024

351 12 0
                                    

024


××××××××××

"Kanina ka pa tahimik dyan.." Bulong sakin ni Princess ng mapansin nya ang pananahimik ko. Inirapan ko lamang sya at 'di pinansin ang sinabi nya.

"Hala, galit ka na sa lagay na 'yan?" Aniya habang natatawa. Inirapan ko ulit sya at hindi pinansin. Naiinis kasi ako sa ginawa nila kanina ni Josh. 

"Hindi ka mukhang galit, mukha kang kinikilig." Ani Princess atsaka humalakhak. Sinamaan ko lamang sya ng tingin at hindi pinansin.

"Dapat nga nagte-thank you ka sakin e, baka kung 'di ko binulong kay Josh na magpanggap na boyfriend mo, malamang selos na selos ka na ngayon." Aish. 

"Nandito na tayo.." Wika ni Papa ng makarating na kami sa resto kung saan kami magce-celebrate. Lumabas na kami ng sasakyan ni Princess at ganoon din si Papa.

"Tara na, gutom na 'ko kanina pa." Ani Princess at nauna ng pumasok don. Susunod na sana kami ni Papa ng makita ko sila Josh at Yael na papunta din sa resto na papasukan namin. 

Umalis na agad kami kanina pagkatapos mag picture-picture dahil nagugutom na si Papa. Dapat kanina ipapakilala ni Yael ang mama nya ang kaso natagalan daw. Pero ngayon sa tingin ko sila magkakakilala.

"Sila Yael iyon diba?" Tanong ni Papa sa likuran ko. Saktong lumingon sa gawi namin si Yael at parang nagulat din ng makita kami. Nakangiti silang lumapit sa amin ni Josh.

"Dito kayo kakain?" Nakangiting tanong sakin ni Yael. Tumango lamang ako at pilit na iniiwasan na dapuan ng tingin si Josh.

"Nandyan na ba ang mama mo, Yael?" Tanong ni papa sa kanya.

"Opo, nauna na po sya sa loob. Gusto nyo po bang sabay-sabay na lang tayo? Para magkakilala na din po kayo ni mama." Ani Yael na ikinahinto ko. Sasabay kami sa kanila?

"Ayos lang ba 'yon sa mama mo?" Muling tanong ni papa na tinanguan lamang ni Yael. Sabay-sabay kaming pumasok sa resto, magkatabing nagalalakad si papa at Yael habang si Josh naman ang katabi ko.

"Babygirl.." Bulong nya sakin. Mariin akong napapikit at agad syang siniko.

"Ouch.." Aniya at natawa. Nang makapasok na kami ay nakita na agad namin na nag-uusap si Princess at ang mama ni Yael. Nagkita siguro agad sila.

Lumapit kami sa kanila at agad naman naming naagaw ang atensyon nilang dalawa.

"Tito, mama po ni Yael!" Sigaw ni Princess habang nakaturo sa mama ni Yael. Nakangiti itong humarap sa amin ngunit ang mga ngiting 'yon ay agad ding nawala ng mapatingin sya kay papa.

"Amer?" Kunot noong bigkas nya sa pangalan ni Papa. Tinignan ko si papa at gulat din syang nakatingin dito.

"Carol.." Tawag naman ni Papa sa kanya. Magkakilala ba sila?

"Uh, magkakilala po kayo?" Biglang tanong ni Princess. Agad na napakamot si papa sa ulo nya at natawa naman si Tita Carol, mama ni Yael.

"Magkaklase kami noong highschool pa lang kami." Ani Tita Carol na ikinagulat namin. What a small world.

"Mamaya na tayo magkwentuhan, Amer, sumabay na lang kayo samin. Mukhang mahabang-habang kwentuhan ang magagawa natin." Ani Tita Carol kaya naman natawa na kami.

"Nako Amanie, kung alam mo lang kung anong klase ang tatay mo noong mga highschool pa lang kami. Sobrang maloko, pinapagalitan na sya ng teacher namin tawa lang ng tawa!" Kwento ni Tita Carol sa habang kumakain kami.

Magkatapat si Papa at Tita Carol, katabi ko naman si Princess; katapat ko si Josh at katapat naman ni Princess si Yael. Nakatingin lamang ako kay Papa at Tita Carol habang nagku-kwentuhan. Pansin ko lang, sobrang close siguro nila non kaya hindi sila gaanong nagkakahiyaan ngayon. 

Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon