipa.
[Gusto kita.]
Sending to Josh...
Sent!
Sapat naman siguro sa ngayon ang dalawang salitang 'yon para panghawakan nya 'di ba?
Agad akong napatingin sa phone ko ng mag vibrate ito.
[Josh: ...]
Napangiti ako't napailing. I become speechless too when it comes to you, Josh.
====
A/n: Short update for today.
BINABASA MO ANG
Memory Of Us
RomanceWho would have guessed that one eventful message would bring together two completely different people? It all began with a bitter first impressions. Tease one another, annoy each other, unending banter, sweet laughs, big dreams, and gentle love. But...