033

331 11 9
                                    

-After 2 weeks-

"Argh, Amanie! May mas ibabagal ka pa ba?!" Halos mataranta na 'ko sa pagsi-sintas ng sapatos ko ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Cess sa labas ng kwarto. Dali-dali kong kinuha ang Phone at towel ko atsaka lumabas ng kwarto. Nakasimangot agad na mukha nya ang sumalubong sa'kin.

"Babaeng-babae ka! Bagal mo!" Aniya na nagpanguso sa'kin. Magjo-jogging kasi kami ngayon kasama si Yael at syempre, si Josh. Nagkayayaan kami kahapon, hindi ko masabi kay Cess na meron ako ngayon kaya natagalan ako sa banyo at pag-aayos. Biglaan naman kasi 'tong menstruation ko!

Sabay kaming bumaba ni Cess, wala si Papa at maagang umalis. Sa pagkakaalala ko, ngayon ang interview para sa trabaho na papasukan nya.

"Lock mo maigi 'yung pinto." Ani Cess at naunang lumabas sakin. Pumunta muna 'ko sa kusina at uminom ng isang basong tubig. Lumabas na din ako at ni-lock ang pinto gaya ng bilin ni Cess. Nakangiti agad akong nilapitan ni Josh kaya nginitian ko din sya.

We're officially dating na. Sa 2 weeks na nagdaan, masasabi kong may nagbago kay Josh kahit papaano. Sa t'wing pupunta syang bahay or nagkikita kami, palagi syang nakangiti. 'Yung ngiti nya na mapapaisip ka na lang ba kung anong rason at hindi maalis-alis sa mukha nya 'yon.

Hindi sya sobrang nagbago dahil lang sa nililigawan nya 'ko.

"Just be yourself, ipakita mo 'yung totoong ikaw at mas gusto kong magustuhan 'yon." 

At lahat ng pinapakita nya sakin ngayon, alam kong sya talaga. Mas nagugustuhan ko sya. Mas gusto kong nagpapaka-totoo sya. At hindi ko maitatanggi na sa araw-araw na panliligaw nya sakin, mas nahuhulog ako. I know we're too young for this, pero hindi naman 'to mangyayari kung walang reason, right? Because everything happens for a reason.

"Yael, bili muna tayong tubig. Nauuhaw na 'ko!" Pagma-maktol ni Cess at hinila na sa tindahan si Yael bago pa 'to makasagot. Nagkatinginan lamang kami ni Josh atsaka sabay na napailing.

Sa dalawang linggong nagdaan, bumalik sa dati si Yael at Cess. Sa t'wing magkasama sila o kaya nagkikita, asaran at pikunan ang laging nangyayari. Kaya 'pag naririndi kami ni Josh sa kanilang dalawa, walang pasabi na iiwan namin sila.

"Ikaw bebe ko, hindi ka nauuhaw?" Gulat akong napatingin kay Josh dahil sa tawag nya sa'kin. Kinindatan nya 'ko kaya naman natatawa ko syang inirapan.

"Ang baduy mo." Natatawang saad ko sa kanya. Humarap sya sakin atsaka nya ipinagkrus ang kamay sa dibdib nya.

"Medyo unique naman, ah? Ang baduy na kasi ng baby, babe, sweetie, darling." Humalakhak ako dahil sa sinabi nya.

"Ang jejemon ng bebe ko." Sambit ko at umupo na muna sa may gilid. Umupo din sya pero sa harap ko sya pumwesto.

"Bebe ko..." Tawag ko sa kanya. Sya naman ang gulat na napatingin sakin dahil sa sinabi ko. Agad kong nakita ang pamumula ng tenga at leeg nya kaya napahalakhak na naman ako.

"You're blushing." Panunukso ko sa kanya. Nag-iwas lamang sya ng tingin sa'kin kaya mas natawa 'ko. Natigil ako sa pagtawa ng may maramdaman akong bumulwak. Dali-dali akong tumayo at mariin na napapikit. Gahd, kaya ayokong tumatawa masyado 'pag meron ako, eh! Parang may sumasabog na bulkan sa baba ko!

Napansin yata ni Josh ang pagbabago ng expression ng mukha ko kaya tumayo din sya at agad akong nilapitan.

"Ayos ka lang?" Tanong nya. Tumango ako bilang sagot.

Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon