053

102 4 7
                                    

053

=======================

"I want to keep you forever, baby girl.." 

Napagpasyahan namin ni Josh na sumandal sa terrace kung saan nya ako dinala. Hawak nya pa rin ang kamay ko at nananatili pa rin ang tingin nya doon. Hindi ko napigilan ang mapangiti sa itsura nya kaya naman marahan kong iniangat ang ulo nya at iniharap sa akin.

"Are you related to them?" Patungkol ko roon sa dalawang taong ikinwento nya kanina. Tumingala sya sa akin at muling umayos nang upo, nanatiling hawak ang isang kamay ko. 

"Biologically, no. But I owe them my Mom's life, they save her when she was suffering from hell." Agad nyang iniiwas sa akin ang tingin nya nang sabihin nya iyon. I suddenly remember what Tita grace told me last week. Josh is a reminder of her worst nightmare.

"I-I'm sorry, your Mom told me about it and I-I really feel bad, I swear. I'm really sorry.." Sa hindi malamang dahilan ay humina na ng tuluyan ang boses ko bago pa matapos ang sinasabi ko kay Josh. He squeezed my hand and gave me a small chuckle.

"Hey, stop saying sorry. It's not you nor Tito Amer's fault. We are not blaming anyone but the rapist." Nagtiim ang bagang nya sa sarili nyang sinabi pero ilang segundo lang rin ay umaliwalas muli ang mukha nya. Ngumiti sya sa akin at agad akong itinayo, iniikot, at niyakap mula sa likod.

Nakapulupot ang kamay nya sa bewang ko habang nakasandal ang ulo nya sa balikat ko. The butterflies in my stomach began to flutter as I felt his warm breath against my neck.

"But have you ever been mad with him? Kay Papa?" Mahinang tanong ko sa kanya. 

"Hm, yes.." Mahinang sagot nya. Saglit kami parehong natahimik dahil doon. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kung anong kirot sa puso ko. I can't blame him with that, anak sya e. At alam nya kung ano iyong hirap na pinagdaanan ng sarili nyang magulang. 

Kahit siguro ako yung nasa posisyon nyo ay gano'n din iyong mararamdaman ko.

"But I realized I wasn't exactly mad with him; it was only that blaming who was truly to blame wasn't enough at the time. Then you came, thank God you came." Mas humigpit ang yakap ni Josh kaya naman hindi ko na napigilan mapahalakhak dahil sa kiliting naramdaman ko sa ginawa nya.

"Tsansing ka ah.." Natatawang sambit ko sa kanya. Kumunot ang noo nya at tumitig sa akin na parang nagsusuri. Bumitaw sya sa pagkakahawak sa akin at idini-kwatro ang mnga kamay nya sa dibdib nya.

"Hindi mo pa nga pala ako sinasagot. Sige, tara." Ngumisi sya sa akin at inilahad ang kamay nya sa harap ko. Bigla kong naramdaman ang pag-iinit ng mga pisngi ko dahil sa ginawa nya.

"This way, Ma'am.." Aniya. Inirapan ko sya at natatawa s'yang nilagpasan.

"I'll lead the way." Muli ko s'yang hinarap at walang pasabing hinatak papunta sa tabi ko. I took his right hand in mine and intertwined it. Agad na gumuhit ang ngiti sa labi nya dahil doon.

"Sino ngayon ang tsansing?" Natatawang bulong nya sa akin.

****

Hindi ko alam na may cafe rin pala dito sa museum na pinuntahan namin ni Josh. Nakangiti lamang ako habang pinagmamasdan ko ang buong loob nito. The decor was simple; the room was primarily filthy white, and the appliances were either black or wood tones–bagay iyong combination nilang dalawa since it created a really warm feeling. Add that to the fact that there are still a number of artworks on the room's walls, as well as soft, calming music playing in the background.

Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon