007

402 10 9
                                    

007


=================


Joshua Franco sent you a message


Hindi ko pinansin ang notification ko na lumabas at ipinagpatuloy lamang ang pagba-basa ko ng libro kong Harry Potter.


Tumunog ulit ang phone ko at ganon pa din ang lumalabas. Ano na naman ba trip ng hambog na 'to?


Joshua Franco sent you a message


Bakit ba ako kinukulit ng lalaking 'to? Sinabihan ko na sya na ayoko syang kausapin pero ginagawa pa din. Bulok na yata talaga 'tong itlog na 'to.


Tumunog muli ang cellphone ko pero call na ang lumabas. Call mula sa messenger. Mula kay Joshua Franco.


Ano bang problema ng lalaking 'to?


Sa inis ko ay ni-accept ko na lamang ang tawag nya at pabalang syang sinagot.


"Ano bang problema mo at nambubulabog ka, ha?" Pinahalata ko ang inis ko sa boses ko nang sabihin ko 'yon sa kanya.


"Ang sungit. Hahaha." Aniya sa kabilang linya. Umirap ako kahit hindi nya nakikita. Sungit my ass.


"Kung mang-aasar ka lang, pakibilisan, may ginagawa kasi ako at ayoko ng istorbo." Wika ko.


"At ano naman 'yon?" Tanong nya. Daming tanong, feeling close ang loko. May pacall-call pang nalalaman.


"Pake mo ba?" Pabalang kong sagot. Narinig ko ang pag buntong hininga nya sa kabilang linya.


"Seryoso ka bang iiwasan mo na 'ko?" Tanong nya sa kabilang linya.


"Mukha bang nagjo-joke ako nung sinabi ko 'yon?" Narinig kong natawa syang muli sa kabilang linya pero di ka na lamang yon pinansin. Wala naman kasi nakakatawa.


"Sayang, may gusto pa naman akong ialok sa'yo." Aniya. Kumunot ang noo ko, Tunog drugs, men?


"At ano naman 'yon?" Tanong ko. Kunyari 'di ako interesado pero medyo naiintriga na ako sa kung ano man 'yong iaalok nya.


"Friends. I want to be your friend, Amanie. I know hindi maganda ang umpisa natin, pero pwede pa naman maayos diba? Kung tatanggapin mo ang friendship na inaalok ko." Aniya na nakapagpatahimik saakin. Seryoso ba 'to? Parang naging babae bigla si Josh, ah.

"You sound like an ex-boyfriend, begging for another chance. Just so you know." Seryong saad ko na ikinatawa nya naman.


"Wait, so you don't see me as a friend? You see me more than that,  Amanie?" Ani Josh. Ramdam ko ang biglang pag-init ng magkabilaang pisngi ko ng sabihin nya 'yon. Ang kapal talaga nito!


"Napaka hambog mo talaga! Feeling gwapo ka ha? ha? Ang  kapal mo!" Sunod-sunod na bulyaw ko sa kanya sa kabilang linya. Tawa lang sya ng tawa habang ako ay inis na inis na.

Kapal ng apog nito.


"I'm just kidding, you know. Why so defensive? Alam ko namang hindi mo 'ko magugustuhan. Mas lalaki ka pa nga gumalaw at mag-salita kaysa sa akin?" Natatawang saad nya na sinagot ko agad.


"Talagang hindi!" Sigaw na sagot ko.


"Good. We're settled then."


"So, I hate you, you hate me. Mutual ang feelings natin sa isa't-isa, bakit hindi mo tanggapin ang friendship na inaalok ko?" Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Adik ba 'to, ha.


"Hate nga natin ang isa't-isa, diba? Eh bakit inaalok mo ko ng friendship?" tanong ko sa kanya.


"Sabi nga nila, keep your friends close and your enemies closer. Don't tell me, natatakot ka?"


"Hell no! Ako? Sayo? Matatakot? Lelang mo." Sambit ko sa kanya.


Narinig ko ang pag-ngisi nya sa kabilang linya.


"So, friends?


"Friends!" Sagot ko.


"Good. Good night, frenemy." Aniya at binaba na ang tawag.


Humiga ako sa kama at nilapag ang librong binabasa ko kanina. Tama ba ginawa ko? Geez. Ililihim ko na lang siguro kay Marga. Sigurado naman akong hindi magtatagal friendship namin ng lalaking 'yon. Trip nya lang siguro ako.


Ang rupok mo talaga, Amanie!


======================================

A/n: January 21,2017! Ang bilis ng panahon, March na agad next month! HAHAHAHA Charot. Tapos na exaaam ^o^ Hindi ako magu-UD bukas, mage-emote ako. Kems. Sana nagustuhan nyo! ;)

Vote. Comment. Share. ♥

Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon