Sinalubong ko ng malaking ngiti si Cess ng buksan ko ang pinto ng kwarto ko.
"Welcombe back, Princess!" Sigaw ko. Ngumiti sya pero halatang pilit, agad nyang nilapag ang bag nya sa kama at umupo doon atsaka nagtanggal ng sapatos.
"Lakas maka-welcome back, 'kala mo naman layo ng pinuntahan ko." Aniya habang nakayuko. Napanguso ako atsaka sya tinabihan.
"Masaya lang ako, masama ba 'yon?" Saad ko at mas binigyan sya ng malawak na ngiti.
"Hindi na 'ko nagtaka, kasama mo si Josh kanina, eh." Anito. Tumayo sya at kumuha ng damit sa cabinet. Humalakhak lang ako kaya nilingon nya 'ko at inirapan.
"Ligo lang ako." Sambit nya atsaka nagdire-diretso sa banyo.
Nakahiga lang ako habang inaantay si Cess sa pagligo, pagkaraan ng dalawampung minuto ay lumabas na din sya. Nakabihis na at nakalagay ang tuwalya sa ulo. Nakatingin lamang ako sa kanya ng mapansin kong nakayuko sya habang naglalakad.
*BLAG*
Napaiwas agad ako ng tingin ng mauntog sya sa nakabukas na cabinet. Tumikhim ako atsaka kunwaring tumawa.
"Ah.. ha-ha! Bakit ka kasi nakayuko!" Sambit ko. Hindi sya sumagot, hinimas-himas nya lamang ang ulo nya at maya-maya pa ay narinig ko na lamang na sumisinghot sya. Agad ko syang nilapitan.
"Cess, ayo--" Humarap sya sa'kin at pulang mukha nya agad na basang-basa ng luha ang sinalubong sa'kin.
"M-Masakit b─" Tinakpan nya ang mukha nya atsaka sya nagsimulang humagulgol. Kumunot ang noo ko at agad syang inalalayan papuntang kama. Hindi ganito si Cess, hindi sya umiiyak sa simpleng bagay. Maaaring nasaktan sya sa pagkaka-untog pero hindi nya 'to iiyakan, bagkus tatawanan nya pa ang nangyari sa kanya at sisisihan ang nabunggo nya na hindi daw nag-iingat.
"Cess, anong problema?" Tanong ko. Patuloy lamang sya sa paghagulgol kaya naman hinimas-himas ko ang likod nya.
"Ang sakit. Ang sakit-sakit. . ." Sambit nito sa kalagitnaan ng pag-iyak nya. Tinanggal nya ang kamay nya sa mukha nya at pinunasan ang mga luha nya.
"Huli na 'to. . ." Aniyang muli.
"Hindi ko na sya makikita. Uuwi na 'ko sa'min dahil nag-aaral din ako. Mami-miss ko ang mokong na 'yun, pabalitaan na lang ako, ah? Pakisabihan si Josh na bugbogin si Yael kapag naglo-loko." Nakatitig lamang ako sa kanya habang sinasabi nya 'yon. Marahan syang tumawa atsaka bumuntong hininga.
"A-Ano bang nangyari?" Tanong kong muli.
"Gusto nya daw ako, Amanie.." Nanlaki ang mata ko sa sinambit ni Cess. Ngumiti sya atsaka napayuko.
"Ayon naman pala, eh! Eh bakit ka umiiyak?" Saad ko. Ngumisi sya at napailing.
"Hindi pwede, e. . ." Nawala ang ngiti sa labi ko ng sabihin nya 'yon.
"Bakit?"
"Masyado syang bata para sa'kin, Amanie..." Aniya. Tinaasan ko sya ng kilay.
"Age doesn't matter, Cess." Sambit ko sa kanya. Muli syang umiling.
"Mas matanda ako sa kanya. At sa'ming dalawa, alam kong mali kung itutuloy namin. At ano ka ba, naniniwala ako na na-overwhelmed lang si Yael sa feelings ko sa kanya. Siguro crush nya lang din ako pero hanggang do'n lang 'yon. Hindi nya 'ko gusto, akala nya lang 'yon." Tumulo ulit ang luha sa mga mata nya. Marahan ko lamang syang hinaplos sa likod.
"Sa tingin mo? Hays, Cess. Hindi ako a-agree dyan, kasi hindi naman natin totoong alam ang nararamdaman talaga sa'yo ni Yael. Pero kung ang desisyon mo ay 'wag umpisahan ang kayo, re-respetuhin ko 'yon at alam kong ganon din ang gagawin ni Yael. Sana lang sigurado ka dyan, nasa huli ang pagsisisi, Cess. Alam mo 'yan." Bumuntong hininga lamang sya sa sinabi ko at binigyan ako ng pilit na ngiti.
*****
Nang makita ko si Yael sa pwesto na sinabi kong pagkakitaan namin ay dali-dali akong lumapit sa kanya. Umiinom sya ng soft drink at ng makita nya 'ko ay kinawayan nya 'ko.
"Kanina ka pa?" Tanong ko pag-lapit ko sa kanya. Umiling sya atsaka itinapon ang plastic na wala ng laman.
"10 minutes pa lang siguro." Aniya kaya tumango ako. Pagkatapos namin mag-usap kanina ni Cess ay nakatulog sya dahil na din sa kakaiyak. Kaya habang tulog sya, chinat ko si Yael at sinabing magkita kami dahil may kailangan kaming pag-usapan. Gusto ko lang linawin ang lahat sa kanya bago umalis si Cess. Napag desisyonan naming sa park tumambay ni Yael. Naupo kami sa isa sa nga bench doon atsaka pinanood ang ilang mga batang naglalaro.
"Kailan ang alis nya?" Biglang tanong ni Yael. Nilingon ko sya pero nananatili ang tingin nya sa mga bata.
"Sa susunod na araw na. Nag-usap na ba kayo?" Sambit ko. Bumuntong hininga sya bago tumango sa akin.
"Iyong kanina na ang huli. Ayaw nya na daw akong makita bukas." Anito. Natawa 'ko kaya naman marahan ko syang hinampas sa balikat nya.
"Respect her decision, Yael."
"Ayon naman ang ginagawa ko. Kaya hindi ko sya pinilit at inintindi at ni-respeto na lang ang gusto nyang mangyari." Aniya. Binigyan ko sya ng nakakalokong ngiti na ikinakunot naman ng noo nya.
"Seryoso ka bang gusto mo ang pinsan ko ha, Yael?" Tanong ko sa kanya. Natawa sya kaya naman kinurot nya ang ilong ko.
"Seryoso ako do'n. I like her, Amanie. Pero hindi pa naman gano'n kalalim. " Sagot nya naman. Tumango-tango na lamang ako at muling katahimikan na naman ang bumalot sa amin.
"Amanie.." Tawag nya sa'kin. Nilingon ko sya at bahagya na syang nakayuko habang may pinaglalaruan sa kamay nya.
"Hmm?" Tahimik na tugon ko.
"Pwede mo bang ibigay sa kanya 'to? Peace offering ko sa kanya, madalas kasi talaga kaming mag-away. Ayoko namang umalis sya ng may sama ng loob sa akin." Ani Yael at inilahad sa akin ang silver necklace na may pendant na susi. Kinuha ko 'yon at agad na pinag-masdan.
"Wow.." Mahinang natawa si Yael sa reaksyon ko. Tinignan ko sya at nakatingin sya sa kwintas na hawak ko na galing sa kanya.
"I will miss her."
~

BINABASA MO ANG
Memory Of Us
RomansaWho would have guessed that one eventful message would bring together two completely different people? It all began with a bitter first impressions. Tease one another, annoy each other, unending banter, sweet laughs, big dreams, and gentle love. But...