051

76 3 1
                                    

051


===============



"I'm not leaving. I'm not going anywhere." Sabay kaming lumingon ni Tita Carol nang marinig namin ang boses na iyon. Hindi na ako nagulat nang makita ko si Josh kasama si Marga, habang sa likod naman nila ay si Cess at Yael na panigurado akong kararating lang din.


"Ma, sabi ko sa'yo tayong dalawa lang ang mag-uusap sa bagay na 'yon." Agad akong tumayo nang tumayo rin si Tita Grace at lumingon sa akin. Hinarap ko si Josh at agad syang lumapit sa'kin at inabot ang kamay ko. Agad kong binawi iyon at umatras papalayo sa kanya.


"Amanie, please.." Umiling lamang ako sa kanya at ngumiti. Kung pag-uusapan namin ang bagay na 'to, mas mabuti kung dalawa na lang rin kami. Ayokong maipit sya sa pagitan namin ng sarili nyang magulang. At hindi ko rin gusto kalabanin si Tita Grace lalo na kung ang ginagawa nya ay para rin sa ikabubuti ni Josh, para sa ikabubuti nila.


"We'll talk about this tomorrow, Josh. Please, don't be mad at her." Ilang segundo sya nakatitig sa akin hanggang sa tumango sya at hinila ako papalapit sa kanya. Mariin akong napapikit nang yakapin nya ako ng mahigpit. God, I really miss him.


Pagkahiwalay sa yakap ay lumingon ako kay Tita Grae at Tita Carol. Tumango lamang sila sa akin kaya naman nilagpasan ko na si Josh at dumiretso kay Cess.


"Yael, anong ginagawa mo rito?" Kita ko ang kaba sa mukha ni Yael nang tanungin sya ni Tita Carol. Nagkatinginan kami ni Cess at tumango lamang sya sa akin.


"He's with us, Tita." Ani Cess. Kunot ang noo ni Tita Carol nang tumingin sya kay Cess. 


"Seriously, Yael? A weekend with women?" Mabilis na tumaas ang kilay ni Cess nang magsalita si Marga. Agad ko syang hinawakan sa kamay ngunit hindi nya pinansin iyon.


"Seriously, Josh? A weekend with this kind of woman?" Ramdam ang pang-iinsulto ni Cess kay Marga dahil sa sinabi nya at matapos nya ito tignan mula ulo hanggang paa.  


Bago pa man makapag salita ulit si Marga ay agad nang pumagitna si Tita Carol. Ngayon lang yata nagkatagpo ng landas si Cess at si Marga, sa pagkakatanda ko hindi nya pa nakikilala si Marga simula nang malaman nya 'yung mga nangyari dati.


"Uuwi na ba kayo, Amanie?" Ani Tita Carol sa akin na sinagot ko lamang nang tango. Tumango lamang rin sya sa akin at nilingon si Yael na nasa likod namin. Mahigpit kong hinawakan si Cess sa kamay nya at pilit syang inalis sa pwesto nya nang mapansin ko ang tensyon sa kanila ni Marga.


Nilingon ko si Josh bago ako tuluyang umalis, nagkatagpo ang mata namin pero agad din akong umiwas.






Pasalampak na bumagsak si Cess sa kama pagdating namin sa bahay. Simula biyahe hanggang ngayon ay nakabusangot ang mukha nya. Wala ni isa samin ni Yael ang sumubok kumausap sa kanya dahil pati ako natatakot. Kapag galit naman kasi sya nagra-rant sya, pero ngayon tahimik lang.


I don't know, but Princess changed a lot. 


"Nakaka bwiset 'yong babaeng 'yon. Kung wala lang siguro doon si Tita Carol at Tita Grace baka nasabunutan ko na 'yon. Nakakagigil! Kala mo ang gandang dilag." Napailing lamang ako sa akto nya at hinayaan lang sya na magsalita nang magsalita.


"At si Josh, my God, bakit kasama nya 'yon? May alam ka ba doon?" Natigil ako sa ginagawa ko at saglit na tinapunan nang tingin si Cess. Nakaupo na sya nang diretso at nakatingin sa akin at inaantay ang magiging sagot ko. Hindi ako sumagot at nag-iwas lamang ng tingin sa kanya.



"You have to talk to him, Amanie. Tama na ang kakatakbo, tama na ang pag-iwas, at tama na rin ang pagpapanggap. Walang mararating 'tong relasyon nyo kung puno ka ng takot dya'n sa loob mo. You wouldn't be able to know the answers if you're too afraid to ask. I think Joshua is a nice man and I don't think he would hurt you intentionally. And you know that to yourself. So stop jumping into conclusions and do something real instead."


Sunod kong narinig na ay ang pagbagsak nang pinto ng kwarto. Agad akong napaisip sa mga sinabi ni Cess. She's right, but those are not that easy. Madali lang sabihin. Parang matematika na dapat kalkulado mo lahat, alam mo ang mga dapat mong gamitin sa pagre-resolba ng sa ganon ay hindi ka magmakamali't bumalik sa umpisa.


Gusto ko makausap si Josh, marami kaming dapat pag-usapan at linawin sa isa't isa. Pero sa t'wing nakikita ko sya parang biglang nabubuhol iyong dila ko at naba-blanko ako. Hindi ko alam kung saan dapat mag-umpisa o ano dapat 'yung mga salitang gamitin ko para magkaintindihan kami.


I am afraid to hurt him as well, that's the last thing that I want. But pain is inevitable. Kahit anong sabihin at gawin ko, kung hindi naman 'yon ang gusto nyang marinig, masasaktan at masasaktan ko pa rin sya. And gano'n rin sa kanya.


Why does eveything have to be so complicated? Even the smallest things turn into the biggest heartbreaks lately.




Kinuha ko ang phone ko at agad na tinawagan si Josh. Nakakadalawang ring pa lang nang sagutin nya ito. Bago pa ako makapagsalita ay inunahan nya na ako.


"Can we talk? Please?" Mariin akong napapikit nang marinig ko ang boses ni Josh sa kabilang linya. Bawat paghinga nya ay naririnig ko rin. 


"I miss you so bad, baby girl.." Hindi napigilan ng ngiti na gumuhit sa labi ko nang sabihin nya 'yon. I miss you, too, Josh. But I don't want to say those words through phone. I want to tell him those in person, kapag hawak ko na sya. Bago ko sya tuluyang bitawan. Besides, hindi lang naman iyong mga salitang iyon ang gusto kong sabihin sa kanya.


I want to tell him what I really feel. I want to tell him everything.


Huminga ako ng malalim bago sya tuluyang sinagot.


"Would you grace me with your presence on Sunday, baby boy?" Ilang minuto nanahimik si Josh sa kabilang linya. Kahit ang paghinga nya na naririnig ko kanina ay hindi ko na rin marinig. I bit my lower lip when I realized what I just said. God, was that too cheesy? 


Bahagya akong nagitla nang marinig ko ang tawa ni Josh. Marahan lamang ang tawa nyang 'yon pero ramdam ang kaginhawaan doon. Agad akong napangiti.



"That's the hottest things I've ever heard from you. Of course, baby girl. It would be my pleasure." 



If I could only stop the time, I would. But I can't, and the only thing I can do right now is to spend and cherish every second and minutes I would have with him before it last.


Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon