020

352 10 23
                                    

020


==========



Nakangiti akong pumasok ng room namin pagdating ko ng school. Halos lahat ng classmates ko ay busy sa pag gamit ng kanilang mga phone.


Nilapag ko ang bag ko at lalabas na sana ng room ng lapitan ako bigla ni Scarlet.


"Amanie, may nagpapabigay." Aniya at inabot sa'kin ang jollibee burger, na may sticky note na nakalagay sa ibabaw.


Kunot-noo ko 'tong kinuha.


"Sino nagbigay?" Tanong ko. Ngumiti sya sakin ng nakakaloko bago sumagot.


"The famous guy, Joshua Franco. Haba ng hair!" Aniya at saka ako kinindatan at marahang pinisil sa pisngi bago sya tuluyang umalis. Binasa ko ang nakalagay sa sticky note.


Kain muna bago practice. Haha. Good morning! Take care. :)

-Josh


Mariin akong napapikit atsaka ngumiti at napailing. What a great way to start my day.


Tapos na ang practice namin. Kinuha ko ang bag ko at umupo sa bench, kinuha ko ang tubig ko sa bag. Napasimangot ako ng makitang kakaunti na lamang ang laman nito.


Tinatamad pa naman ako na mag lakad ngayon, nangalay ako kakatayo kanina. Nakakatamad pumuntang canteen.


Tatayo na sana ako ng may biglang tumabi sa akin at naglahad ng tubig.


"Di kasi nagdadala ng extra." Ani Yael. Ngumiti ako at kinuha ang tubig.


"Salamat." Saad ko atsaka iyon tinungga.


"Nagugutom ka ba? Kain tayo sa canteen. Nakakagutom yung practice." Aniya na ikinatawa ko.


"Tara!" Pumunta na agad kaming canteen, at halos lumuwa ang mata ko ng pagdating namin doon ay puro senior students. Natatawa akong nilingon ni Yael.


"Inaayos pa ng senior students ang clearance nila kaya nandito pa sila." Aniya. Kahit hindi ko na-gets ang sinabi nya ay tumango pa din ako.


Naghiwalay na agad kami ni Yael dahil magkahiwalay ang pila ng babae at lalake. Pagkatapos ko bumili ay nakita ko agad si Yael na inaantay ako dala ang sarili nyang pagkain.


"San tayo kakain?" Tanong nya pagkalapit ko.


"Sa plato ako kakain. Ikaw ba? San mo balak?" Agad nya 'kong sinamaan ng tingin dahil sa sinabi ko kaya naman hindi ko napigilang humalakhak.


Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon