010
====================
"Amanie.." Isang malamig na kamay ang naramdam kong tumapik sa braso ko. Dumilat ako at hinarap 'to.
Bumungad agad sa akin ang mukha ni papa, umupo ako at kinusot ang mata ko. Ang aga naman mang gising ni Papa. Wala naman akong pasok ngayon?
"May naghahanap sayo sa labas." Aniya na ikina-kunot ng noo ko. May naghahanap sakin?
"Sino daw po?" Tanong ko. Nagkibit-balikat lang sya at lumabas na sa kwarto ko.
Sinuot ko ang tsinelas ko at nagmumog at hilamos lang sandali bago bumaba.
Dire-diretso ako sa pagbaba at halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko na nakaupo sa sofa namin si Josh at Yael. Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanila samantalang sila naman ay tulalang nakatingin sakin.
"Ah..." Nauutal na saad ni Yael. Nabaling ang tingin ko kay Josh at para akong aatakihin sa kaba ng seryoso nya kong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Amanie, h-hindi naman kkami nagmamadali. P-Pwede ka munang maligo at magpalit ng d-damit." Napakurap ako sa sinabi ni Yael. Napatingin ako sa sarili ko at halos lumuwa ang mata ko ng makita ko ang suot ko.
Binalik ko ang tingin sa kanilang dalawa, nakaiwas na sila nang tingin sa akin pero pareho silang namumula.
Short na maikli at sando na mahaba... multong malunggay! Nakalimutan ko mag suot ng bra!
Dali-dali akong tumakbo sa taas at dumiretso sa kwarto ko.
Wtf!!!!
Ang tanga-tanga mo talaga, Amanie! Bakit hindi mo man lang na-realize yung suot mo bago ka bumaba!? Argh! Nakakahiya!!
^^^^^^^^
Huminga ako ng malalim bago muling bumaba. Naligo ako at nagsuot ng maayos gaya nga nang sabi ni Yael. Sana naman hindi na nila maalala yung nangyari at nakita nila kanina.
Nakita kong kumakain si Yael at si Josh sa lamesa pagbaba ko. Agad silang tumayo ng makita ako. Tumikhim ako bago nagsalita.
"Anong ginagawa nyo dito? Sana naman nagsabi kayo na pupunta pala kayo ngayon." Saad ko at pareho silang inirapan.
"Biglaan lang, babs. Kakatapos lang kasi namin mag basketball ni Kuya Josh at naisipan namin na sorpresahin ka." Ani Yael. Napatingin ako sa suot nila at ngayon ko lang nakita na naka-rubber shoes pala sila pareho.
"Kaso kami ang na-surprise sa itsura mo." Sambit naman ni Josh na ikina-pula ko. Sinamaan ko sya nang tingin.

BINABASA MO ANG
Memory Of Us
RomanceWho would have guessed that one eventful message would bring together two completely different people? It all began with a bitter first impressions. Tease one another, annoy each other, unending banter, sweet laughs, big dreams, and gentle love. But...