031

287 12 12
                                    

Hindi ko na na-replyan ang chat ni Josh at na-seen ko na lamang 'yon dahil pumanik si Papa para tawagin ako.

"Susunod na po ako." Saad ko. Lumabas si Papa kaya naman sumunod na lang din ako.

"Amanie, tara!" Tawag sakin ni Cess pagka-baba ko. Hawak nya sa kamay nya ang baby at mahinahon nya 'yong hinehele.
Lumapit ako sa kanya at nag-iwas agad ng tingin sa hawak nyang baby.

"Huwag mong sabihin sakin na pati kapatid mo, iiwasan mo? Sasampalin talaga kita, makita mo. Baby 'to, walang alam, 'wag mong idadamay." Napayuko ako ng sabihin 'yon ni Cess. Oo nga naman, tsk.

"Tignan mo, medyo hawig nya sayo mata nya tsaka pisngi. Mahaba pilikmata nya gaya sa'yo, tapos 'yung pisngi nya naman, mataba din kagaya sa'yo. Ang cute! Ikaw yata pinaglihian ni Tita." Napa-facepalm ako. Pinaglihian? Hindi nga kami magkasama!

Biglang nag-ring ang phone ni Cess kaya naman natigil sya sa paghehele. Pinakuha nya sakin 'yon sa bulsa nya at pinatignan sakin kung sino ang caller. Napangiti ako.

"Si Yael." Tipid na sagot ko habang may nakakalokong tingin sa kanya.

"Decline mo." Aniya kaya naman ni-decline ko. Pero wala pang ilang minuto ng tumawag ulit ito.

"Decline lang ng decline, nambu-bwisit lang 'yan!" Ginawa ko ang sinabi nya pero paulit-ulit pa din tumatawag si Yael. Nakakapagod mag decline ng mag decline, ha! Sa inis ko ng muli 'tong tumawag ay binigay ko na kay Cess.

"Ang kulit! Bahala ka na dyan!" Iritableng sambit ko. Bumuntong hininga sya bago iyon kinuha sakin.

"Hawakan mo muna 'tong kapatid mo, kakausapin ko muna 'to saglit." Ani Cess na ikinagulat ko. Tinaasan nya 'ko ng kilay pero agad din at maingat na ipinasa sakin ito.

Napakagat ako sa ibabang labi ko habang hawak-hawak ang baby. Nanginginig ako, baka masaktan ko sya. Mahimbing lamang itong natutulog ng bigla itong ngumawa na ikinagulat ko. Hinele ko ito dahan-dahan pero mas lalong lumakas ang ngawa nya.

"Princess? Bakit umiiya─" Lumabas si Mama at Papa mula sa kusina at ganon na lamang ang gulat sa mukha nila ng makitang ako ang may hawak ng baby. Agad na lumapit sakin si Papa.

"Amanie..." Tawag sakin ni Papa. Tumingin lamang ako sa kanya saglit at muling ipinagpatuloy ang paghe-hele.

"I-Ito, tsupeta nya." Inabot sakin ni Mama ang tsupeta kaya naman agad kong kinuha iyon at dahan-dahan na isinubo sa hawak kong baby. Tumahimik na muli ito at mahimbing na bumalik sa pagkakatulog. Napangiti ako.

"Ano pong pangalan nya?" Tanong ko. Tinignan ko si Mama at nakangiti din syang nakatingin sa amin.

"Aira." Tipid na sagot nya.

"Hi, baby Aira.." Sambit ko at hinaplos ang pisngi nito.

"Amanie, pu-pwede ba tayong mag-usap saglit?" Ani Mama. Nawala ang ngiti sa labi ko at seryoso syang tinitigan.

Maybe this us the right time para magkausap at magkalinawan kami ni Mama. It's been 8 years na din naman, dapat ko na din siguro syang patawarin. But that doesn't mean na makakalimutan ko ang ginawa nya. I will forgive, but I won't forget.

Ngumiti ako sa kanya atsaka tumango.

*****

Dumiretso kami ni Mama sa kusina. May mga dala pala syang pagkain.

"Sino pong katulong nyo sa pagdadala ng mga 'to?" Tanong ko habang tinatanggalan ng takip ang mga lalagyan ng pagkain.

"Hinatid ako ni Tito Bryan mo, may pasok sya ngayon kaya hindi ko sya kasama." Aniya. Tumango lamang ako at nagpatuloy sa pagtatanggal. Si Tito Bryan 'yung asawa nya na kaibigan ni Papa. Tito Bryan talaga tawag namin sa kanya simula noon.

"Congrats pala, anak. Malungkot ka daw dahil wala kang nakuhang award ngayon sabi sakin ni Cess, ayos lang 'yon, no! Dabes ka pa din para samin... para sakin. Proud na proud pa din kami sayo." Napahinto ako sa ginagawa ko ng sabihin 'yon ni Mama. Dahan-dahan ko syang tinango atsaka ako ngumiti.

"Salamat po..." Wika ko.

"A-Amanie, about nga pala do'n sa..." Bago pa ituloy ni Mama ang sasabihin nya ay inunahan ko na sya.

"You're forgiven, Ma." Sambit ko at ngumiti ng tipid. Halata ang gulat sa mukha nya pero agad 'yong napalitan ng ngiti. Lumapit sya sakin at agad akong sinunggaban ng yakap.

Para nya 'kong sinasakal sa mga yakap nya. Para 'kong mawawala sa sobrang higpit ng hawak nya sakin. Ang sarap sa pakiramdam. Na-miss ko 'to, na-miss ko ang yakap ni Mama.

"I'm sorry for everything, Amanie. And thank you, thank you sa muling pag-accept kay Mama." Dinampian nya 'ko ng halik sa noo at muling niyakap ng mahigpit.

*****

"Mabuti naman at napatawad mo na ang Mama mo, kaya pala nag post ka ng ganon sa fb, ha!" Inirapan ko na lamang si Cess sa pang-aasar nya sakin pagkatapos kong ikwento ang nangyari kanina.

"Kanina pa 'ko, ikaw naman. Anong nangyari sa pag-uusap nyo ni Yael kanina?" Tanong ko sa kanya at namewang. Biglang namula ang mukha nya at agad na nag-iwas sakin ng tingin. Aba, may hindi yata ako nalalaman!

Agad kong binato sa kanya ang unan at dali-dali akong tumabi sa kanya.

"Kwento!!!" Sigaw ko sa kanya.

"Ni..ni.." Nakayuko sya at pinaglalaruan ang mga daliri nya. Sumimangot ako, parang tanga mag-kwento.

"Ano nga? Nini ka ng nini wala naman akong maintindihan!"

"Niyaya nya 'kong mag-date!"

Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat ng sabihin 'yon ni Cess. What the heck...

"S-Seryoso?.." Mahinang tanong ko. Dahan-dahan syang tumango atsaka nagtitili.

"Teka, maghunos dili ka naman! Saan daw at kailan?" Sunod na tanong ko sa kanya. Ngumiti sya atsaka sumandal sa headboard ng kama.

"Dunno. Susunduin nya daw ako bukas ng 10 AM, eh." Aniya. Gusto na din kaya sya ni Yael? Tumango na lamang ako at muling nanahimik.

"Eh kayo ni Josh? Anong pinag-usapan nyo nung nag-swimming tayo tas naiwan kayong dalawa? Naisuko mo na ba ang bataan?" Agad na lumuwa ang mata ko dahil sa sinabi ni Cess.

"Bastos! Ano tingin mo sakin, cheap?! Hindi no!" Tawa lang sya ng tawa habang ako naman ay ramdam na ramdam ang pamumula ng mukha ko. Bwesit na pinsan 'to!

"So, ano nga?" Tanong nyang muli. Bumuntong hininga ako bago sumagot.

"G-Gusto nya daw ako at liligawan nya daw ako sa ayaw at gusto ko." Napayuko ako ng maalala ko nanaman 'yung gabing umamin si Josh.

"Fuck." Tumingala ako at sakto namang may unan ang tumama sa mukha ko. What the heck

"Ang landi mo! Kyaaaah!" Natawa ko at napairap sa reaksyon nya. Mas kinilig pa talaga sya sakin.

"So, nanliligaw na ba?" Ani Cess. Napanguso ako.

"Hindi ko alam. Kanina lang ulit sya nagparamdam. Nag-chat." Tipid na sagot ko. Tumaas ang kilay nya.

"Ano sabi?" Imbis na sabihin sa kanya ang chat kanina ni Josh ay iniabot ko na lamang sa kanya ang cellphone ko at hinayaan kong sya ang makabasa non.

"Omg!" Agad akong nagtalukbong ng marinig ko nanaman ang impit na tili nya. Pinigilan kong ngumiti. Nakakahawa ang kilig ng babaitang 'to!

"Nangsi-seenzoned ka!" Sigaw nya sakin na hindi ko pinansin. Maya-maya pa ay narinig ko na lamang syang humahagikgik kaya naman mabilis akong umalis sa pagkaka-talukbong ko sa kumot.

Agad syang tumayo, ibinato sakin ang cellphone ko at natatawang lumabas ng kwarto.

"Love you, couz!" Sigaw nya. Hindi ko sya pinansin at ni-check agad ang phone ko.

Agad ko 'tong nabitawan ng makita kong nag-reply sya kay Josh.

I miss you too.

Oh shit.

=============

A/n: Sorry ngayon lang! T_T Writer's block :<

Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon