Napa-diretso ako ng upo swing ng biglang mag ring ang phone ko na nasa bulsa ko. Nilapag ko saglit sa gilid ang coke float na hawak ko at dali-daling kinuha 'yon.
Cess calling...
Agad kong sinagot 'yon.
"Bakit, Cess?" Bungad na tanong ko pagsagot ko ng tawag nya. Saglit na katahimikan bago sya nagsalita na.
"Nasa'n ka?" Tanong nya mula sa kabilang linya.
"Nasa park lang, bakit?" Sagot ko. Narinig ko ang tawa nya kaya naman napakunot ang noo ko.
"Wala lang. Sige, bye! And enjoy!" Bago pa 'ko makasagot sa ka-weirdohan nya ay naibaba nya na ang tawag. Weird. Enjoy saan?
Kinuha ko na lamang ulit ang coke float ko na nasa lapag at nagpatuloy sa pag-uuga ng swing na inuupuan ko. Pinili kong tumambay dito sa park pagkagaling ko sa Mcdo para bumili ng fries at coke float. Nakakatamad na kasi sa bahay, wala naman masyadong ginagawa.
Malapit na din pala ang klase, may pagkaka-abalahan na ulit ako.
Agad kong nabitawan ang hawak kong coke float ng makita ang taong papalapit sa pwesto ko. Kumurap ako ng ilang beses. Shet, anong ginagawa nya dito?!
Seryoso lamang ang mukha ni Josh ng makalapit sya sa akin. Naka gray syang T-shirt at tokong na itim. Tumingala ako sa kanya, nakapamulsa na sya at ganon pa din ang expression ng mukha.
"J-Josh.." Nauutal na tawag ko sa kanya. Bumuntog hininga sya atsaka naupo sa swing sa tabi ko. Paano nya nalamang nandito ako?
"Wala lang. Sige, bye! And enjoy!"
Shit. Si Cess ang nagpa-punta sa kanya dito!
"Hindi mo naman ako kailangang iwasan dahil lang do'n sa reply sakin ni Cess." Nanlalaki ang mata kong nilingon sya ng sabihin nya 'yon. Nakayuko lamang sya at pinaglalaruan ang daliri nya.
"I missed you. Hindi naman 'yon tanong na kailangan mong sagutin, sinasabi ko lang 'yung nararamdaman ko." Napayuko ako ng lingunin nya ko. Nakaka-guilty. Hindi ko naman gustong iwasan sya, nahiya lang talaga ko sa ginawa ni Cess. Baka kasi ipang-asar nya sakin.
"Mas mabuti ng maging honest ka, at least, hindi ka paasa." Tinunghay ko sya at nakangiti na syang nakatingin sakin. I bit my lower lip atsaka sya ginantihan ng ngiti.
"Sorry." Saad ko. Tumango lamang sya atsaka kami ulit nanahimik. Napatingin ako sa coke float kong nailaglag ko kanina. Napanguso ako, sayang, wala pa sa kalahati 'yung bawas ko sa float ko.
Biglang tumawa si Josh na ikinalingon ko.
"Kinokonsensya 'ko ng nguso mo, tara na. Bibilhan na lang ulit kita ng bago." Aniya habang natatawa atsaka tumayo. Natawa na lang din ako at napailing. Nilihad nya ang kamay nya sa harap ko kaya naman napatingin ako do'n.
"Tulungan na kita tumayo." Ani Josh. At sa sandaling ipatong ko ang mga kamay ko sa kamay nya, naramdaman ko nanaman ang malalakas at nakakatakot na karera sa dibdib ko. Damn. Palagi na lang ba ganito ang epekto mo sa'kin, Josh?
*****
Nasa Mcdo kami ni Josh. Hindi lang coke float ang binili nya, bumili din sya ng chicken fillet, sundae ice cream at fries para sa'ming dalawa. Hindi pa daw kasi sya nana-nanghalian. Kahit gusto kong pumalag dahil pera nya lahat ang ginastos, hindi ko magawa. Wala naman kasi akong dalang malaking pera.
"Sinasawsaw mo din ba ang fries sa ice cream?" Tanong nya pagkadating ng food namin sa table. Napangiti ako. Agad akong kumuha ng fries at isinawsaw 'yun sa ice cream atsaka isinubo.
BINABASA MO ANG
Memory Of Us
RomansaWho would have guessed that one eventful message would bring together two completely different people? It all began with a bitter first impressions. Tease one another, annoy each other, unending banter, sweet laughs, big dreams, and gentle love. But...