047

61 3 0
                                    

047


===========



"That's all for today, class dismissed."

Paglabas ng prof namin ay nagsimula na mag-ingay ang mga kaklase ko. Kanya-kanya na ulit ang kwentuhan ng bawat grupo. Can't blame them, tho. Back to school kasi and first day namin today.  Wala naman masyado prof ang nagturo, most of them ay nagbigay lang ng konting introductions para sa mga upcoming discussions.

Siguro kahit karamihan ay nagpunta sa kanya-kanya nilang bahay bakasyunan, na-miss pa rin nila panigurado ang presensya ng mga kaibigan nila. Iba pa rin kasi talaga pag kaibigan mo kasama mo. Automatic na nagbabago personality mo. 

I guess everyone's personality automatically change when they're with different people. And that's normal, right. Iba-iba rin naman kasi ang level of comfortablity natin sa mga tao.

Tumayo na rin ako at sinukbit ang bag ko. Dahil may 1 hour break naman ako, I decided na makipagkita kay Yael. I texted him last night na magkita kami sa breaktime and he said yes. Kung kasama nya si Josh, ngayon sana kami makakapag-usap.

Kaya medyo kanina pa rin ako nate-tense. Hindi ko alam kung pa'nong approach ang gagawin ko sa kanya at paano ko s'ya sisimulan kausapin. I'm sure he's mad and hurt because of what happened. I dumped him sa sobrang stressed ko sa problema. 

I didn't mean to do that, pero na-triggered masyado yung emotions ko kaya kung ano-ano na ang nasabi ko sa kanya. So today I wanted to make it up on him. I know I've said and did a lot of harsh things on him, but I hope he understands na I didn't mean any of those.

I still love him, I still do. And I want him back.

"Babs!" Napangiti ako nang makita ko si Yael na kumaway sa'kin. Nasa bench lang s'ya at mag-isang nakaupo. Kumaway ako pabalik at nakangiti akong lumapit sa kanya.

"Hi!" Sambit ko. Ngumiti sya't agad akong binigyan nang yakap.

"Na-miss kita, babs. Kala ko ghinost mo na rin ako, e." Aniya na ikinatawa ko naman agad. Na-miss ko rin ang kolokoy na 'to. Nadamay s'ya sa pag-iwas ko kay Josh kaya ngayon na lang ulit kami nakapag-usap.

"Nasa'n si Josh?" Pag-iiba ko ng usapan. Kumunot ang noo nya at binigyan ako ng tingin na akala mo ay nagsalita ako ng kakaibang lenguahe.

"Akala ko ba iniiwasan mo s'ya?" Tanong nya. Agad akong napakamot sa ulo ko't alanganing napangiti sa kanya.

"About that, well, we had a misunderstanding. Sooo hehe." Bahagya s'yang natawa sa reaksyon ko't marahan na ginulo ang buhok ko. Nakakahiya. Siguro na-weirduhan rin s'ya dahil bigla kong hinanap yung taong halos mag feeling invisible ako maiwasan lang.

"Nabanggit ko sa kanya na magkikita tayo ngayon. Dahil nga iniiwasan mo s'ya, hindi na s'ya sumama sa'kin. But he told me to say he misses you. Ehem." Ani Yael.

Bumigat agad ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Yael. Maybe he took Cess' words nung huling nagkita kami. And now I feel bad even more. Geez

Kinuha ni Yael ang bag nya sa bench at isinukbit iyon. Binigyan nya ako nang ngiti kaya naman ngumiti na lamang rin ako pabalik.

"Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita, malungkot ka pa. Tara kain na lang tayo, libre ko." Saad nya na ikinatawa ko. Tumango lamang ako at saka kami umalis do'n.

Pumunta kami ni Yael sa isang tea shop na malapit sa school namin. Bumili lamang s'ya ng light meal dahil pareho pala kaming hindi gutom.  Nakatambay na lang kami't nagku-kwentuhan habang kumakain at hinihintay pareho matapos ang  break namin.

Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon