044

276 4 2
                                    

It's been a week. Text, chat or call─ wala akong natatanggap kay Josh pagkatapos nung huling beses kaming nagkita at nag-usap. Ang bigat sa pakiramdam, but I'm trying my best to divert this feeling. Ginusto ko naman 'to, dapat mapanindigan ko.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong problema ang itinatago sa'kin nila Papa at Kuya. Hindi ko sila kinikibo at hindi ko na rin pinipilit pang alamin sa kanila kung anong problema dahil gagawa lamang ng gulo 'yon. Hindi ko pa rin nga malimutan iyong nakita kong muntikan na mag-away si kuya Alvin at kuya Aldrich.

Ayoko na ulit sila makita sa gano'ng sitwasyon. Hindi ako sanay, nakakapanibago at nakakatakot. Knowing them, sobrang dalang nila mag-away. Huling away nga nila ay nung bata pa kami. Iyon yung mga panahong naaksidente ako sa paglalaro namin at nagsisisihan sila sa nangyari hanggang sa muntikan na silang mag basagan ng mukha. Sa sobrang takot ko na baka saktan na nila ng tuluyan ang isa't isa, halos iyak na lang ang nagawa ko. Mabuti't narinig agad ni Papa at napigilan silang dalawa.

Pagkatapos ng away na 'yon, sa pagkakaalam ko hindi na nasundan ulit. Halos magkasundo naman kasi sila sa lahat ng bagay. Todo suporta pa sa isa't isa, lalo na kapag may tipong babae ang isa sa kanila. Pero kadalasan, si kuya Aldrich ang gano'n kay kuya Alvin. Si kuya Alvin kasi maingay pero kapag may natipuhan na babae, tumitiklip at nananahimik. Bigla na lang nagiging torpe. Hihingi pa 'yan ng advice sa'min ni kuya Aldrich kung anong dapat nyang gawin pero kapag naman binibigyan namin, hindi rin ginagawa. Naduduwag kaya lagi tuloy sya natutukso ni kuya Aldrich kapag usapang babae na. Hahaha.


Habang si kuya Aldrich naman, napagkamalan pang bakla ni Papa nung una. Hindi dahil sa may mga bagay s'yang ginagawa na nagmu- mukhang ganon, dahil kahit kailan hindi pa sya nagdadala o nagpapakilala ng babae sa'min. Nilinaw nya naman, mayroon syang natitipuhan noon pero hanggang doon lang muna ang gusto nya. Hindi ko alam pero tawang-tawa talaga ako nung narinig ko kay Kuya iyon. Ang cute kasi, parang babae. Ang dahilan nya naman kasi ay gusto nya raw na magkaro'n muna sya ng trabaho bago pormahan yung babae. Sa ganoon paraan raw kasi, kaya nya na ipagmalaki iyong sarili nya.


Nakaka miss tuloy ang bonding namin nila kuya at Papa. Kwentuhan, manonood, lalabas at maglalaro at kung ano-ano pa. Uubusin namin ang oras sa buong araw sa iba't ibang bagay. Pero simula kasi ng kinailangan humiwalay nila kuya dahil sa pag-aaral at pagta-trabaho, naging bihira na lamang 'yon. At naiintindihan ko naman. Gaya ni kuya Alvin, busy rin naman ako sa pag-aaral, panigurado lang na mas abala sya dahil ga-graduate na. Habang si kuya Aldrich naman, busy sa pagta-trabaho at paniguradong iyong free time or free day nya ay nilalaan nya na lamang sa pagpapahinga.


Kahit naman gano'n na ang sitwasyon namin ngayon, naglalaan pa rin sila ng oras sa'min ni Papa at sa tingin ko, iyon naman ang importante. Ang magkaroon pa rin ng oras sa isa't isa sa kabila ng pagiging abala namin lahat.


Agad kong tinignan ang wrist watch ko nang matapos ako sa pag-aayos. Aalis kasi ako ngayon, I planned to visit Mama and baby Aira. Ang tagal na rin simula nung makita ko sila sa personal. Nagkakausap naman na kami ni Mama sa chat pero hindi rin gano'n katagal dahil inaalagan nya si baby Aira and hindi rin naman ako masyado sanay makipag-usap sa chat. Nakakatamad mag tipa.


Kinuha ko ang grey shoulder bag ko't phone sa table at saka lumabas ng kwarto. Nakatutok sa panonood si kuya Alvin at Papa pagkababa ko kaya naman sabay rin silang lumingon nang marinig ang presensya ko.

"May lakad ka?" Ani Papa nang pasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Tumango ako at saka kunwaring napakamot sa ulo ko.

"Nakalimutan ko pala mag sabi kahapon. Birthday ho ng kaibigan ko ngayon, may konting salo-salo and inimbitahan nya akong pumunta." Pagsisinungaling ko. Nagkatinginan si kuya Alvin at Papa pero mabilis rin nilang ibinalik ang tingin nila pareho sa akin.

Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon