041

274 8 2
                                    

"Kamusta pala yung lakad nyo kahapon ni Josh?" Napatigil ako sa paghuhugas ng pinggan ng biglang mag salita si Papa. Saglit ko syang nilingon ngunit nasa pagpa-plantsa pa din ang atensyon nya. Tumikhim ako at muling ipinagpatuloy ang paghuhugas. Akala ko hindi na sya magtatanong patungkol do'n.

"Okay naman po, Pa. Mabait naman po yung mama nya. Maganda din at medyo bata pa, mukha nga lang silang magkapatid ni Josh." Tugon ko at napangiti ng maalala ang nangyari kahapon.

"Talaga? Nagkausap ba kayo?" Ani Papa. Hinarap ko sya at agad na binigyan ng sunod-sunod na tugon.

"Sobrang komportable nya po kausap." Sambit ko. Tumango sya at ngumiti.

"Ano po?" Tanong ko ng may sabihin si Papa ngunit hindi ko narinig. Natawa sya atsaka biglang umiling.

"Uuwi daw ngayon ang mga Kuya mo, pag-uwi gusto kumain sa labas. Mag-asikaso ka na pagkatapos nyan." Napangiti agad ako sa binalita ni Papa. Mabuti naman at naisipan na ulit nila dumalaw. Pagkatapos ko maghugas ay agad akong pumanik sa kwarto ko para mag-ayos.

Nasa kalagitnaan ako ng paghahanda ng susuotin ko ng biglang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may nag text. Agad ko 'tong kinuha at tinignan.

[ Josh: Good morning :) How's up? ]

Napangiti ako at agad na napa-upo sa kama. Sobrang gaan na ng loob ko sa lalaking 'to, sobrang komportable na 'ko sa kanya. Hindi ko alam na mangyayari 'to, yung magiging malapit kami ng sobra sa isa't-isa. Lalo na't nag-umpisa kami bilang magkaaway at ang tanging impression ko lamang sa kanya ay isang malaking hambog.

Akalain mo nga namang tatamaan kami sa isa't-isa at manliligaw ang lalaking 'to sa'kin. Speaking of panliligaw, gusto ko sana syang sagutin after ng graduation nya. Sapat na siguro ang ilang bwan na panliligaw nya sa'kin. Hulog na hulog na naman din ako.

Agad akong nagtipa ng ire-reply ko sa kanya. [ Amanie: Good morning <3 Uuwi sila Kuya, lalabas kami. Kayo ba ng mama mo? ] 

Wala pang ilang minuto ay agad na nag reply si Josh.

[Josh: "<3" ]

Napasimangot ako pero agad din na napangiti. Ang haba ng reply ko, tanong pa yung huli, yung puso lang ang napansin. Loko talaga 'to.

[ Josh: Balak din namin mamasyal ni Mama mamaya. Kailan kayo lalabas ng mga kuya mo? ]

Napatango ako kahit hindi nya 'to nakikita. Dapat talaga may quality time sila mag-ina, tagal din nawala ng mama nya.

[ Amanie: Ngayon, maliligo na nga 'ko eh. Nasa banyo na 'ko. ]

Pagkatapos ko i-reply 'yon ay pumasok na 'ko ng banyo at inilagay na ang mga gagamitin ko. Muntik ko na mabitawan ang sabon ko ng sunod-sunod ang tunog ng cellphone ko. Agad kong nilapag 'yon at binasa ang text ni Josh.

[ Josh: Damn. ]

[ Josh: Maligo ka na, 'wag ka na muna mag reply. ]

[ Josh: Bakit kailangan mo pa sabihin sa'kin? -_- ] 

Kumunot ang noo ko sa mga reply nya. Anong mali sa sinabi ko? Magti-tipa na sana 'ko para sa ire-reply ko ng muli syang mag text.

[ Josh: Maligo ka na please. H'wag ka na muna mag reply. And Amanie, please, sa susunod na maliligo ka, 'wag mo nang sabihin sa'kin. Lalo na yung nasa banyo ka na.  Sakit mo sa ulo. -_- ] 

Saglit akong natulala sa text ni Josh pero maya-maya ay bigla din akong tumawa. Tignan mo nga naman, oh. May pagka maniac din pala 'tong lalaking 'to. Anong ulo ba 'yan? Hahahaha! Agad kong tinampal ang sarili ko sa naisip ko. Walangya kasi 'to si Josh. 

Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon