027
Bumalik kami sa cottage ni Princess pagkatapos kami talikuran ni Josh at Yael dahil sa ginawa namin. Hihingi kami ng sorry kaya dito kami pumunta kasi akala namin nandito sila. Pero pagdating namin dito, si Papa at Tita Carol na nag-iihaw lang ang naabutan namin. Saan naman kaya pumunta yung dalawang 'yon?
"Gusto mo hanapin natin sila?" Tanong ni Princess atsaka tumabi sa akin. 'Di naman ako nagalit sa ginawa nya, sya ang naka-isip nito pero kasalanan ko din dahil sinakyan ko sya.
"Huwag na muna, bigyan muna natin ng space." Sambit ko atsaka nag-umpisang kumain.
"Space na mauuwi sa break-up.." Aniya. Tinaasan ko sya ng kilay dahil sa sinabi nya.
"Sa space kasi mare-realize lahat.." Pag-gatong ko.
"Na mas malayang mag-isa.." Pinigilan ko ang pag-ngiti ko sa idinagdag ni Cess.
"Na hindi talaga sila para sa isa't-isa.." Sambit kong muli.
"At nagkamali lang sila." Ani Cess. Saglit kaming nagkatitigan atsaka sabay na humalakhak. Rhyming.
"Nasaan 'yung dalawa?" Natigil kami sa pagtawa ni Cess ng biglang lumapit sa amin si Tita Carol at itanong 'yon.
"Uh, nagpunta po sa banyo. Susunod daw po sila dito." Pagsi-sinungaling ko.
Tumango lamang si Tita Carol atsaka sya bumalik sa pag-iihaw kasama si Papa.
Pagkatapos namin kumain ay naisipan naming maglakad-lakad ni Cess. Mamaya kasi ulit mags-swimming kami.
"Teka, naiihi ako. Samahan mo muna ko sa banyo." Natigil ako sa pagkuha ng litrato ng view ng sabihin iyon ni Cess. Tumango ako bago itinago ang cellphone ko.
Pagdating namin sa banyo ng girls ay hindi na 'ko sumama sa loob. Nababahuan ako sa amoy. Aantayin ko na lang dito si Cess. Saglit akong natigil sa 'pag lalakad ng may marinig akong pamilyar na boses.
"Please, Josh? Nangangati na 'ko, tatanggalin mo lang naman yung pagkaka-hook ng bra ko. Wala namang malisya!" Agad akong napatakip sa bibig ko at mabilis na napa-atras.
"Nina, lalake ako. Kahit sabihin mong walang malisya 'yan, kapag may nakakita sa atin, iba ang iisipin. Nasaan ba ang mga kasama mo?" Narinig kong sambit ni Josh.
Oo nga naman. Lalake si Josh, babae sya. Kapag may nakakita sa kanila, iba talaga ang iisipin. At bakit hindi nya ma-unhook ang sarili nyang bra? Babae din ako at alam kong kaya nya 'yon gawin. My god, halata naman na nang-aakit 'tong babaeng 'to. Ako ang nahihiya sa ginagawa nya. Tss
"At kailan ka pa na-apektuhan sa iniisip ng iba. Wala sila, okay? Mag-isa lang akong pumunta dito. Don't tell me, naaakit ka sa akin?" Aniya. Napairap ako at napasimangot. Hipon. Psh.
"Fine." Nanlaki ang mata ko ng makitang lumapit si Josh sa babae at hahawakan na ang bra non.
Agad akong umatras at halos mapamura ako ng may maapakan akong lata na naglikha ng ingay. Mariin akong napapikit at mabilis na sanang aalis ng makita ako ni Josh at ng kaklase nyang babae.
"Amanie?" Ani Josh. Malamig ko syang tinapunan ng tingin atsaka mapaklang ngumiti.
"Don't worry, walang ibang nakarinig sa inyo. Ako lang ang nandito. Sige una na 'ko, bye!" Tumalikod na ako at aalis na sana ng hatakin nya 'ko sa braso.
"W-Wala lang 'yung nakita at narinig mo." Aniya habang nakatitig sa mga mata ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at muling tinignan ang babaeng kausap nya kanina. Tinaasan lamang ako nito ng kilay at nginisian.
"Aman─, Josh! Nandyan ka pala, nasaan si Yael? Sorry nga pala sa nangya--" Inalis ko ang pagkakahawak sa akin ni Josh at agad na hinatak si Cess paalis doon.
"Bastos! Kinakausap ko si--"
"Tara na. Please." Sambit ko. Napatingin sya sa kamay kong nakahawak sa braso nya ng mapansing nanginginig 'to. Agad ko syang binitawan at mabilis na umalis don.
Narinig ko ang sabay na pagtawag sakin ni Josh at Cess pero hindi ko na sila pinansin. Naninikip yung dibdib ko. Nahihirapan ako huminga at hindi ko alam kung bakit. Damnit!
Calm, Amnie. Calm. Wala lang sayo 'yung nakita mo, okay? Wala lang 'yon. Argh. Bakit ba parang bini-big deal ko 'yon? Nakaka- disappointed kasi si Josh, ginawa nya pa din.
No. No. Please. Umiling ako atsaka huminto sa paglakad. Huminga ako ng malalim atsaka muling nagpatuloy. Hindi ako dumiretso sa cottage, sa halip, naghanap ako ng lugar na pwedeng mas magpakalma sa nararamdaman ko.
Nakakita ako ng swing, doon ako umupo at tahimik na pinagmasdan ang Laguna bay. Kitang-kita ang view dito. I bit my lower lip ng muling maalala ang nangyari kanina. Nag over react ata ako?
Sigh. Hindi naman ako nagse-selos, diba? I shook my head ng maisip 'yon. I'm not jealous, you're not jealous, Amanie. Okay? Phew. Yumuko ako at mahinang ini-swing ang inuupuan ako.
"Lift your head, baby don't be scared.." Halos mapapitlag ako sa gulat ng may lalaking ang biglang tumabi sa akin at kumanta. Nanlalaki ang mata kong nilingon sya. Kinindatan nya 'ko at muli syang nagpatuloy sa pagkanta.
"In a world where everybody hates a happy ending story, it's a wonder love can make the world go round.." Nakatitig lamang ako sa kanya habang kumakanta sya. Nakapikit lamang sya at marahan ding inii-swing ang upuan namin. Angelic voice.
"But don't let it bring you down and turn your face into a frown, you'll get along with a prayer and song.." Ngumiti sya atsaka humarap sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya kaya naman natawa sya.
"Hindi mo naman boyfriend 'yon, diba?" Aniya na ikinagulat ko. Nilingon ko sya at ngumiti lang sya sa akin.
"Yung lalaki kanina, hindi mo naman sya boyfriend diba?" Muling sambit nya. Yumuko lamang ako at hindi sya sinagot. Nakita nya siguro 'yung nangyari kanina.
"I'll take that as a yes. So, bakit ka nagse-selos?" Sa muling pagkakataon ay nagulat nanaman ako sa sinabi nya. Sinamaan ko sya ng tingin at inirapan.
"I'm not jealous." Malamig kong sagot. Tumawa lang sya at nagkibit balikat.
"Ang mga babae talaga, pakipot. Anyways, I'm sure you like him, in denial ka lang. Okay lang naman magpakipot, pero 'wag mo sobrahan, baka mawala sya sayo." Aniya atsaka tumayo. Napatitig ako sa kanya, ano bang alam ng lalaking 'to?
Tumingin sya sa likod ko atsaka ngumisi. Yumuko sya sa akin at para 'kong binuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan ng mabilis nya 'kong dinampian ng halik sa pisngi. Tulala ko syang tinignan. Ngumiti sya sa akin at tinapik ako sa balikat.
"You'll thank me someday. I'm Slater, by the way. Take care." Aniya atsaka umalis.
What the hell?
@#$%&+*

BINABASA MO ANG
Memory Of Us
RomanceWho would have guessed that one eventful message would bring together two completely different people? It all began with a bitter first impressions. Tease one another, annoy each other, unending banter, sweet laughs, big dreams, and gentle love. But...