050
====================
Pumasok kami sa isang fast casual restaurant at kumuha ng pwesto sa bandang dulo si Tita Carol. Tahimik kaming naupo doon pagpasok. Magkatabi si Tita Carol at Tita Grace habang ako naman ang nakaupo sa tapat nila.
"Gutom ka ba, Amanie? Kumain ka na muna." Ani Tita Carol at inabot sa akin ang menu ngunit umiling lamang ako sa kanya. Gusto ko na lang talaga makausap si Tita Grace at malaman kung ano 'yung side nya. Para rin ipaalam iyong side ni Mama at Papa.
Gusto ko ng matapos 'to.
"Salamat po Tita Carol, pero gusto ko lang po talaga makausap si Tita Grace." Sambit ko at nilingon sya. Ibinaba nya ang menu na hawak nya at tumingin ng diretso sa akin. Nakaramdam agad ako ng bigat sa dibdib ko sa tingin pa lang nya na 'yon.
Siguro nga natatakot ako sa kanya; sa mga sasabihin nya, sa mga malalaman ko sa kanya, pero kailangan kong gawin 'to. Kailangan ko labanan yung takot na 'yon.
"Inutusan ka ba ni Amer? Kaya ganyan ka ka-desedido na kausapin ako tungkol sa kung ano man ang gusto mong pag-usapan natin?" Ramdam na ramdam ko ang biglang pagpapawis ng mga kamay ko sa ilalim ng mesa. Hindi agad ako nakasagot sa kanya dahil sa tingin na ibinibigay nya sa akin.
"Grace, 'wag mong takutin 'yung bata.." Rinig kong bulong ni Tita Carol sa kanya. Hindi nya pinansin iyon at nanatiling nakapukol ang tingin nya sa'kin at inaantay ang sagot ko. Huminga ako ng malalim at dumiretso ng upo.
Hindi ko alam kung intensyon nya bang takutin ako o nararamdaman ko lang talaga 'to, pero hindi ako magpapatinag. Pamilya ko ang pinag-uusapan dito at hindi ako magpapatinag sa kanya.
"Wala syang alam dito at ako ho ang may gusto na makausap kayo. Tita Grace, I respect you so much not only because you deserve it. But because you are also the mother of the man that I love, and I know it would hurt him to see us in another conflict and I never want that to happen even if you insulted my father in front of his own children."
"I have my reasons, Amanie." Aniya ng hindi pinuputol ang tingin sa akin. Binigyan ko sya ng mapait na ngiti dahil sa naging sagot nya sa akin.
"But don't you think you're being too much, Tita Grace? Alam kong kay Papa nagsimula ang lahat, pero hindi ba parang sobrang habang panahon nya ng hinihingi ang kapatawaran mo?" Agad akong nagitla nang bigla nyang ibagsak ang mga kamay nya sa mesa na naglikha ng malakas na ingay. Nakaagaw iyon ng ilang atensyon ng mga taong nasa loob rin ng restaurant ngunit hindi nya iyon pinansin.
"Exactly, Amanie. Dekada na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi ko magawang patawarin ang ama mo. Sa tingin mo ba hindi ko sinubukan? Sa tingin mo ba gusto kong idikit pa ang sarili ko sakanya pagkatapos ng mga nangyari?" Agad akong nagtaka dahil sa sinabi nya. Umayos sya ng upo at nag-iwas ng tingin sa akin. Sa mga galaw pa lang nya na 'yon ay alam ko ng may mali.
"Sinubukan kong patawarin ang Papa mo. Pero hindi gano'n kadali. Lalo na ngayon na nalaman ko na isa ka sa mga anak nya. Mas lalo akong nahihirapan kahit na alam ko naman na wala kang kinalaman sa kung anong nangyari sa amin dati. Pero masakit at mabigat na makitang sa kabila ng ginawa ni Amer sa akin, nagkaroon sya ng kagaya mo. Na sa kabila ng mga mali nya, nagbunga pa rin iyon ng kabutihan at kayo 'yon ng mga kapatid mo.." Nakatitig lamang ako sa kanya ang sabihin nya ang mga iyon. Tuloy-tuloy ang pagdalos ng mga luha nya sa mukha nya ngunit hinid nya inalintana ang mga iyon.
"I was a victim of rape, Amanie.." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sunod na sinabi ni Tita Grace. Nakatitig lamang sya sa akin at tila inaantay ang magiging reaksyon ko sa sinabi nya. Hindi ako makagalaw at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin o i-react.

BINABASA MO ANG
Memory Of Us
RomantikWho would have guessed that one eventful message would bring together two completely different people? It all began with a bitter first impressions. Tease one another, annoy each other, unending banter, sweet laughs, big dreams, and gentle love. But...