005
=====================
Joshua Franco sent you a message
Muntik nang malaglag ang cellphone ko nang biglang lumabas sa notification ko ang pangalan ni Josh. Shemay, ano na naman 'to? Bigla 'kong kinabahan. Magpa-palike na naman ba s'ya?
Anak ka naman talaga ng tupa, Franco.
Huminga ako ng malalim bago binuksan ang message nya.
Josh: Bakit hindi ikaw ang nagsaoli ng book ko sa akin?
Oh, akala ko magpa-palike talaga ulit. B-block ko na sana e. Nagtipa agad ako ng ire-reply sa kanya.
Me: Nagmamadali ako. Hindi kita makita kanina kaya pinaki-abot ko na lang sa kaklase mo. Salamat ulit.
Josh: I want to say something.
Biglang kumalabog dibdib ko sa sinabi nya. Potnam, ayoko talaga ng mga ganitong linyahan. Pakaba masyado, 'di na lang direktahin!
Me: What is it?
Syempre, dapat 'di halatang kabado ako or interesado. Hambog pa rin sya sa paningin ko. Hu u, Franco.
Josh: About sa nangyari sa locker room, I'm sorry about that.
Napatitig ako sa huling reply nya. Wow, nagka-totoo sinabi ko kahapon. Shet, marunong pala mag sorry 'tong hambog na 'to.
Me: Nasa vocabulary words mo pala ang word na, 'sorry?'
Syempre, para 'di masyadong awkward, tatanong ko muna. Baka copy-paste lang 'to sa sobrang labag sa loob nya sabihin.
Josh: Are you insulting me?
Ay, butthurt. Copy-pasted talaga siguro. BWAHAHAHAHA
Me: I'm just asking.
Josh: Okay, bye.
Napangisi ako ng mag-out na sya. Aw, nainsulto ba sya? Nagtatanong lang naman ako.
^^^^^^^^^
"So class, magkakaroon tayo ng debate and I invite some senior students para maging judge ng mangyayaring debate na 'to. Bawat opinion ay bibigyan ng score, BUT, ang bibigyan lamang nila ng score ay ang magkakaroon ng punto sa bawat sagot nila. So, ang mananalo ay ang mas mataas ang score."
Wika ng teacher namin sa English 10. Medj ginaganahan ako sa activity na 'to. Ang sarap man-trigger sa mga debate. Tapos pag wala ka na masagot pwede ka na lang magyaya ng suntukan mamaya after class. Mga 5:30 pm, sa Rosario St. Pwede humiyaw, pero bawal mag video.

BINABASA MO ANG
Memory Of Us
RomanceWho would have guessed that one eventful message would bring together two completely different people? It all began with a bitter first impressions. Tease one another, annoy each other, unending banter, sweet laughs, big dreams, and gentle love. But...