018
===========
Paulit-ulit akong tumitingin sa wrist watch ko. Mamaya pa namang 4pm ang pakikipagkita ko kay Josh pero kabadong-kabado na 'ko. Hindi ako mapakali.
Nang mag-bell na, hudyat na tapos na ang last subject namin ay napabuntong hininga ako at napasandal sa upuan ko.
"Last meeting na natin ngayon class. Enjoy your summer, I am glad na isa kayo sa mga section na na-handle ko." Saad ng teacher namin sa English na si Mrs. Bueno. Umingay ang klase at halos lahat ay nagsa-sabi ng kung ano-anong matatamis na salita sa kanya.
Tumayo na 'ko at sinukbit ang bag ko sa balikat ko. Ayaw kong makipag sabayan sa ingay nila. Lumabas na 'ko at mga mukha agad ng mga kapwa ko student na nakangiti ang bumungad sa akin.
Last day na kasi namin ngayon, thank God at bakasyon na. Makakapag pahinga na rin kami sa wakas! Next week babalik kami pero puro practice na lang para sa graduation namin. Time flies so fast, another year has ended.
Nagitla ako ng may biglang umakbay sa akin. Gulat ko itong nilingon at napasimangot na lamang ako ng mapagtanto kong si Yael lang pala.
"Hi, babs!" Bati nya sa akin at nagtaas-baba ng kilay pa.
"Saan ka pupunta?" Tanong nya habang nakaakbay pa din. Sanay na 'ko, bigla-bigla na lang kasi talaga nang-aakbay si Yael kung kailan nya gustuhin.
"Sa lugar kung saan wala ka." Birong sagot ko at saka tinanggal ang pagkaka-akbay nya sa akin.
"Sawa ka na sakin, babe?" Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin nya 'yon. Aba, kailan pa sya um-acting ng ganito? Mula sa gulat ay ngumisi ako.
"Yes, babe. Sawang-sawa na 'ko sayo lalo na sa panloloko mo. So yeah, break na tayo." Ramdam ko ang biglang pag-init ng mukha ko dahil sa pagsakay ko sa kalokohan nya. Gaya ko ay nagulat din sya sa ginawa ko, ngumiti ako at saka sya tinalikuran at nilayuan.
Akala ko ay sumunod pa din sa akin si Yael pero wala na sya ng lumingon ako. Huminga ako ng malalim a tsaka diniretso ang lakad.
Napahinto ako sa paglalakad ng muli ko na naman makita si Josh at Marga na magkasama. Nagtama ang tingin namin ni Marga at nginisian nya lamang ako. Malamig kong tinignan si Josh hanggang sa bumaba ang tingin ko sa kamay ni Marga na nakahawak sa kamay ni Josh. Dali-dali nya itong tinanggal.
Nagdire-diretso ako sa lakad sa harap nila at magsa-salita na sana si Josh nang lagpasan ko sya. Para 'kong sinasaksak nang paulit-ulit sa dibdib sa nakita ko. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako... hindi ko matanggap na nasasaktan ako.
Pagkarating sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto. Agad kong ibinagsak ang katawan ko sa kama at tulalang napatitig sa kisame.
Unti-unting bumabalik sa alaala ko ang imahe ni Josh at Marga na magkahawak ang kamay. Bakit ba lagi ko silang nakakasalubong sa ganoong lagay? Nananadya ba sila? Damn.
"Bakit ka umiiyak?" Agad akong napabalikwas ng biglang nasa tabi ko na si Princess at seryosong nakatingin sa akin.
"H-Ha?"
Tinuro nya ang pisngi ko at napahawak ako doon. Luha? Bakit hindi ko napansin na naiyak na pala ako?
"Bakit ka umiiyak?" Tanong nya ulit. Tinitigan ko sya sa mga mata nya, at saka ko doon na naramdaman ang mainit na likido na tumutulo sa pisngi ko.
Agad kong naitakip ang ang dalawang kamay ko sa mukha ko at saka tahimik na umiyak.
"Hindi ko alam.." Mahinang sagot ko habang umiiyak. Muli kong naramdaman ang parang pagsaksak sa dibdib ko ng paulit-ulit.
"Hindi pwedeng wala, Amanie. Alam kong may rason kung bakit ka umiiyak, may rason kung bakit ka nasasaktan, hindi mo lang matanggap." Aniya na nakapag patahimik sa akin. Tinanggal ko ang mga kamay ko sa mukha ko at kunot-noo syang tinignan.
Huminga sya ng malalim bago nagpatuloy.
"Minsan hindi lang tayo sa sakit umiiyak, madalas kasi sa rason, at kung minsan ay dahil sa hindi natin matanggap ang rason na 'yon. May mga bagay tayo na hindi matanggap kaya wala tayong ibang nagagawa kundi ang umiyak at kumbinsihin ang sarili natin na sana hindi." Pilit syang ngumiti at hinawakan ako sa balikat.
"This past few days halatang-halata ko ang pagkalutang mo. Ayaw mo lang sabihin pero may problema ka diba? What is it, Amanie? Spill. Makikinig ako. Pinsan at bespal tayo diba? Wag kang madamot baka gusto mong balian kita ng buto dyan!" Saglit akong natulala pero agad ding natawa sa sinambit ni Princess.
Kahit kailan talaga, palagi nya naia-apply ang kalokohan nya sa kung saan. Makapag pagaan lang ng loob ng iba, kahit na mag mukha na syang katawa-tawa, ginagawa nya pa rin.
Huminga ako ng malalim bago nag kwento sa kanya.
"Eh sir@ulo naman pala 'yang Marga na 'yan eh! Pinagkakatiwalaan mo tapos pina-plastik ka lang pala? Impokrita! Halina't masabunutan ko na yan-- hmmp!" Tinakpan ko agad ang bunganga ni Princess ng sunod-sunod na naman syang magsalita.
Ngayong nalaman nya na lahat, ganito ang naging reaksyon nya.
Sinarado ko ang pinto ng kwarto ko sa takot na baka marinig kami ni Papa at isipin na may kaaway si Princess. Parang makikipag sapakan naman kasi 'tong babaeng 'to kung makasigaw.
"Wag ka nga masyado maingay, baka marinig tayo ni Papa!" Sabi ko at di na napigilang matawa. Sumimangot sya at nagulat na lamang ako ng hampasin nya ko ng unan.
"Ouch! What the hell was that for?" Tanong ko at hinagis pabalik sa kanya ang unan.
"For being stupid, duh!" Aniya.
"Sinampal ka wala ka man lang ginawa? Iniinsulto at pinagse-selos ka na nga, wala ka pa rin ginagawa? Wag mong sabihin sakin kakaririn mo na talaga ang pagiging tanga?" Saglit akong natigil sa huling sinabi nya. Pinagse-selos?
"Wag mong ide-deny sakin na hindi ka nagse-selos dahil itong kama mo na mismo ang ihahampas ko sayo! Sa mga kwento mo at sa pag-iyak mo ngayon dahil sa nakita mo, halatang nagse-selos ka." Tila naestatwa ako sa narinig ko mula sa kanya.
Ako? Nagse-selos? Paanong mangyayari 'yon kung wala naman akong gusto kay Josh?
"Hindi ba magse-selos lang ang isang tao kung may pagtingin sya sa taong pinagse-selosー" Hindi ko na naituloy ang dapat kong sasabihin ng biglang tumayo sa harap ko si Princess at hinampas ako muli ng unan.
"Of course, Amanie! Magse-selos lang ang isang tao kung may gusto sya sa pinagse-selosan nya. And obviously, you like this guy named Josh !" Parang nag-echo sa tenga ko ang mga sinabi ni Princess. I like Josh? What the hell?
Suminghap ako at saka tumayo. Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka seryosong tinignan sa mga mata si Princess.
"H-Hindi totoo ang sinasabi mo. I hate, Josh!" Saad ko at inis na napakamot sa ulo ko. Ngumisi lang sya at nag cross arm sa harap ko.
"Amanie, the more you hate, the more you love." Aniya sabay kindat sa akin. Muli akong suminghap at umiling.
"Hindi pwede 'yon!" Saad ko at nagtalukbong ng unan sa mukha ko.
"At bakit hindi pwede?" Tanong nyang muli. Muli kong kinagat ang ibabang labi ko.
"Hindi nya girlfriend ang Marga na 'yon kung 'yan ang iniisip mo, hanggat hindi sinasabi ni Josh wag kang magdrama."
*&^%)
BINABASA MO ANG
Memory Of Us
RomanceWho would have guessed that one eventful message would bring together two completely different people? It all began with a bitter first impressions. Tease one another, annoy each other, unending banter, sweet laughs, big dreams, and gentle love. But...